Major General Lena Cathena Montez

40.7K 780 97
                                    

*Note: wee~ book two na! sana may magbasa pa! :D

 VOTE if you think the story deserves it... LIKE if you truly like it.... and BE A FAN if you think the author deserves it :3

hehehe ^^v
_________________________________________________ 

Lena's POV

"What you did today is totally irresponsible Major General Montez!" sigaw ng kuya ko habang nakaratay ako sa hospital bed at kumakain ng mansanas...sheesh! si kuya talaga! sa loob ng campo akala mo napaka-cool! napaka composed, pero makapanermon naman wagas =_=

"Sorry na kuya...enebeyen nawili lang ako!" depensa ko naman sa sarili ko! hmp! siya na nga superior ko sa bahay namin siya pa din superior ko sa kampo =_=, tinignan niya ako ng masama

"You're duty is to protect the welfare of the hostage Major General" he said at diniinan pa ang ranggo ko! oh di sige siya na siya na ang Chief General of the Army =_= siya na din may five stars ako two lang

"Safe naman si Corvette di ba Commander General?" sabi ko

"Eh ikaw naman! haay nako Lena! pag nalaman ito nila Daddy mapapatay nila ako!" sabi nito at nagmartsa palabas ng kwarto...hoookaaayyy...ang weird talaga nun =_= makakain na nga lang, ipinagpatuloy ko ang pagkain ng mansanas...

Haayy...amboring naman dito sa ospital =_= walang magawa...at sa tuwing wala akong magawa ang adik kong utak ay isa lang ang naaalala...

kamusta na kaya siya?

naku naman Lena eh! ipinilig ko ang ulo ko, hindi ko na dapat iniisip ang mga manloloko sa mundong ibabaw! nakakasama lang iyon sa pagkain ko!

napayuko ako...as I remember that unfateful day...ten years ago...

nakita ko si Aston na may kayakap na babae...hindi lang basta babae, si Titania...ang fiancee niya... hindi na tumulo ang luha ko...

I felt my heart benumbed by pain...excruciating pain na hindi ko makuhang magreact man lang...nakita ko ang kuya ko na naghihintay sa akin sa labas ng campus...mukhang alam na niya...

"Umuwi na tayo kuya..." matamlay na sabi ko sa kuya ko, hindi ito umumik at tumango lang...gusto kong umiyak pero hindi ko magawa...

Napatunayan ko kasi na niloloko lang pala talaga niya ako...haha! saklap ano? ganoon kasi ang nangyayari sa mga mahihina...madali silang maloko...madali silang masaktan kaya madali silang iwanan.

"Aalis ako ng bansa next week Lena..." sabi ng kuya ko at agad naman akong napatingin sa kanya

TFMO 2: CrossroadsWhere stories live. Discover now