Chapter 8 ~ With Mr. J

2K 21 1
                                    

A/N:

Hello! Sorry late ung update pero bawi naman kasi mahaba :) Enjoy reading! Comment comment and vote din pag may time! Thank you!

-MissEngot

------------

Maddison's POV

"No. Ayoko. Hindi. Period. The end." Habang nagbibihis ako ng pambahay.

"Sige na Madds! Ikaw lang ang pwede!"

"Anong ako lang? Ang dami-dami eh! Sila na lang, 'wag na ako. Ang dami kong inaasikaso eh." Ohmygosh. Another assignment on Drawing Workshop. Mamaya ka sakin.

"Minsan lang 'to please!"

"Gusto mo tawagan ko si Jade? Siya na lang!" What should I wear later sa work? Ah! I know! Gray tube with a black and lovely design coat, a black long skirt and a 4 inches stiletto! Oh I like that!

"Madds naman eh! Ikaw lang ang qualified para imentor si Althea!"

At eto na naman kami ni Alex, nagtatalo sa mga walang kakwenta-kwentang bagay.

"Si Sam na lang kamo magmentor. Sige na. Bye. Good night."

"Madds!"

  ---

"Please, please Madds!"

Ay grabe! Ang tatag nito ni Alex ah! Kagabi pa to! Naghanap pa ng kakampi.

"Oo nga Madds, pumayag ka na! Panigurado mananalo na tayo this time." Dagdag ni Sam.

"Busy talaga akoo—" biglang may kumalabit sa akin sa likod.

"Ate Maddison?"

"Oh... Hi Althea.." Ang ganda talaga nitong batang 'to pero syempre mas maganda ako. Charot!

"Ate, kasi... 'wag ka sanang magagalit pero hihingi sana ako ng favor..." sabi ni Althea habang nakayuko ang ulo at nanginginig ang kamay.

Lagot na. Hindi na ako nakasagot kasi pinaulanan na ako ng saloobin niya.

"Ate Maddison! Turuan mo po ako kung paano manalo sa Ms. Thomasian Pageant!"

"Uhmm... Sure! Why not? Hehe." Patay na. Patay ako.

  ---

"HAHAHAHA! Si Thea lang pala ang makakapilit sa'yo eh! The best ka talaga!" Sabi ni Alex.

Naglalakad kami nila Sam and Alex papunta sa library. Kailangan namin tapusin ung group project na 3 story floor plan. Goodluck samin.

"Tsee!! Kung hindi lang talaga mabait si Althea at pinakiusapan ako ng maayos. Nako, hindi ko na gagamitin ulit ung mentor powers ko."

1st year pa lang kasi si Althea kaya nangangapa pa siya sa environment ng Archi.

"Basta Madds, you will be her coach, Sam will be her makeup artist and I will be her fashion designer. You should help me too Madds." Wagas naman ang ngiti nito ni Alex. Natawa na lang kaming dalawa ni Sam.

Dati kasing Ms. Thomasian Pageant, ako ung nagturo dun sa naging champion. Ok lang naman kung ibang department eh as long as walang sabotage.

"Excited na ako! This time talaga, mananalo na tayo! Hindi lang 2nd place! And we will have a meeting this coming saturday--"

"Saturday?" Oh no. Jeric.

"Oo. Saturday. Sabado. Wait, don't you dare tell me na may lakad ka?" Ang ingay naman ni Alex. Nasa loob na kami ng library.

Love from Within (A Jeron/Jeric Teng FanFic)Where stories live. Discover now