Chapter 9.1
Kasalukuyang nagpapahinga ang mga magulang ni Margarette ng katukin niya ang mga ito sa master's bedroom.
"Come in hija" Sabay tapik ni Marian sa gilid ng kama sa tabi niya upang doon maupo ang anak.
Malungkot na ngumiti si Margarette at umupo sa tabi ng ina. "I'm gonna miss you guys." Paglalambing niya sa mga ito.
"Then just stay here... kaya naman naming ibigay lahat ng pangangailangan mo, hindi mo naman kasi kailangang magpakahirap magtrabaho anak." Pangungumbinsi ni Bryan.
"Daddy, your offer is very tempting kaya lang sayang naman ang nasimulan ko nang negosyo."
"Sabi ko nga..." Natatawang tugon na lamang ni Bryan. Gusto niyang pagaanin ang pag-uusap nila dahil kanina pa niya naobserbahan na malungkot ang asawa.
Napangiti si Marian sa tugon ng asawa. "Anong oras ka nga pala namin ihahatid sa airport?" Biglang naalala ni Marian.
"Eleven pa ang departure ko..... eight o'clock na lang tayo umalis hindi naman yata traffic ngayon." Tugon ni Margarette sa ina.
Ilang sandali pa ang lumipas ng may sunud-sunod na katok silang narinig. Agad na tumayo si Margarette at nabungaran niya ang namumutla nilang mayordoma. "Manang, bakit po?"
"M-Ma'am, tumawag po ang lola ninyo isinugod daw po sa hospital si don Emmanuel." Natataranta nitong pagbabalita.
Napasinghap si Margarette sa narinig at mabilis na nilingon ang ina, nagulat siya ng mamalayan na nasa tabi na pala niya ito.
"Oh my god! ang papa." Naluluhang pahayag ni Marian. Sa kabila ng hindi magandang pag-uugali nito ay hindi pa rin niya maiiwasan na hindi mag-aalala sa kalagayan ng ama. Kahit ano pa ang mga pagkakamali nito ay ama pa rin niya ito.
Mabilis na inalalayan ni Margarette ang ina. "Mommy, calm down just think positive na walang masamang mangyayari kay lolo." Pagpapakalma ni Margarette rito. Damang-dama niya ang panginginig nito ng katawan ng ina.
"Saang hospital dinala ang papa?" Sabad ni Bryan, tangan na nito ang susi ng sasakyan.
Pagkatapos sabihin ng katulong ang hospital na pinagdalhan sa matangdang don ay wala silang sinayang na sandali. Sa pagkakataon na iyun ay nakaramdam rin ng pag-aalala si Margarette para sa abuelo.
_______________________
Galit na galit si Gabriel habang hinihintay ang kanyang asawa. Pinasundo niya ito sa kanilang driver dahil may dadaluhan silang importanteng salo-salo. Ngunit pagkatapos malaman ang kalokohang ginawa ni Dale Andrew ay parang nawalan na siya ng ganang makipaghalu-bilo. Pati pagdating ng asawa ay hindi na rin niya namalayan dahil sa kakaisip kung paano kakastiguhin ang anak.
"Sweetheart, may problema ba?" Agad na napansin ni Althea ang pagkakakunot ng noo ni Gabriel. Nilapitan niya ito at tumayo sa bandang likuran ng asawa pagkatapos sa marahang minasahe ang balikat nito.
Napabuntong hininga muna si Gabriel bago nagsalita. "Ang anak mo may ginawa na namang katarantaduhan." Naiiling pa ito habang nagsasalita.
"Sino sa kanila?" Nag-aalang tanong ni Althea.
"Si Dale Andrew! I wanna to talk to him!" Sabay hampas niya sa mesa.
"Gab...alam mo naman ang anak natin na iyun mula pagkabata ay pilyo na talaga. Sa tingin ko nagrerebelde siya dahil sa panggigipit natin sa kanya."
"This time hindi ko ito palalampasin.... Tawagan mo siya sabihin mo na gusto ko siyang kausapin dahil baka kapag ako ang tumawag sa kanya makapagbitaw lang ako ng mga salitang hindi niya magugustuhan."
"Ano na naman ba ang ginawa?" Kalmado na tanong ni Althea habang tinatawagan ang anak. Akmang magsasalita si Gabriel ng pigilan niya ito pagkarinig sa boses ni Dale Andrew sa kabilang linya.
"Dale Andrew pumunta ka ngayon din dito sa opisina ng papa mo. May importante tayong pag-uusapan." Utos ni Althea sa anak.
"Mama, I'm busy right now. Ang daming iniwang trabaho ni Gavin na dapat matapos ngayong araw a ito. Kung tungkol yan sa demand ninyo ng apo sa akin nagawan ko na ng paraan you just need to wait for few weeks." Nakangising tugon ni Dale Andrew.
Nanlaki ang mga mata ni Althea sa huling sinabi ng anak. "Siguraduhin mo lang na disente ang babaeng ihaharap mo sa amin ng papa mo." Pagbibigay babala niya rito bago pinutol ang usapan nila.
Napagdesisyunan nilang mag-asawa na sila na lamang ang pupunta sa opisina ni Dale Gavin kung saan kasalukuyang nag-oopisina si Dale Andrew para hindi na ito makaiwas komprontasyon. At habang nasa daan sila ay ikinuwento ni Gabriel sa asawa ang tungkol sa natuklasan niya.
___________________________________________
BINABASA MO ANG
You've Changed My Life In A Moment (Completed)
General FictionYou are that little accident that changed my whole life.