JetLagged

33K 483 56
                                    

*Note: sorry po sa slow updates! siya nga pala! wag na po kayong magtaka kung hindi ko na po gaanong babanggitin sila Rigid at Ran dito ah? sundan niyo nalang po yung story nila sa King of Jerks na story ko! kase yung side lang ni Lena about sa relationship ni Rigid at Ran yung alam natin dito, so ayun marami pa siyang hindi alam na sila Rigid at Ran ang nakaka-alam kaya para hindi na po kayo malito dun niyo nalang po basahin kung ano'ng mangyayari sa kanila..ayun salamat!

Tapos...super salamat po sa paghihintay... :)) 

_________________________________________________________________________

Lena's POV

Walanghiya ka Aston ka! truce eh? truce-trusin mo mukha mo! akala mo makikipagkaibigan ako sa iyo? hah! ang aga mo magilusyon! nakakainis! nagngingitngit talaga ako sa galit sa lalaking iyon! aba! sumosobra na ng dami ng kasalanan sa akin ng echuserong piglet na yun ah!

AIM! 3! 2! 1! FIRE!

Narinig kong sabi...nasa shooting range kase ako sa inis ko kay Aston, mas masaya nga sana kung mukha niya ang niraratrat ko ng bala ngayon eh =_= mantakin niyo iyon? after ten years?! grabels lung! leshe pa rin siya sa buhay ko!

Nakita kong dumating sila Colonel Raveno sa shooting range at sumaludo sila sa akin, ngumiti ako pabalik at sumaludo, hah! sino nga naman mag-aakala na ten years ago, I was a different kind of girl who liked wearing dainty dresses...and-- erase erase, wala na ang past na iyon.

Sinimulan kong bumaril, pero napansin ko na magaling din sa aiming ang katabi ko, nilingon ko at! wow! hindi ko napansin na si Lieutenant General pala! TT^TT nakakahiya hindi ako sumaludo! =__= si Lieutenant General ang third na pinakamataas sa army, sunod sa Army Chief of Staff tapos si Kuya na, ang General of the Army. Madalas kong makita si Chief kase halos buntot na ni Kuya yun eh...pero the elusive Lieutenant General Gin Cortez...madalang, I smirked at almost in the same time and accuracy ay natapos namin ang range shooting.

"Still sharp eh..major general Cathena?" he greeted, kung ako pa siguro yung dating Lena mag-s-swoon ako sa kanya, I must admit, LTG Gin is gorgeous lalo na pag ngumiti...

"Still not as good as you LTG Gin, himala nagawi ka dito?" tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng baril, ngumisi lang ito na para bang bored sa buhay

"I've heard about your mission sa Knight ng Britanya..." he said, I paused and just nodded in silence...naalala ko nanaman kasi ang buwisit na misyon na iyon =__=

"And I personally think masyadong mataas ang posisyon mo just to baby-sit a knight" he said, nangunot ang noo ko, huh? is he questioning the General's order?

"I don't know what reasons your brother had, para ilagay ka sa misyon na iyon" dagdag pa nito, if I remember correctly, siya ang kasabayan ni Kuya sa WestPoint dati but he remained an LTG while my brother became the General...hindi kami close ni Gin but it must be my blood ayoko din namang kinu-question ng iba ang pasya ng kapatid ko =__=

TFMO 2: CrossroadsWhere stories live. Discover now