Ligaw Na Kaluluwa

937 45 42
                                    

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa loob ng kuwadradong maliit na kuwartong ito. Malamig ang pakiramdam at wala akong makita kundi kadiliman.

Wala rin akong maalaala sa aking nakaraan. Hindi ko rin alam kung paano ako nakarating sa lugar na ito.

Gusto ko mang lumabas ay diko magawa para bang dito na ako mananatili ng matagal na panahon.

Nagulat na lang ako ng may marinig akong mga yabag na papalapit. Sanay na akong makarinig ng mga yabag ng naglalakad, nagtatakbuhan at mga boses na naguusap at nagtatawanan.

Ngunit hindi nila ako marinig sa aking kinalalagyan. Sumisigaw at kinakalabog ko na ang dingding ng lugar na ito ngunit wala pa ring nakakarinig sakin.

Hanggang sa huminto ang mga yabag sa may dingding ng kinalalagyan ko. Narinig ko na parang may kinakalikot ito. Walang ano-anoy bumukas ng konti at nakakita ako ng konting liwanag. Sobrang tuwa at galak ang aking naramdaman dahil sa wakas ay makakalabas na ako.

Nang tuluyang bumukas ito ay medyo nasilaw ako sa sinag ng araw na tumatagos sa salaming bintana na nakatapat sa kuwadradong kuwarto na aking kinalalagyan. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at tuluyang lumabas at inayos ko ang aking tayo. Nakita ko ang isang binatilyong lalake na halos kaedad ko na nagulat ng lumabas ako.

" Salamat kaibigan at pinalabas mo ako."

Agad akong tumakbo palabas sa gusaling iyon at iginala ang paningin sa paligid. Mataas ang sikat ng araw ngunit malamig ang dampi ng hangin na humahaplos sa aking pisngi hindi ako naiinitan sa aking pakiramdam. Agad akong tumakbo sa malawak na lupain na napapalibutan ng mga puno na nakita ko at agad akong nagtatakbo at nagtatalon habang sumisigaw.

" Ang saya saya ko! Malaya na ako wohoooooo!"

Ang ibang mga tao naman na nandoon ay hindi lang ako pinapansin para bang wala lang silang pakialam sa akin.

Napagtanto ko na nasa loob pala ako ng isang paaralan. Maraming mga estudyante na palakad lakad,nagtatawanan,
naghaharutan at yung iba naman ay naglalaro sa football field. May mga guro din na abala sa kanilang mga klase ang iba naman ay naglalakad.

Nang makita ko ang pangalan ng paaralan na nakalagay sa isang mataas na building ng paaralan ay natigilan ako. Parang pamilyar sa akin ngunit wala akong maalaala kaya nagkibit balikat na lang ako.

Patuloy akong nagikot, takbo, lakad yun ang ginagawa ko minsan umuupo sa mga benches o kaya sa hagdan habang pinapanood ang mga naglalakad.

Nakarating ako sa canteen ng paaralan at pumasok. Madaming mga estudyante ang kumakain ang iba naman ay nagsusulat o kaya nagbabasa.

Tinignan ko ang mga pagkain sa mga eskaparateng salamin. Lahat sa tingin ko ay masasarap. Ngunit hindi pa ako nakakaramdam ng gutom. Kaya umupo na lang ako sa isang silyang nasa sulok.

-----------------------------------------------------

Nathans POV

Sino kaya yun at galing dito sa locker? Nagtago ba sya dito? Ewan ang gulo unang araw ko pa lang naman sa eskuwelahang ito pero ang weird ng paligid. Kunsabagay sanay naman ako sa ganitong paligid yun tipong titignan ka ng mga kapwa mo mga estudyante tapos magtatawanan. Transferee ako dito at first yr hs. Nilipat ako ng lola ko dahil sa binubully ako sa dati kong school. Hindi naman ako lumalaban dahil yun ang tinuro ng mga magulang ko na wag manakit ng kapwa. Wala na akong mga magulang sabay silang nawala sakin noong 5 yrs old pa lang ako. Pero bakit ganun ako yun sinasaktan nila. Dahil ba sa itsura kong pangit sa paningin nila. Galit ba sila sa mga tulad ko. Matalino naman ako mabait pero walang gustong makipagkaibigan sa akin.

xristianbryan25 SHORT STORIESWhere stories live. Discover now