Midnight Rain

21.3K 321 36
                                    

Note: amsarray at ngayon lang ako naglaboy dito, busy kase eh sa pagkutingting ng utak ko sa Nursing eh wala pa man din akong utak kaya ayun lungs hohoho wag na magexplain nagkaka DOB ako hahaha

___________________________________________________________________________

Titania's POV (oo pambungad hohohoho)

Nakatulala pa din si Reino sa mga pangyayari kanina...tintigan ko siya.

Mahal mo pa ba ako Reino?

O nabura na ako sa puso mo? Nakita kong pumatak ang luha niya sabay tanaw sa naglalakad na bulto ni Corvette habang karga nito ang babaeng mahal ni Reino...and seeing him hurt.

Is tearing me apart. Call me a crazy and schizophrenic bitch pero si Reino lang ang tanging kahinaan ko, Reino is my world...pagdating sa kanya kaya kong tiisin at suungin ang lahat, alam kong mahal niya ako, pero...

Hindi ko alam kung hanggang sa kapatid lang ba ang pagtingin niya para sa akin.Tinalikuran niya si Rain para makasama akong muli, just like how I threw my old life for him. Ginawa ko ang lahat para manatili sa tabi niya, to the point na kailangan kong i-supress ang sarili kong damdamin dahil akala ko ay mali...masama ang tingin sa akin ng karamihan, isang masamang babae. Baliw at maldita pero hindi ba at ganoon naman talaga oras na nasaktan ka na?

Natututo kang pahalagahan ang sarili mo. Ng mahalin ko si Drei ibinigay ko sa kanya ang lahat ng mayroon ako, minahal ko siya dahil akala ko ay hindi kami pwede ni Reino...dahil magkapatid kami, subalit alam ko sa sarili ko na kahit ibinaling na pagibig lang ang binigay ko kay Drei ay minahal ko pa din siya ng husto...to the point na halos wala ng matira sa akin.

But I always had Reino...I always had him...kaming dalawa lang, wala ng iba pa. Maagang naulila si Reino at ako ang kasama niyang lumaki, sa akin siya...akin lang, ako lang ang makakapagpasaya sa kanya, ako lang ang makakapagpaligaya sa kanya.

But seeing him crushed like this...is breaking me apart.

"Reino..." sinubukan kong lumapit sa kanya pero nakayuko lang ito, nakita kong pumatak ang luha niya sa sahig.

"Iwan mo muna ako Titania..." he said, Titania? Oo nga pala...ako si Titania, ang nobya niya at hindi ang ate niya, sabi niya magsisimula kaming muli pero bakit...

bakit hindi pa rin siya nakakalet go sa nakaraan niya?

TFMO 2: CrossroadsWhere stories live. Discover now