KitKat - 3 (Last Part)

148 11 0
                                    


Nang matabunan ang katawan ni mikmik ng lupa ay dahan dahan akong naglakad pabalik sa bahay nina eloy.

Puro pagtangis ang aking naririnig. Naaawa ako na nagagalit sa mga taong naroon. Wala silang awa kay mikmik.

Pinatay nila si mikmik.....ayoko na sa lugar na ito......malungkot man na lisanin ko ang lugar na ito na naging tahanan ko pero kailangan. Wala na ang kaibigan kong si eloy, si nanay, tatay at si mikmik.

Tumalon ako sa bakod ng bakuran at umakyat sa tree house. Doon ay nagpalipat lipat ako sa mga sanga at sa bubong ng bahay nina eloy ay nanatili akong matagal. Umiiyak at nalulungkot sa sinapit ng pamilyang nasa ilalim ng bubong na kinalalagyan ko.

Hanggang sa nakita ko na sumisilip na ang haring araw ang mga tandang ay nagpapaligsahan ng pagtilaok. Bagong araw, bagong buhay.

Muli ay dumungaw ako sa baba at nagpaalam sa pamilyang minahal din ako. Saka ako muling nagpalipat lipat sa mga bubong, bakod at puno para hanapin ang mga kauri at kaibigan ko. Baka sa pagsama sa kanila ay makakita ako ng bagong tahanan.....

Ako nga pala si KitKat ang alagang pusa ni eloy.....
.
.
.
.
.
.
.
.
The End.
------------------------------------------------------

xristianbryan25 SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon