Still Preparing...

21.1K 313 21
                                    

Note: Naloloka ako sa groups! mukhang mas mahal na nila si Corvette kesa sa kahit sino'ng character ko! kaya para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ninyo at nating lahat! OPO GAGAWAN KO NA SI CORVETTE NG SARILI NIYANG STORY HINDI KO LANG ALAM KUNG KELAN O PAG NAGBAGO ANG IHIP NG HANGIN AY DITO NA DIN SIYA SA THE FAMOUS MEETS THE ORDINARY you know what I mean, but of course you can't take me seriously coz you all know that I am crazy. 0_o

__________________________________________________________________

Corvette's POV
(A/N: nga pala ang official na theme song pag scene ni Corvette ay yung "Obsession" by UKiss)

Tinignan ko ang hawak ko...yeah these were plane tickets alright, and a wedding invitation. Ikakasal na si Lena...ang babaeng minahal ko ng sobra. Masaya sana ako dahil alam ko namang mahal na mahal niya si Aston, kaso nga lang ngayon hindi sila magpapakasal dahil sa love, kundi to take on revenge.

Napabunting hininga ako, ang saklap pala kung yung babaeng pinakawalan mo para sa lalaking mahal niya eh makikita mong binabalewala lang...nasasaktan. Haay tama na nga itong ka-emohan ko, pero tangina, saklap lang talaga eh! Tapos ngayon...

Ngayon ay dadalo pa ako sa kasal nila, as much as I despise going there alam ko kelangan ako ni Rain doon lalo pa ngayon at nandoon din si Reino at wala si Titania. Hindi ko alam kung ano ba ang balak ni Reino kay Rain, basta ang alam ko ayaw ko ng makitang lumuluha pa si Rain. I don't know...hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko para kay Rain, it's more than friendship but less than love? I mean I like her I really do, sometimes when I see her with Corrain, it makes me wish that I was the one she loved instead and that she was the one I loved. Pero ganoon lang siguro yun, hindi mo kelan man matuturuan ang hyypothalamus mo kung sino ang mamahalin, hindi naman puso ang magdidikta eh, it's still a part of your brain at kahit voluntary ang thoughts mo, your mental capabilities can never win against your emotions, no matter how hard you try.

"Corrrrrbyyyyyyy!!!!" narinig kong sigaw ni Elle, ang bestfriend kong doctor since we were young and my big sister who's like my little sister as well, oo magulo, paanong hindi eh yung tao mismo ang magulo.

"Tatanga tanga ka pa jan maiiwan na tayo ng plane!" she said, napailing nalang ako, minsan ang sarap din batukan ng isip batang babaeng ito eh! isip bata pero tuso na manipulative na ewan.

"Anjan na" kako nalang as I boarded the plane, diretso na siguro ako sa Isla nila Aston...kaya ko naman na sigurong panoorin yung kasal nila, yeah kaya ko na. I was wearing a bullcap, oversized shades and a scarf that covered half of my face. Ang kulit kasi ni Elle at talagang ginusto pa na sa public plane kami sumakay sa non-VIP =___=

"Corby ang panget mo naman niyan eh alisin mo nga yan" sabi nito habang lumalamon ng ham sandwhich, haay sino ba namang magaakalang, ang babaeng makalat kumain na ito ay magiging isang neurosurgeon in the future?

TFMO 2: CrossroadsWhere stories live. Discover now