Chapter 19.1
Napakunot ang noo ni Dale Andrew ng abutan sa kusina si Margarette na naghahanda ng almusal. Gusto niyang sisihin ang kaibigan dahil dito ay nakalimutan niyang asikasuhin ito.
"What are you doing?" Mabilis niyang nilapitan ito at inagaw ang tangan na mga kubyertos.
"I'm preparing our breakfast. Tamang-tama malapit na akong matapos."Matamis pang nginitian ito ni Margarette habang inihahain ang mga pagkain na inabutan sa kusina.
Naninibago si Dale Andrew sa dalaga dahil kanina lamang ay sinisinghalan siya nito. "Margarette, kailangan kitang makausap may importante akong sasabihin sa'yo." Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag sa dalaga. Nang sabihin sa kanya ng kaibigan ang kinaroroonan ni Reena ay nakabuo na siya ng desisyon.
"Let me eat first, baka mapano ang baby natin kung malipasan ako ng gutom." Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Hmmm..." Pagtikhim ni Aries para iparating sa dalawa ang presensiya niya.
"Oh...I'm sorry hindi ko alam na may bisita pala kami." Pagmaang-maangan ni Margarette. "Sabayan mo na kaming mag-almusal." Anyaya niya kay Aries.
"Parang gusto kong magtampo sa'yo Margarette, you didn't even recodnize me." Pagbibiro ni Aries.
"Huh?" Biglang napaisip si Margarette pero hindi niya maalala kung saan sila nagkita nito.
"I've met you at the coffee shop." Masigla ang tinig nito bago inokupa ang silya sa tapat na kinauupuan ng dalaga. Kung hindi lang sila nagkabalikan ni Grace ay aagawin niya ito sa kaibigan upang hindi na ito masaktan.
"Oh yes... natatandaan ko na." Maluwag na ang pagkakangiti ni Margarette.
"Akala ko ba nagugutom ka?" Singhal ni Dale Andrew kay Margarette. Naiinis siya sa dalawa dahil kung mag-usap ang mga ito ay parang wala siya sa harapan ng mga ito.
Inis na binalingan niya rin ang kaibigan para paalalahanan. "At ikaw naman.... I just want to remind you na may girlfriend ka na."
Muntik ng mapahalakhak si Aries sa inasta ng kaibigan. Nakikita na niyang malaki ang kahaharapin nitong problema. Sinabi nito kanina sa kanya na mahal pa rin nito si Reena at handa na siyang kalimutan ang paghihiganti kay Don Emmanuel. At ngayon naman ay parang may nahihimigan siyang selos dito.
Si Margarette naman ay tahimik na kumain habang nililimi ang kanyang napagdesisyunan. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na ito ang nararapat niyang gawin alang-alang sa batang nasa sinapupunan niya.
"Hmmm...masarap ka palang magluto Margarette. Ang swerte naman nitong si Dale Andrew." Basag ni Aries sa katahimikan at may pang-aasar na tinapunan ng tingin ang kaibigan.
"No...hindi ako ang naluto niyan." Sinabayan pa ng pag-iling na tugon ni Margarette. "Nakita ko lang sa kusina ang mga iyan mukhang galing sa isang restaurant." Patuloy niya.
"Inorder ko yan para sa aming dalawa." Sabad ni Dale Andrew. Hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siyang inis sa kaibigan.
"Ah...akala ko katulad ka ni Reena na magaling magluto." Talagang sinasadya ni Aries na asarin ang kaibigan.
Natigilan si Margarette ng mabanggit ang pangalan ng babae. "Who's Reena?" Kunwaring tanong niya ng makabawi.
"Hindi dapat pinag-uusapan dito ang taong wala." Mariin ang pagkakasabi ni Dale Andrew.
"I'll go ahead, may mga aasikasuhin pa ako sa opisina." Nagmamadali ng nagpaalam si Aries ng maramdaman ang kaseryosohan ni Dale Andrew. Ngayong nakaharap at nakausap na niya si Margarette ay nasisiguro niyang hindi ito kayang paikutin ng kaibigan. Bago tuluyang tumalikod ay tinapik niya ang balikat ni Dale Andrew. Tanging tango lamang ang tugon nito sa kanya.
Pagkaalis ni Aries ay tahimik na pinagpatuloy nila ang pagkain. Walang gustong bumasag ng katahimikan sa pagitan nila.
"Kailangan kong tumawag sa bahay." Hindi na nakatiis sa pahayag ni Margarette. Gusto niyang makausap ang mga magulang dahil alam niyang nag-aalala na ang mga ito. At nais niya ring sabihan ang mga ito na dalhin na ang mga personal niyang gamit dito sa condo unit ni Dale Andrew.
"You don't need to call your parents. Ihahatid na kita para makapagpaliwanag na rin ako sa kanila." Hindi makatingin ng diretso si Dale Andrew kay Maegarette habang nagsasalita dahil kahit siya ay naguguluhan sa naging desisyon.
"What do you mean? Akala ko ba mamaya na ang kasal natin?" Lakas loob na tanong ni Margarette kahit alam na niya ang posibleng isasagot nito.
Nagpakawala muna ng buntong hininga si Dale Andrew bago sinalubong ang mga tingin ni Margarette. "I'm sorry, hindi na natin itutuloy ang kasal. I've realized na tama ang sinabi ng mommy mo na magiging miserable lang ang buhay natin dahil walang pagmamahal ang mamamagitan sa relasyon natin."
Hindi maipaliwanag ni Margarette ang sakit na nararamdaman habang nakikinig dito. Alam niyang dahil sa Reena na yun kaya nagbago ang isip ni Dale Andrew.
"Paano ang bata?" Muli niyang tanong.
"We can share the responsibilities and I promise na hindi ko siya kukunin sa'yo." Mabilis na tugon ni Dale Andrew.
Marahang umiling si Margarette. "I didn't plan for this baby. Kailanman ay hindi ko ito ginusto, siguro mas makakabuti sa kanya kung hindi na niya makita ang mundo." Sabay tayo niya.
------------------------
A.N.Enjoy reading :)
BINABASA MO ANG
You've Changed My Life In A Moment (Completed)
General FictionYou are that little accident that changed my whole life.