Chapter 32.2

31.4K 884 42
                                    

Chapter 32.2

"Kuya, ang mama?" Nag-aalalang bungad ni Dale Andrew sa nakatatandang kapatid na inabutan niyang tila problemadong naghihintay sa labas ng ICU. Kanina habang papunta siya sa hospital ay sinubukan niyang tawagan ang mga kapatid ngunit kahit isa sa kanila ay walang sumasagot sa tawag niya.



"Nagpapahinga siya. The doctor gave her sedative to calm her down. Nandun si Dale Gavin, siya ang nag-aasikaso kay mama." Medyo nakahinga ng maluwag si Dale Rafael sa pagdating ng kapatid. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na si Margarette ang may kagagawan kung bakit agaw buhay ang kanilang ama ngayon. Nang sabihin sa kanila ng ina ang tungkol dito kanina ay hindi niya naiwasan na mag-alala para sa kapatid.




Napakunot ang noo ni Dale Andrew sa pagtataka. "Sino ang nandito?" Sabay tingin sa pintuan ng ICU na nakapinid.



"Ang papa... ang sabi ng mama ay papunta siya sa unit mo para komprontahin si Margarette tungkol sa impormasyong natanggap nila. Kaya lang hindi na siya nakaabot ng may humarang na isang van at pinaulanan ng bala ang sasakyan niya." Pagkukwento ni Dale Rafael.




Naging palaisipan kay Dale Andrew kung bakit gusting makausap ng ama ang kanyang asawa. Magtatanong pa sana siya upang maliwanagan ay hindi na niya nagawa ng lumabas ang doctor.



"Kamag-anak po ba kayo ni Mr. Monteverde?" Magalang na tanong ng doctor.



"Yes, how's our father? Mabilis na tugon ni Dale Andrew.



"He's safe now but we need to monitor his condition especially he's still unconscious but don't worry it's normal with his situation." Pagbibigay impormasyon ng doctor.



Tuluyan ng nakahinga ng mauwag ang magkapatid ng masigurong ligtas na ang kanilang ama.



"Andrew, puntahan mo na lang muna ang mama ako na ang bahala dito para makapag-usap kayo." Utos ni Dale Rafael sa kapatid.



Pagkasabing pagkasabi ng room number ng kanilang ina ay malalaking hakbang na tinungo niya ito. Ang hindi niya maipaliwanag ay kung bakit may kakaibang kaba siyang nararamdaman habang papalapit sa kuwarto ng ina.



"Mama, kumusta ang pakiramdam mo?" Bungad niya ng maabutang gising ang ina, tila sadyang hinihintay siya nito.



"I'm okay now. Ang papa mo kumusta na siya?" Nagsisimula ng gumaralgal ang boses ni Althea.


Nilapitan ni Dale Andrew ang ina at marahang hinimas ang noo nito. Sinabi niya rito na wala ng dapat ipag-alala dahil ligtas na sa peligro ang kanilang papa.

You've Changed My Life In A Moment (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon