Chapter 32.1
Naputol ang pag-uusap nila ng bulabugin sila ng tunog ng telepono. Si Marian na ang tumayo upang sagutin ang aparato.
Pagkatayong pagkatayo ng biyenang babae ay buong pagmamahal na niyakap ni Dale Andrew ang asawa. Para sa kanya ay asawa pa rin ang turing niya kay Margarette kahit hindi legal ang nagging kasal nila. "Margarette sweetheart, please believe me. I love you." Nagsusumamong bulong niya rito at kung kinakailangan na magkaawa siya rito para paniwalaan siya ay gagawin niya.
Naninikip na ang dibdib ni Margarette dahil sa emosyong nararamdaman at nagsimula na ring humulagpos ang mga luhang kanina pa nakasungaw sa kanyang mga mata. "Dale Andrew, mahirap paniwalaan ang sinasabi mo, lalo na alam kong kaya mo hinangad na magkaanak sa akin dahil sa galit mo kay lolo Emmanuel."
Masuyong hinaplos ni Dale Andrew ang magkabilang pisngi ni Margarette. Gusto niyang matitigan ito ng husto at maiparating dito ang sinseridad niya. Agad niyang tinuyo ang mga luha nito sa pamamagitan ng kanyang mga daliri. Ngayon niya napagtanto na hindi niya kayang nakikita itong nahihirapan ang kalooban.
"Wala na akong pakialam sa lolo Emmanuel mo dahil ang tanging mahalaga para sa akin ngayon ay ikaw at ang magiging anak natin. I realized, I have never truly loved anyone and I will never truly love anyone the way I love you." Madamdaming pahayag ni Dale Andrew.
Muli sunud-sunod na napailing si Margarette. Magsasalita sana siya ngunit naunahan na siya ng kanyang nag-aalalang ina.
"Dale Andrew, kailangan mong puntahan ang mama mo, nasa St. Mary Hospital siya ngayon." Pagbibigay impormasyon ni Marian.
Nag-aalalang muling napatitig si Dale Andrew kay Margarette. Mahal niya ang mga magulang ngunit natatakot siya na kapag iniwan niya ngayon dito ang asawa ay maaaring hindi na muli niya itong makikita.
"Your mother need you, we still have a lot of time to sort out this problem. Kung totoong mahal mo ako hihintayin kita upang patunayan iyang sinasabi mong pagmamahal." Walang kaalam-alam si Margarette kung ano ang dahilan ng pagkakahospital ng mama nito pero ng makita niya ang reaksiyon ng kanyang mommy ay nasisiguro niyang importanteng nandun si Dale Andrew.
Walang magawa si Dale Andrew, napabuntong hininga na lamang siya pero bago tuluyang umalis ay muli niyang niyakap ng mahigpit ang asawa. Nakapaloob sa yakap niya ang pangakong babalikan niya ito upang patunayan ang pagmamahal niya para rito at magiging maayos na ang lahat.
"Sweetie, you need to rest first. Napakalayo ng biniyahe natin for sure you're tired." Baling ni Marian sa anak pagkaalis na pagkaalis ni Dale Andrew.
"Mommy...sa tingin mo totoong mahal niya ako?" May pag-aalinlangang tanong ni Margarette. Naguguluhan siya sa tinatakbo ng mga pangyayari.
"It's too early to believe him. Kailangang patunayan niya kung talagang mahal ka niya. Huwag ka munang mag-expect anak, baka sa bandang huli ay ikaw na naman ang masasaktan." Payo ni Marian.
"What happened to Althea? Why she's in the hospital?" Pag-iiba ng usapan ni Bryan ayaw na muna niyang pag-usapan ang tungkol kay Dale Andrew. Bilang lalaki ay nararamdaman niya ang sinseridad sa mga binitawang salita nito ngunit sang-ayon siya sa sinabi ng kanyang asawa na kailangang patunayan nito ang pagmamahal sa anak.
"May nangyaring masama kay Gabriel. Papunta raw dapat ito sa condo unit ni Dale Andrew ng may isang van na humarang sa sasakyan niya at pinaulanan ito ng bala." Pagkukwento ni Marian.
"Oh my goodness! Is he okay?" Nag-aalalang tanong ni Margarette. Naging maayos ang pagtrato ng mga magulang ni Dale Andrew sa kanya kaya hindi niya maiwasang maapektuhan sa balitang narinig.
"Nasa ICU siya ngayon and still unconscious. Anak, may nabanggit sa akin si Althea..." Nagdadalawang isip si Marian kung sasabihin nito rito ang napag-usapan nila ni Althea. Masyado na itong maraming problema at nababahala siya na maapektuhan ang pagbubuntis nito.
"Tungkol saan?" Hindi na nakatiis na tanong ni Margarette ng mapansin na biglang natigilan ang ina.
"T-Tungko s-sa naging kasal ninyo ni Dale Andrew. Akala niya hindi pa namin nasabi sa'yo." Pagsisinumgaling niya rito.
"Diday! Alalayan mo ang ma'am Margarette mo. Kailangan na niyang magpahinga." Tawag ni Bryan sa isa sa mga kasambahay nila na abala sa paglilinis. He knows something wrong is going on and he needs to talk to his wife.
Parang biglang nakaramdam ng pagod si Margarette kaya minabuti na niyang umakyat sa kanyang kuwarto.
________
Tuwang-tuwa si Grace sa narinig na balita. Nasisiguro niya na nagkakagulo na ngayon ang mga Monteverde at isang tao lamang ang paghihinalaan nilang gumawa nito. Parang nakikita na rin niya ang hitsura ni Nathan kapag nalaman nito ang kinasusuungang problema ng pinakamamahal na kapatid.
"Ma'am iyung bonus na pinangako ninyo sa amin." Nakangising turan ng isang lalaki na mukhang sanggano. Kasalukuyang kausap niya ito sa isang mamahaling coffee shop.
"Huwag kang mag-alala marunong akong tumupad sa usapan basta siguruhin lang ninyo na si Margarette ang lalabas na mga kagagawan ng lahat." Paniniguro ni Grace sa lalaki.
"Yes ma'am, areglado na ang lahat. May nakausap na akong isang ex-convict na siyang magpapanggap na inutusan ni Miss Sarmiento at sigurado akong madidiin siya ng husto." Mayabang na tugon nito.
"That's good! Bukas na bukas din ay idedeposito ko sa account mo ang napag-usapan natin. Huwag lang kayong papalpak dahil malilintikan kayo sa akin." Pagbabanta niya rito bago tuluyang umalis.
________________
BINABASA MO ANG
You've Changed My Life In A Moment (Completed)
General FictionYou are that little accident that changed my whole life.