Betrayed?

21.5K 333 85
                                    

Note: So habang may pasok pa ako, WEEKLY UPDATES nalang :) dependa pa pag busy week ha? alam ko naman you understand eh :) sa mga magpapadedicate sa MESSAGE BOARD ko nalang po kasi pag pm nakakalimutan ko eh amsarray!

Magulo ang buhay nila Reino at Rain ah? mukhang kelangan pati sila Lena magulo din hahahaha para fair ndi ba? hohohoho! Hindi na ako magpapaalam sorry na sa mga may ayaw humaba pa ito pero mukhang iyon ang mangyayari sorry sa mga nagsasawa na pero hahaba talaga siya eh, nanaginip kasi ako ng scenes kaya yun! AH BAHALA NA!

____________________________________________________________________

Corvette's POV

Nakita ko si Reino sa ulan. Hindi ko alam kung mahahabag ba ako sa kalagayan niya ngayon. Alam kong nahihirapan siya, but he wasn't man enough to face his past. Napakahirap ng kalagayan niya pero...nagbaba ako ng tingin, ayoko siyang husgahan. Dahil kung ako din ang nasa kalagayan niya...ay hindi ko din alam ang gagawin ko.

Kabibigay ko lang ng sedative kay Rain dahil hysterical siya kanina, nanginginig hindi niya macontrol ang tremors niya at ang luha niya. I've never imagined na makakakita ako ng labis na kalungkutan ng dahil dun. At parang...parang ayoko na siyang makitang ganoon pa kahit kailan.

Tumingala ako, may naalala ako sa nakaraan ko noon, may nasaktan din ako ng labis noon. But I was heartless, kung sana mababawi ko lang ang nakaraan. Kaya naman ngayon ay sinusubukan kong maging isang magaling na doctor, para dun man lang ay mabawi ako ang mga nasaktan ko noon. When I looked at Rain, broken and crying hindi ko maiwasang isipin, ganoon din kaya ang nangyayari sa mga babaeng nasaktan ko na?

Unti unting tumayo si Reino mula sa basang semento sa daan, gusto ko siyang suntukin kase ang tanga tanga niya, pero ayoko na makialam. Gusto kong iganti si Rain pero nirerendahan ko ang sarili ko, ayokong magmalinis. Nakapanakit din ako nun. Nagsimula akong maglakad sa ulan, as I clutched my chest. Nakatanggap ako ng balita kanina, na inaayos na pala ni Lena at Aston ang kasal nila. Paglabas na paglabas daw ni Aston ng ospital ay magpapakasal na sila.

Tanggap ko naman eh...kaso ang sakit lang, ang sakit sakit lang talaga. Sinusubukan ko namang magmove on eh kaso...hindi madali. Pero siguro nga oras na talaga...naalala ko si Lena habang kausap niya si Rigid nun at sinasabi niya ang mga plano nila ni Aston sa kuya niya.

Ang saya niya...gusto ni Aston ang pinakaengrandeng kasal para sa kanila, kahit maingay ang pangalan ni Aston sa showbusiness ngayon dahil sa pagpapakasal niya kay Lena, wala daw siyang pakialam, kait na mawalan siya ng career, madaming tumutuligsa sa kanila, lalo pa at hindi pa tapos yung issue sa pagkakawala ng kanyang ama. Sobrang natakot ang dalawa ng malagay kami sa bingit ng kamatayan. Tumingala ako...hanggang dito nalang ba ako?

Noong una akala ko...I thought I was the best, I thought I could have everything I wish, I was almost perfect, I'm handsome, I'm talented, I'm famous at mayaman ang pamilya namin, nasa pedestal ako noon hanggang sa nakilala ko si Lena. Akala ko makukuha ko din siya pero nung nalaman kong si Aston ang lalaki sa buhay niya, nagsilabasan ang insecurities ko. Aston is more handsome than me, more famous and more talented, mas mayaman pa siya pero wala siyang pakialam kung mawala man ang lahat ng iyon as long as kasama niya si Lena.

TFMO 2: CrossroadsWhere stories live. Discover now