Trapped. scene 2

26.8K 403 48
                                    

*Note: walang magawa ang bored na si Helenaelise sa buhay baboy niyang kalagayan sa bahay nila!

I'm after the reads and comments po! Natutuwa po ako sa vote niyo pero mas masaya po ako sa comments niyo :)) salamat!

PA-PLUG pala!
King of Jerks = Story ni Rigid at Ran hehehe

The Witch and the Womanizer- New Story ko! sana magustuhan niyo 

_____________________________________________________________

Lena's POV

Peste siya! Kung ayaw niya sa akin mas ayaw ko sa kanya! magbalik siya sa Chichi niya! puteekk anak ka ng ahas na inuuod. Pilit akong tumayo at tumakbo palayo sa kanya ng dahil baka mabaril ko lang siya!

Sumosobra na siya! alam ko hindi na kami katulad ng dati pero ginagawa ko naman ang trabaho ko ah? Siguro nga mistake on my part na nakainom ako sa trabaho and I mixed business with my emotions...pero wala ba akong karapatan?! Sumagit ang sakit sa binti ko at nabuwal ako sabay dausdos sa bangin.

"LENAAA!!!" narinig ko pang tawag niya sa akin pero ayoko na! ang sakit lang! ang dami mo ng pasakit na binibigay sa akin Aston! Kelan ba ako magiging immuned sa iyo?!

Naramdaman ko nalang ang sarili kong dumadausdos pababa at pagulong na when I looked up and there he was...worry was etched all over his handsome face habang tumatakbo ito pababa ng bangin para iligtas ako.

Bakit mo ito ginagawa Aston? I thought you hated me? Pabayaan mo nalang ako.

Nakita ko siyang nadapa na ng ilang beses pero tumayo pa din ito upang habulin ako! in the end mas naging mabilis ang pagdausdos niya kesa sa akin kaya naabutan niya ako, ang hindi ko inaasahang ginawa niya ay ang abutin ako at ikulong sa mga bisig niya.

"I won't let you go Lena" he said habang sabay kaming dumadausdos pababa ng bangin at bumabangga sa mga sanga at bato. Napahikbi ako ng mahina, his embrace felt like home. Sa yakap ni Aston kahit na mamamatay na kami parang nagbalik ang lahat sa akin. Ang mga ala-ala ng nakaraan.

KUmapit ako kay Aston. Ang sabi ko noon hindi na ako masasaktan pang muli ng kahit sino...pero ako lang din ang nananakit ng sarili ko. Mahal ko pa din siya...sampung taon na ang nakalipas pero oo aaminin ko na! MAHAL KO PA DIN SI ASTON! mahal ko pa din ang kumag na ito! kahit na may mahal na siyang iba...at namumuhi siya sa akin.

Kung tutuusin malaki ang naging kasalanan niya sa akin noon...pero ano ba naman ang magagawa ko kung ang tangang puso ko ay siya pa din ang gusto? Hindi ko din naman siguro pwedeng pilitin siya na gustuhin din ako.

"Ilog ang babagsakan natin Lena! Thank Heavens" anito...so mabubuhay pa kami? at pag nabuhay kami I only have to do one thing.

TFMO 2: CrossroadsWhere stories live. Discover now