Chapter 33 .1
"Kahit kalian talaga napakatigas ng ulo mo. Kailan ka kaya matututong making sa amin?" Mababa na ang boses ni Althea ng muling magsalita. Napag-isip niya na tama ang anak, wala pa siyang sapat na ebidensiya para pagbintangan si Margarette.
"Mama, huwag muna nating pag-usapan ang tungkol dito. Ang mahalaga ngayon ay magpalakas ka dahil kailangan ka ng papa." Muling nilapitan ni Dale Andrew ang ina at hinalikan ito sa noo.
Sabay silang napalingon sa may pinto ng makarinig ng pagtikhim. "I'm sorry, hindi ko po gustong marinig ang pinag-uusapan ninyo." Hinging paumanhin ni Venice bago lumapit kay Althea at nagmano.
"Okay lang yun hija, you're part of the family. Ang hindi ko lang maintindihan ay itong si Dale Andrew...kaya pala niya kaming ipagpalit dahil lang sa isang babae." Mapait na turan ni Althea at matalim na sinulyapan ang anak.
Naihilamos ni Dale Andrew ang dalawang kamay. Nahihirapan na siya dahil ayaw maniwala ng kanyang mama na walang kinalaman si Margarette sa ibinibintang nito.
Nagpalipat-lipat ng tingin si Venice sa mag-ina bago muling nagsalita. "Tita, ayoko sanang makialam but as you've said I'm part of the family. Kung si Margarette po ang pinagbibintangan ninyong may kagagawan ng pamamaril kay tito Gabriel sinisiguro ko pong hindi siya."
'What do you mean? Pati ba naman ikaw Venice ay napaikot na ni Margarette?" Mahahalata sa boses ni Althea ang pagkakadismaya.
Si Dale Andrew naman ay nabuhayan ng loob dahil sa narinig. Laking pasasalamat niya sa asawa ng pinsan dahil sa pagtatanggol nito kay Margarette.
Umupo si Venice sa gilid ng kama ni Althea. "Tita, nasa beach resort ko si Margarette sa Zambales noong isang araw at kanina lang siya nakabalik dito sa Manila."
Marahas na napatayo si Dale Andrew sa kinauupuan at galit na hinarap nito si Venice. "Venice! May kinalaman ka sa pagkawala ng asawa ko?" Halos mabaliw ako sa kaiisip kung saan siya nagpunta, iyun naman pala ikaw ang nagtago sa kanya."
Napataas ang kilay ni Venice, parang gusto niyang batukan ito. Pagkatapos nitong saktan ang damdamin ng asawa ay kung makaasta ay parang napakabuti nit okay Margarette. "Wala kang ideya kung gaano kahirap at kasakit ang pinagdaraanan ni Margarette ngayon." Nang-uusig na pahayag niya.
"May nangyari ba na hindi ko alam?" Naguguluhang tanong ni Althea . Kitang-kita niya sa mukha ni Venice ang galit para kay Dale Andrew.
Biglang natahimik ang dalawa. Si Venice ay biglang napayuko, masyado siyang naaapektuhan sa sitwasyon ni Margarette kaya hindi niya napigilan ang emosyon. Hindi siya makatingin ng diretso kay Althea dahil hiyang-hiya siya sa inasal niya. Nagpunta siya rito upang siguruhing maayos ang lagay ng tiyahin ng asawa ngunit siya pa yata ang magiging dahilan ng pagsama ng kalooban nito. Gusto man niyang bawiin ang mga nasabi ay hindi na maaari.
BINABASA MO ANG
You've Changed My Life In A Moment (Completed)
General FictionYou are that little accident that changed my whole life.