KitKat - 1

191 13 0
                                    


Naiinis ako......may bagong kasama ang kaibigan kong si Eloy. Isa itong tuta at karga karga pa niyang pumasok ng bakuran. Hindi man lang niya ako napansin.

Hinihintay ko pa naman siya dito sa paborito naming tambayan na tree house sa taas ng punong mangga sa tapat ng bahay nila para kami ay maglaro at mamaya ay mamamasyal.

Bumaba ako, at sinilip sila sa may kusina nila. Sa may pinto ay doon ako namalagi. Nakita ko na masaya silang nanananghalian kasama ang tutang tinawag nilang mikmik. Nasa lapag ito at binibigyan ni eloy ng pagkain.

Nang makita ako ng tutang si mikmik ay bigla na lang itong kumahol sa gawi ko at tila susugurin ako. Natakot ako at napaatras dahil baka kagatin ako.

Nang biglang magsalita si Eloy...

" KitKat doon ka na muna sa tree house...kumakain pa kami. Tamo nagagalit sayo si Mikmik. Mamaya na tayo maglaro."

Nalungkot ako dahil ipinagtabuyan ako ng kaibigan ko. Mas pinili pa niyang kasama ang tutang ngayon lang niya nakasama. Malungkot akong naglakad para muling umakyat sa tree house ngunit may kaunting saya dahil sabi ni eloy ay maglalaro kami mamaya.

Ngunit lumipas ang mga sandali ay walang eloy na umaakyat kaya muli akong bumaba para kumain muna dahil akoy nagugutom na rin.

Nang akoy matapos kumain ay muli akong bumalik sa taas ng tree house bakasakaling naroon na si eloy.

Lumipas ang mga oras ay walang eloy na dumating. Nalungkot ako dahil iyon ang unang pagkakataon na hindi nakipaglaro sa akin si Eloy.

Hapon na ng makita siyang naglalakad palabas ng bakuran.....nakasunod pa rin sa kanya si mikmik. Kitang kita ko sa mga mata ni eloy na napakasaya niya na kasama si mikmik.

Padapa akong humilata sa sahig ng tree house habang tinatanaw silang masayang tumatakbo. Isinandal ko ang aking baba sa aking braso at pumatak ang aking luha habang nakadungaw mula sa taas.....

Wala na.....malungkot.....hindi na ako ang kaibigan ni eloy....may bago na siyang kasa kasama bagong kaibigan.

Magdidilim na ng muli silang bumalik at hindi pa rin ako pinansin. Kaya nagpasya na akong bumaba para umuwi sa aking tahanan.
.
.
.
.
.
.

Itutuloy.....
------------------------------------------------------

xristianbryan25 SHORT STORIESWhere stories live. Discover now