MikMik - 3( Last Part)

179 18 5
                                    


Wala na akong maramdaman, pagod na akong umiyak at dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata.

Sa aking diwa bago ako mawalan ng ulirat ay nandoon ang aking ina at mga kapatid ko na masasaya na kasama ko pa.

Ang aking matalik na kaibigang si eloy na kasama kong namamasyal at naglalaro. Ang aking nanay at tatay na nagmahal at kumupkop sa akin. Lahat sila ay dadalhin ko sa aking alaala bago ako mawalan ng tuluyan ng ulirat.

Hanggang sa wala na....wala na akong marinig at tuluyan na akong dinala sa malalim na pagtulog.

Hindi ko alam kung gaano katagal pero bigla akong nagising sa isang tinig.

" MikMik?! Yeheeeeyyyy nandito ka rin! Halika na dali nandoon sina tatay at nanay hinihintay ka nila."

Agad akong napabalikwas at itinayo ang aking katawan. Nakita ko ang aking kaibigan si Eloy na masayang nakangiti sa akin.Puting puti ang kanyang suot at nagliliwanag ang kanyang itsura. Ibinaling ko ang aking paningin sa paligid at namangha ako sa aking nakita.....napakaganda at ang mga taong naroon ay lahat nagliliwanag at masayang lahat.

Tinignan ko ang aking katawan namangha ako dahil malinis na ang aking katawan. Malakas at wala na akong nararamdamang sakit.

" Dali na mikmik doon na tayo! Laro na tayo habulin mo ako!"

Agad tumakbo si Eloy at akoy napangiting nagsalita.

" Aw Aw Aw Aw!" ( Oo andyan na ako Eloy!"

" Dali na bilisan mo na!"

Masaya akong tumakbo dahil sa wakas naiintindihan na ako ng aking kaibigan.

Ako nga pala si MIKMIK ang alagang TUTA ni Eloy.
.
.
.
.
.
.
.
THE END

START 3:30PM
END 5:22 PM Sept. 24, 2016

xristianbryan25 SHORT STORIESWhere stories live. Discover now