KuduKudu - 5

116 13 0
                                    


" Ako si Uk, ang nakilala mo noong bata ka pa." Sagot nito sa isip ko at nanatiling nakangiti sa akin.

Natuwa ako sa aking narinig dahil sa wakas ay nakita ko ulit ang nilalang na naging kaibigan ko noon. " Ikaw din Uk malaki na ang ipinagbago mo. Hindi ka na din mukhang bata tulad ng dati. Kamusta ka na? Natagpuan mo ba ang mga kasama at magulang mo noong huling gabi tayong nagkakilala?"

Ngumiti ito at umupo sa lupa na animoy nasa camping at pinagmasdan ang lagablab ng apoy. Ako man ay nasa harapan din ng apoy at umupo na din sa lupa.

" Oo kaibigan....Nang sumunod na gabi ay nagkita-kita kami sa lugar na ito. Ngunit wala ka na ang iyong ama. Nakapinid na ang inyong tahanan.....ngunit hindi ko makalimutan na tila naiwan sa lugar na ito ang iyong diwa na nagsasabing bantayan ko ang lugar na ito. Kaya mula noon ay sa lugar na ito at sa kabundukan ay kami ang nagbantay ng mga alaga ninyong puno at mga halaman. Hindi mo alam na isa yun sa katangian namin ay pangalagaan ang kalikasan. Sa kabundukan naninirahan ang mga katulad namin."

" Salamat Uk......maraming taon ng dumaan at marami ng nangyari sa buhay naming pamilya. Hindi na ako nakabalik dito tulad ng ipinangako ko noon."

" Huwag mong alalahanin iyon kaibigan. Hindi natin kasalanan kung magbago man ang tadhana natin. Ang mahalaga ay kung paano tayo mamuhay na ayon sa kagustuhan ng lumikha sa ating lahat."

" Uk.....sinasabi ng aking ama noon at ikaw din mismo ay sinabi mo iyan sa akin. May katotohanan ba talaga ang lahat?"

" Totoo ang lahat na iyong nalaman....kami ay talagang sa kailaliman ng lupa naninirahan....may sarili kaming mundo roon na hindi ninyo kayang abuting mga tao. Ngunit kami ay may kakayahan umahon mula roon dahil kami ay nilikha para maging tagabantay din ng kalikasan. Ngunit hindi namin sakop ang gustong gawin ng tao sa kung anumang gusto nilang gawin sa kalikasan dahil kayo man mismo ay siya ding sumisira nito. Malungkot isipin na kayo ang pinakamaganda at pinakamatalinong nilikha ng maykapal pero sarado ang inyong isipan sa halaga ng kalikasan sa inyo at sa iba pang nilikha sa mundong ito.....kaibigang Eli....hindi lang tao ang nilikha sa mundo kaya lahat ng nilalang sa mundong ito ay may karapatang mabuhay. May kanya-kanya tayong ginagampanan sa mundo na may halaga sa bawat isa. Tao man, hayop, puno mga halaman at ang iba pang nilalang na tulad namin."

" Anong ibig mong sabihin Uk?"

" Lahat tayo ay may obligasyong alagaan ang kalikasan. Dahil pag nasira ito o nawala.....lahat tayo ay mawawala din.....Nakikita mo ba ang anyo ko?.........maitim at tila bato kung kami ay magbago ng anyo."

Nagulat ako ng magbago ng anyo si Uk....naging tila isa siyang bato na itim na itim. Hinawakan ko ito at talagang bato ang kanyang buong katawan. Matigas, magaspang at mabigat. Hanggang sa muli itong bumalik sa dati niyang anyo.

" Iyon ang anyo namin kapag kami ay nanganganib sa anumang banta ng kalikasan o ng tao na gustong pumatay sa amin. Pero sa anyo ding iyon kami napupunta kapag kami ay pumanaw. Matagal na kami sa mundo ngunit ang iba sa amin ay hindi nakakaligtas kapag ang kalikasan ay nagalit. Ang kalikasan din ang kumitil sa buhay ng aking ama, ina at ilang kasamahan noong mga dumaang panahon. Tulad mo akoy wala na ring ama pati na rin ina."

" Paano silang nawala?"

" Sa isang sakuna noong may masamang panahon sa kabilang panig nitong bundok na ito. Gumuho ang lugar na iyon dahil sa bagyo at malakas na pag-ulan. Halos wala ng mga puno sa lugar na iyon kaya lumambot ang lupa. Halos lahat ng aking kalahi kasama si ama at ina ay nasa lugar na iyon. Nasa anyo silang bato sa ilalim ng lupa para hindi ito tuluyang gumuho. Pero iba pag kalikasan na ang gumanti sa mga nilalang na sumira sa kanya. Maraming tao ang namatay sa lugar na iyon. Pati na rin mga kalahi namin at aking ama at ina ay namatay din. Wala naman silang hangaring masama kundi makatulong sa tao at sa kalikasan pero sadyang ganun talaga."

" Paano sila namatay?" Nalungkot ako sa aking narinig dahil wala na din palang magulang Uk.

" Gumuho ang lupa at kasabay na naanod pababa ang mga puno, at ang mga kalahi ko na anyong bato ay kasabay na naanod pababa. May bagyo man ng panahong iyon pero araw ng maganap ito. Kaya hindi na nakabalik sa dating anyo nila dahil sa maliwanag ang paligid bagamat masama ang panahon. Nanatili na silang bato at pumanaw. Sa dilim lang kasi kami nabubuhay at sa dilim din kami nakikita at nakakakita."

" Ikinalulungkot ko Uk....patawad sa mga ginawa ng mga tulad kong tao sa kalikasan na maging kayo ay naapektuhan."

Ngumiti lang sa akin si Uk.

" Huwag kang mag-alala. Hindi kami marunong magalit sa ibang nilalang, at sa mga tao na tulad mo. Nilikha tayo ng maykapal na may ibat-ibang anyo, ibat-ibang emosyon, paniniwala, at ang pagkakaibang iyon ay dapat nating igalang at irespeto. Masarap mabuhay sa mundo kung may respeto ang bawat nilalang."

Sa sinabing iyon ni Uk ay lalo akong humanga sa kanya. Kakaiba man ang kanyang anyo pero napakalaki ng puso niya. Malawak ang pangunawa niya sa lahat ng bagay kung saan ang tao naman ay sarado ang isipan at walang pagpapahalaga.

" Alam ko kung bakit ka narito kaibigan Eli?....."

Hindi na ako nabigla sa sinabing iyon ni Uk dahil batid kong kaya niyang basahin ang aking isipan. Napayuko ako dahil nahiya ako sa kanya.

" Kaibigang Eli....tulad ng ibinilin mo noon sa akin ay tinupad ko ito.....ngunit sa ngayon ako ay nangangamba sa maaring mangyari lalo pang wala kaming karapatang baguhin ang inyong mga desisyon mga tao."

" Uk......ipagpaumanhin mo maging ako man ay ayaw itong gawin pero ito na lang ang paraan."

" Huwag kang mabahala kaibigan....naiiintidihan kita....ang mahalaga sa akin ay nakita kitang muli."

Lumapit ako kay Uk at lumuhod na niyakap siya.

" Uk.....wala ka pa rin bang kasama sa lugar na ito?"
Ngumiti siya sa akin.

" Meron at ipapakilala kita sa kanila." Nakangiting sagot nito sa akin.

May tila sipol na kakaiba si Uk na pinakawalan at ilang saglit lang ay nagulat ako dahil ang daming gumulong na bato ibat-ibang hugis sa loob ng bakuran at ang iba ay nasa ibang panig lang ng lugar. Nagniningas ang apoy kaya abot sila ng aking paningin.

Hanggang sa nagbago na sila ng anyo katulad ni Uk. Ang isang maliit na katulad ni Uk ay nasa may paanan niya at kinarga niya ito.

" Ito ang aking supling na si Duk at ito naman ang aking kabiyak na si Uda."

Nakangiti itong nakatingin sa akin pati ang iba nilang kauri.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

xristianbryan25 SHORT STORIESDonde viven las historias. Descúbrelo ahora