Chapter 3.2

38.2K 935 20
                                    

Chapter 3.2

Nagtaka si Althea ng matanaw si Dale Andrew na nagmamadaling umibis sa sasakyan nito. Kasalukuyan siyang nasa balkonahe habang pinapanood ang kanilang hardinero na nag-aayos ng mga bago niyang biling halaman. Isang himala para sa kanya ang basta na lamang pagsulpot nito sa mansion ng hindi nila pinapatawag. 


"Mama, where's Dale Gavin?" Halata sa boses ni Dale Andrew ang pagkairita. 


"He's on vacation. Bakit mo hinahanap ang kapatid mo?" Malumanay na tanong ni Althea sa anak. 


"Nagbabakasyon siya tapos sa akin ipapasa ang mga responsibilidad niya. I don't understand this!" Nanggigigil na sinipa ni Dale Andrew ang isang paso na malapit sa kanya. 


"Dale Andrew! Huwag kang umasal sa harap ko ng ganyan! Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo ngayon?!" Pinandilatan ni Althea ang anak. Kahit nasa tamang edad na ang mga anak ay hindi nila pinapalampas ang mga pangit na pag-uugali ng mga ito. 


"Bakit biglaan na na-assign sa akin ang shipping company?  Alam naman ninyo kung gaano kahalaga sa akin ang construction company." Nagpupuyos ang kalooban niya habang nagpapaliwanag sa ina. Parang nararamdaman niya na may pinaplano ang mga magulang na hindi niya magugustuhan. 


"You should talk to your father about this, huwag yung ako ang sinisigawan mo. Nagiging lapastangan ka na." Mariing turan ni Althea. Alam niyang mangyayari ang ganitong eksena ng sinabi sa kanya ni Gabriel ang binabalak sa anak. 



"Mama, you don't understand my side. Kinuha sa akin ng papa ang construction company at kuwari ay ipinasa niya ang shipping company sa akin while my younger brother is on vacation at kapag nagsawa na siyang magliwaliw babawiin na niya ang kumpanya." Napahawak siya sa kanyang sentido habang nagsasalita. Masamang-masama ang loob niya sa mga magulang ng mga sandaling iyun pakiramdam niya ay binabalewala ng mga ito ang lahat ng mga paghihirap niya mapaunlad lang ang construction company nila. 



Tinitigang mabuti ni Althea ang anak, bilang ina ay naaawa siya rito ngunit kung patuloy niya itong kukunsintihin ay imposible itong magbago. "If you really want the construction company ibigay mo ang gusto namin ng papa mo." 



"So....talagang pinagplanuhan ninyo ng papa ito." Mapait na pahayag ni Dale Andrew, hindi niya akalain na talagang tototohanin ng ama ang banta nito sa kanya. 



"Anak, ang gusto lang naman namin maging maayos ang buhay mo." Pagpapaliwanag ni Althea. 



"Sa tingin ninyo hindi maayos ang buhay ko ngayon?" Napapailing si Dale Andrew habang nagsasalita. 



"Gusto mo talagang sagutin ko iyang tanong mo?" Balik tanong ni Althea sa anak. 



"Okay! Kayo na ang nanalo. Gusto niyo ng apo then I'll give what you want." Inis na pahayag ni Dale Andrew sabay talikod sa ina at dire-diretso muling tinungo ang kanyang sasakyan. 


Napapailing na lamang si Althea habang tinatanaw ang anak. Mula pagkabata ay si Dale Andrew ang laging sumusuway sa kanilang mag-asawa kaya hindi na siya magtataka kung muling silang suwayin nito. 


__________________________________


Minabuti na lamang ni Dale Andrew na tumuloy sa opisina ng kaibigan para doon maghinga ng sama ng loob. 


"What are you doing here? Akala ko ba may importante kang meeting ngayon?" Nagtatakang turan ni Aries ng maabutan ang kaibigan na palakad lakad sa kanyang pribadong opisina. 


"Damn! They don't have the right to manipulate my life!" Nanggigigil na usal ni Dale Andrew. 



"Same issue dude?" Nakangising tanong ni Aries bago umupo sa harap ng kanyang mesa at humarap sa kanyang computer. 



"Kinuha na sa akin ang construction company." Napatiim siya ng bagang pagkaalala niya sa pagtatalo nilang mag-ama kanina. 


Biglang napaangat ng tingin si Aries sa kaibigan. Mukhang seryoso nga ang problema nito kaya naman pala halos hindi na maipinta ang mukha. "Kung ako sa'yo sundin mo na lang ang gusto nila para matapos na ang problema mo." Payo niya rito.



"Yeah, you're right. Ibibigay ko ang gusto nila." May nabuong plano si Dale Andrew na alam niya na pagsisisihan ng mga magulang kung bakit hiniling pa ng mga ito na magkaapo sa kanya. 



"So...I'll call my friend then we'll meet her at the bar." Mabilis na sabi ni Aries. Nabanggit na niya rito noong isang araw pa na may ipapakilala siyang kaibigan na maaaring makapasa sa standard ng mga Monteverde para maging ina ng magiging apo ng mga ito. 


"I don't need your friend." Nagsimula ng  umaliwalas ang mukha ni Dale Andrew. Unti-unti na niyang nabubuo ang mga plano sa kanyang isipan. 



"Bakit may matinong babae na bang pumayag sa proposal mo?" Nakakunot ang noong tanong ni Aries. Noong isang araw ay namomoroblema ito kung sino ang aaluking maging baby maker kaya hindi siya makapaniwala na may napapayag na ito. 



"Actually, hindi ko pa siya nakakausap at hindi rin ako sigurado kung nandito siya sa Pilipinas. Ang huli kong balita tungkol sa kanya ay nasa America naka base ang business niya." Nakangisi si Dale Andrew parang nakikini-kinita na niya ang magiging reaksiyon ng mga magulang kapag ang babaeng ito ang magbibigay ng apong pinakamimithi nila. 



Naguguluhan si Aries sa pinagsasabi ng kaibigan. "Siguraduhin mo lang na matinong babae ang magiging ina ng anak mo dahil baka sa bandang huli ikaw ang magsisisi." Pag-papaalala niya rito. 



"She's a good catch but our family is not in good relationship with them." 


"Oh Dude! huwag mong sabihin na si Martina ang iniisip mong maging ina ng anak mo? Ang pagkakaalam ko ay ang pamilya lang ni Don Emmanuel ang naging kaaway ng pamilya ninyo." Nababahalang pahayag ni Aries. 



Natawa si Dale Andrew. "Don't worry hindi si Martina. May isa pang apong babae si Don Emmanuel anak siya ng dating girlfriend ni papa." Hindi pa niya ito nakikita ngunit narinig niya noon sa mga magulang na nagkaroon ng babaeng anak si Marian Sarmiento. 


____________________________________________

A.N. 

Enjoy reading guys :D


You've Changed My Life In A Moment (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon