KuduKudu - 6 ( Last Part)

173 15 7
                                    


" Ikinagagalak ko kayong makilala." Sagot ko sa aking isipan.

Ibinaba ni Uk ang kanyang anak na si Duk at agad itong mabilis na nakalapit sa akin na hindi ko namamalayan. Nasa harap ko ito sa may paanan ko na hindi man lang lumagpas sa tuhod ko maski siya ay nakatayo. Katulad ng kanyang ama ay nakangiti rin itong nakatingin sa akin. Mapula ang mga mata at tanging ngipin ang maputi. Isang tinig ang narinig ko sa aking isipan...

" Ako si Duk, ikaw ang kaibigan ni ama noon pa man. Alam ko mabait ka....meron ka bang pagkain...nagugutom kasi ako."

Ang tinig sa aking isipan.
" Meron sa loob ng bahay. Halika kukunin natin." Sagot ko at akmang kakargahin ko sana si Duk ay nabigla ako.....sobrang bigat niya una hindi ko nakayang buhatin kaya... " Hintayin mo na lang ako dito kukunin ko ang tinapay at mga biscuit. " Ngumiti si Duk at pati ang kanyang amang si Uk.

Paglabas ko ay agad ko itong ibinigay sa kanya....ngunit nabigla ako ng hindi niya ito agad kainin. Nilingon niya ang mga katulad niyang nilalang na mga maliliit din. Mabilis ang mga itong lumapit sa kanya at tila masasayang naghihintay na sila ay bigyan ni Duk. Inabutan ni Duk ang bawat isa ng piraso na hati-hati at masayang inabot naman ng mga ito. Hindi nagaaway -away at naghihintay lang na abutan.

" Bakit mo iyon ginawa Duk? Di ba sayo ko yun ibinigay. Konti na lang tuloy sayo."

" Itinuro ni ama sa akin na dapat ay ibinabahagi ang anumang meron kami. Naniniwala kasi ang mga katulad namin na kapag nagbahagi ka ay palaging may darating na biyaya mula sa tagalikha. Maging ito man ay maliit o malaking bagay ay kailangang ibahagi. Hindi magandang ipinagdadamot ang kung anong meron ka dahil isang resonsibilidad ang pagtulong sa anumang nilalang sa mundo para sa kabutihan, kaayusan at pagkakaunawaan."

Nabigla ako sa sinabing iyon ni Duk. Katulad siya ng ama niya na bagamat bata sa aking paningin ay para itong malaking tao kung magsalita. Nakakahiya dahil alam kong may mga taong hindi ganun ang paniniwala maski na ang mga ito ay may mga edad na. Pero ang mga tulad ni Uk at Duk ay nakakamanghang ganun ang paniniwala.

" Kaibigang Eli alam ko na nagtataka ka sa nalalaman mo sa aking supling, bagamat bata siya kung ikukumpara sa isang tao pero ang aming isipan ay mabilis magkaedad, pero kaya naming tumagal sa mundo ng libo-libong taon, hindi pa man dumadami ang tao sa mundo ay may mga nabubuhay na ring katulad namin dahil nilikha kami para sa kalikasan. Hindi ko hahadlangan ang anumang mga nais mong mangyari kung bakit ka nandito.....ang sa akin ay natupad ko ang hiling mo noon na bantayan ko ang lugar na ito ay tinupad ko. Masaya na ako sa iyong pagbabalik. Tandaan mo kahit anong mangyari ay magkaibigan tayo."

Pakikipagusap ni Uk sa aking isipan.

" Nakikita mo kaibigan Eli ang lahat ng kauri ko? Sila ay lahat maninirahan sa kailaliman ng kabundukang ito. Doon ay may sarili kaming paraan ng aming pamumuhay. May mga sarili kaming gawain sa aming pamayanan at maging sa kung paano kami tumulong sa mga taong napipili naming karpatdapat na bigyan ng bagay na meron kami ay binabahagi namin ang isang bagay na pinakaiingatan ng bawat isa sa amin. Sa bagay na ito ay masasabi kong pinipili lang namin dahil batid naming kung magbibigay ito ng gulo at pagkagahaman sa mga tao kung lahat ay babahaginan namin nito.

Sa isang maliit na tila pouch bag na kulay itim na nakasukbit sa tagiliran ay may dinukot dito si Uk. Nagulat ako dahil isa itong tila pingpong ball na makinang na parang diyamante.

" DIYAMANTE?!!!"

" Hindi ito Diyamanteng tinatawag ninyong mga tao kaibigang Eli....isa lang itong uri ng bato sa aming mundo na mas mahalaga pa sa diyamante. May mga taong nabigyan na nito noon pa man, pero nagpadala sila sa tukso ng pera imbes sa pagtulong na bukal sa puso. Kaya ang ibinigay na iyon sa kanila ay natunaw na parang buhangin. Ginagamit kasi ito sa mabuti sa pagtulong na mapagaling ang anumang karamdaman ninyong mga tao."

xristianbryan25 SHORT STORIESWhere stories live. Discover now