Chapter 30.1
"Where are you going?" Nagtatakang tanong ni Bryan sa asawa ng mamulatan niya itong bihis na bihis. Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya ng makita ang oras, alas-singko pa lang ng madaling araw ngunit tila may imprtante itong pupuntahan.
Natigilan si Marian ng marinig ang boses ng asawa, hindi niya akalain na magigising ito. Halos ingat na ingat siya sa bawat kilos niya. "Susunduin ko si Margarette." Wala na siyang nagawa kundi sabihin dito ang totoo.
Mabilis na napabangon si Bryan. "Alam mo kung nasaan siya?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Kaya naman pala halos hindi niya makitaan ng pag-aalala ito ay dahil kasabwat ito ng anak.
Marahang lumapit si Marian sa kama at umupo sa tabi ng asawa. "Honey, huwag kang magalit kung hindi ko ito sinabi sa'yo agad dahil nangako ako kay Margarette na kaming dalawa lamang ang makakaalam kung nasaan siya ngayon." Malumanay na paliwanag niya.
Napailing na lamang si Bryan. Gustuhin man niyang magalit sa asawa ay hindi niya magawa dahil alam niyang mahal na mahal lamang nito si Margarette kaya nito nagawang maglihim sa kanya. "Nasaan siya? Gusto ko siyang makausap."
"She in Zambales...." Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ng biglang sumabad ito.
"'What?! Napakalayo ng Zambales. Paano siya nagpunta roon? Huwag mong sabihin na nagdrive siyang mag-isa?" Tuluyan ng napaupo si Bryan.
"Alam mo kung gaano katigas ang ulo ng anak mong iyun. kahit anong pakiusap ko sa kanya ay ayaw makinig. Nakausap ko siya kagabi, ligtas naman siyang nakarating sa resort ng isa sa mga kaibigan niya." Iniiwasan ni Marian na mabanggit ang pangalan ni Dr. Venice Dela Vega dahil alam niya ang kaugnayan nito sa mga Monteverde.
"Haaayyy..." Muling napabuntong hininga si Bryan. "Kung hindi lamang siya buntis ay mas gugustuhin kong doon na muna siya para makapag-isip ng maayos." Patuloy niya.
"Mas makabubuti kung umuwi siya rito at makipag-usap kay Dale Andrew. At kung talagang ayaw na niyang makisama sa asawa the she can file an annulment. I don't want to see her in a miserable situation kaya sa simula pa lang ay tutol na ako sa pagpapakasal niya rito." Gusto mang sisihin ni Marian si Bryan ay wala na siyang magagawa dahil nangyari na ang lahat.
Matamang tinitigan ni Bryan ang asawa, hindi siya makapagpasya kung sasabihin niya rito ang nalalaman. Kahit hindi magsalita sa kanya ang anak ay alam niyang mahal na nito si Dale Andrew dahil walang makakapigil o makakapilit dito sa mga bagay na nais niyang gawin. At ang naging desisyon nito ng pagpapakasal kay Dale Andrew ay nasisiguro niyang may nararamdaman na ito para sa binata.
"Honey, what's wrong?" Pukaw dito ni Marian ng mapansin na nahulog ito sa malalim na pag-iisip.
Hinawakan ni Bryan ang dalawang kamay nito, hindi niya alam kung paano sisimulan ang gustong sabihin dito. "They don't need to file an annulment." Seryoso niyang turan habang hawak pa rin ang kamay nito.
Pinandilatan ni Marian si Bryan. "Gusto mo bang makita ang anak mo na naghihirap ang kalooban? Si Maureen ang mahal ni Dale Andrew kaya hindi mo dapat ipagsiksikan pa ang anak mo sa lalaking iyun." Naiinis na turan niya at marahas na hinila ang mga kamay. Nahihirapan siyang intindihin kung ano ang gustong mangyari nito.
Akmang tatalikod na si Marian ng mabilis na napigilan ni Bryan. Muli niya itong pinaupo sa tabi niya. "Please honey, listen to me first bago ka magalit." Malambing niyang sabi bago pinulupot ang dalawang kamay sa bewang nito.
"Namatay na si judge Tinio." Patuloy ni Bryan.
Marahas na napalingon siya sa asawa. "Siya yung nagkasal kina Dale Andrew at Margarette di ba? Kailan pa siya namatay? Nagkasakit ba siya?" Sunud-sunod na tanong ni Marian. Talagang nagulat siya sa nalaman pero hindi niya maintindihan kung ano ang kinalaman ng pagkamatay nito sa pinag-uusapan nila.
"Naaksidente siya noong araw din na yun pagkatapos ikasal sina Dale Andrew at Margarette. Kailan ko lang din nalaman ang tungkol dito."
"Wait a minute...." Mabilis na ikinumpas ni Marian ang kanang kamay upang patigilin muna sa pagsasalita ang asawa. Pakiramdam niya ay nahihirapan siyang huminga dahil sa kaba. "If he died right after the wedding... ibig sabihin na hindi niya nai-file ang marriage contract ng mga bata." Parang ang sarili na lamang niya ang kinakausap.
"Yes, kaya ang sabi ko hindi na kailangang mag-file pa ng annulment dahil walang bisa ang kasal nila." Pagbibigay kumpirmasyon ni Bryan.
"Kung ganun tama lang pala talagang hiwalayan ni Margarette si Dale Andrew." Medyo gumaan na ang pakiramdam ni Marian ngunit muling napakunot ang noo niya ng biglang may naisip. "Alam ba ni Dale Andrew ang tungkol dito?"
Umiling si Bryan. "Alam ng mga magulang niya. Nakiusap sa akin si Gabriel na huwag munang ipaalam sa anak ang tungkol dito dahil nakikita naman daw niya na mahal na nito si Margarette ngunit hindi lang maamin sa sarili." Paliwanag ni Bryan.
"Napakalaking kalokohan ito! Nakipagsabwatan ka pa sa kanila." Pagalit na pahayag ni Marian.
"I'm sorry honey... but this time we will tell them the truth at kung talagang mahal ni Dale Andrew ang anak natin kailangan niyang patunayan ito hindi lang kay Margarette dapat pati na rin sa atin." Bilang isang magulang ang nais niya ay ang makitang masaya ang mga anak. Wala siyang ibang hinangad kundi ang kaligayahan ng bunso niya.
__________________
A.N.
Sorry ngayon lang ako nakapag-UD medyo hindi maganda ang pakiramdam ng puso ko nitong mga nakaraang araw. Ayoko namang maapektuhan ang flow ng story :)
BINABASA MO ANG
You've Changed My Life In A Moment (Completed)
General FictionYou are that little accident that changed my whole life.