KuduKudu - 4

112 11 0
                                    


" SINO YAN?!"

Walang akong narinig kundi ang sipol ng hangin at tunog ng mga dahon na tinatamaan ng hangin. Kinuha ko ang flashlight at tinanglawan ng ilaw ang talahib na nakita kong gumalaw. Ngunit napagtanto ko na baka hangin lang.

Kumulo ang tubig at naglagay ako sa mug at ang natira ay inilagay ko sa dala kong cup noodles. Inilabas ko din ang tinapay na at nagsimula na akong kumain. Nang matapos ay lumabas akong muli at nagsiga sa tapat kung saan madami ng tuyong mga sanga dahon at mga talahib na akin ding ginapas para magkaroon ng maayos na daanan. May buwan kaya nagsilbing liwanag ito sa aking ginagawa. Maningas ang apoy at mapapansing maraming mga insekto ang itinataboy nito palayo. Nagipon pa ako ng mga malalaking sanga para panggatong sa ginawa kong siga. Pinulot ko din ang ilang tuyot ng bunga ng niyog ma hindi na napakinabangan kaya isinabay ko na sa siga.

Halos inabot ako ng lampas isang oras para medyo umalwan ang harap ng bahay. Hanggang sa umupo muna ako sa hagdang malapit ng bumigay dahil kawayan at kahoy lang ito.

Sa aking pagkaupo ay muli kong naisip ang rason kung bakit ako narito sa lugar na ito. Gusto kong makita itong muli sa huling pagkakataon. Tumayo akong muli at inilibot ko ang paningin sa buong lugar.....napangiti ako dahil sa di kalayuan ang bahay na pinuntahan ko noon ay nakikita kong may mga liwanag sa lugar na nanggagaling sa ilang kabahayan. Dumami na marahil ang tao doon dahil abot na sila ng elektrisidad na hindi pa nakakarating dito sa lugar na kinalalagyan ko dahil nasa mataas itong bahagi kumpara sa lugar na yun. Naisip ko din baka ang daanan doon ay mas malapit at karugtong na ng highway. Abot na ng elektrisidad kaya maraming nagkakainteres na mga businessman dahil sa puwedeng gawing mga spring resort ang ilang bahagi ng kabundukan.

Hinubad ko ang aking damit at kinuha ang flashlight, tinungo ang batis para maligo. Masarap ang tubig maski may kalamigan kaya nagbabad ako ng halos bente minutos.

Pagbalik ko sa kubo ay muli kong dinagdagan ng kahoy ang siga para di malamok. Nagpalit ako ng damit at pagkatapos ay inayos ko ang mat na hihigaan ko at ang dala kong maliit na unan at kumot.

Magtitimpla ako ng kape ngunit lumamig na ang tubig sa mug kaya inilagay ko na lang ang kalderong may lamang tubig sa ibabaw ng baga.

Hawak ang 3in1 coffee ay hinintay ko itong kumulo.....

Ngunit nabigla na lang ako ng may biglang pumasok na tinig sa isip ko na nagtatanong, " kumusta ka na?". Napalingon ako sa pagbabakasakaling may boses talaga at may tao ngunit wala. Hindi ako umimik at tinimpla na ang iinumin kong kape habang nakikinig ng music sa aking cp na naka loudspeaker. Naka-dalawang timpla ako ng kape at bago pumasok para matulog ay dinagdagan ko pa ng mga kahoy na tuyo ang siga. Para kahit tulog na ako ay may baga pa ito.

Umakyat na ako ng hagdan para matulog. Hininaan ko ang ilaw ng lamp na dala ko at humiga na.
Sa aking pagkakahiga ay napailing na lang ako dahil may mga butas na pala ang bubong. Nakikita na ang mga bituin na sumisilip sa mga awang sa bubong na anahaw. " Sana hindi umulan." Sa gilid ko ay tinignan ko ang silid na tinutulugan ni papa noon. Kaya nakaramdam ako ng lungkot nami-miss ko si papa. Mahal na mahal ako ni papa at sa aming magkakapatid ay sa akin niya ipinamana ang lupang ito sa kabundukan. Hindi naman nagtampo ang mga kapatid ko dahil lahat naman sila ay meron din ang bahay at lupa sa bayan at ang bahay at lupa sa maynila sa kuya ko. Mababait ang mga kapatid ko kaya nagkakaunawaan kaming lahat. Ngunit isang dagok sa aking buhay ang bigla na lang dumating ilang buwan ng nakakaraan. Kaya nagdesisyon ako sa isang bagay na sana hindi ikagalit ni papa at ng aking kaibigang si Uk na sa lugar na ito naninirahan.

Sa pagiisip ay nakatulog na ako....
.
.
.
.
.
.
Nagulat na lang ako sa pagkahimbing ng marinig kong tila bumagsak ang kaldero sa harap ng bahay.

Bumangon ako at binuksan ko ang pinto.

Nabigla ako sa aking nakita isang katulad ni Uk ang nasa may siga at nakangiting nakatingin sa akin. Hindi ito bata kundi ay mas malaki na ang katawan at mas makapal ang buhok. Mapula pa rin ang mata at labas ang mga ngipin na nakangiti....maamo at hindi nakakatakot maski na ito ay maitim na parang uling. Unti-unti kong inihakbang ang aking mga paa pababa ng hagdan at napaupo.

Pinagmasdan kong mabuti ang nilalang na tila sinisipat-sipat ang aking mukha ng siya ay humakbang ng konti palapit.

Hanggang sa kinausap niya ako sa isip.

" Kumusta ka na kaibigang Eli? Napakalaki na ng iyong pagbabago."

Nabigla ako dahil kilala niya ako. Kaya sa pamamagitan ng isip ay tinanong ko siya.

" Dati ay nakakita na ako ng tulad mo noong bata pa ako. Maari bang magpakilala ka sa akin?"

Ngumiti ito...

" Ako si Uk ang nakilala mo noong bata ka pa." Sagot nito sa isip ko at nanatili lang siya na nakangiti sa akin.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
------------------------------------------------------

xristianbryan25 SHORT STORIESWhere stories live. Discover now