Kudukudu - 2

159 12 0
                                    


Agad akong bumangon at nakahanda na pala ang aming almusal na niluto ni papa. Sinangag, itlog at tinapa.

Pagkatapos magmumog at maghilamos ay agad akong humarap sa hapag kung saan ipinagtimpla ako ni papa ng milo.

Agad akong naglagay ng sinangag sa plato at itlog.

" Kumain kang mabuti at aakyat tayo sa bundok."

" Sige po papa."

Nang matapos kaming mag- almusal ay nagpalit ng pang bukid si papa. Ako naman ay nagpantalon na luma at damit na may manggas. Sapatos at sumbrero ay lumakad na kami bitbit ko sa maliit na bag ang baon naming tinapay at biskwit. Si papa naman may dala ng tubig na nasa galon.

Pataas ang lupa kaya nakakahingal pero magandang pagmasdan ang paligid. Habang pataas kami ng pataas ay palaki naman ng palaki ang mga puno. Ibat ibang klase at may mga mababa naman na may mga prutas na namumunga. Mataas ang sikat ng araw pero natatakpan kami ng mga mayayabong na puno. Hanggang sa narating namin ang pinakatuktok kung saan kita namin ang buong kapatagan pati ang aming kubo at ang ilang bahay sa malalayo.

Sa tuktok na iyon ay iilan lang ang puno. May mga bakas pa na tila nilagari.

" Papa, sino kaya nagputol ng mga puno dito?"

" Hindi ko alam anak....baka mga mangangaingin at ginawang uling para ibenta sa bayan o kaya mga illegal na magtotroso....atin ang lupang ito pati ang mga punong nakatanim dito."

" Pero bakit kinukuha nila?"

" Hindi ko palaging napupuntahan ito kaya marahil inisip nila na basta-basta na lang sila kukuha ng mga puno."

" Kawawa yung maliliit pa....dinamay nilang putulin. Sana di na lang nila pinutol para lumaki."

" Alam mo anak....lahat naman ng ginagawa nilang pang-aabuso sa kalikasan ay may kapalit....balang araw ay sisingilin sila ng kalikasan."

Sa panahong iyon ay hindi ko pa lubusang maintindihan lahat pero alam ko na hindi tama iyon.

" Papa...may narinig po ba kayo kagabi?"

" Na ano anak?"

" Kasi sa labas ng bahay ay may kumakaluskos...tapos yung kaldero natin sa may lutuan ay narinig ko may nagbukas. Tapos may tunog ako na narinig na parang ganito..kudu,kudu,kudu,kudu. Paulit-ulit lang po iyon...natakot ako kaya nagtalukbong ako at di nagtagal ay nakatulog ulit ako."

Napangiti noon ang aking ama.

" Huwag mo na lang pansinin anak. Sila ay mga kaibigan. Mga nilalang na nakatira din sa lugar na ito."

" Ha? Nilalang? Tao po? Ano itsura?"

" Alam mo anak....hindi ko pa sila nakikita. Mailap sila sa tao pero pinipili nila ang taong pakikitaan nila."

" Nakakatakot naman! Monster po yata sila?"

" Ayon sa mga kuwento ay mga nilalang sila na nakatira sa kailaliman ng lupa. Maliliit lang sila. Maitim, kulot na makapal ang buhok. Mapula ang mata at gilagid na may malalaking ngipin. Nakakatakot ang itsura pero mababait daw ito dahil ayon sa kuwento nakakatulong sila sa kalikasan."

" Nakakatakot pala itsura nila. Pero papa bakit pumupunta sila sa ibabaw ng lupa?"

" Kapag malamig ang panahon sa gabi ay lumalabas talaga sila. Naghahanap sila ng lugar na medyo mainit ang temperatura. Alam mo ba kung bakit kudu-kudu tawag sa kanila?"

" Bakit po?"

" Kasi yun tunog na lumalabas sa bibig nila at yung nangyayari sa katawan nila.....nanginginig sila kasi at doon sila sa ilalim ng lutuan namamalagi sa gabi kasi medyo mainit ang ilalim nun. Yung narinig mong kaldero na nagbukas kagabi ay sila may gawa nun...kinain nila ang tira nating kanin at sinadya ko yun. Noong bata pa ako ganyan din ginagawa ng aking ama. Pero ni minsan hindi ako nakakita ng nilalang na yun, naririnig ko lang sila noong bata pa ako hanggang ngayon."

xristianbryan25 SHORT STORIESWhere stories live. Discover now