MikMik - 2

202 14 0
                                    


Nang kamiy nakarating sa kanilang tahanan ay lubos akong natuwa dahil pati ang nanay ni Eloy ay tuwang tuwa sa akin.

Kinupkop nila ako at sa pagdaan ng mga araw ay naging masaya na ako sa kabila ng lahat na aking pinagdaanan.

Nag aaral na pala si Eloy at walong taon na ito. Sa paglalaro sa bakuran at pamamasyal ay palagi niya akong kasama kapag walang pasok.

Kapag may pasok naman ay naiiwan ako sa bahay kasama si Nanay at tatay na minsan ay pumupunta din sa bayan sakay ng trysikel nilang pamasada.

Masisipag at mababait ang mga kumupkop sa akin at wala na akong mahihiling pa.

Hanggang isang araw ay masaya kaming nagpunta ng bayan sakay ng trysikel ay nangyari ang isang trahedya sa amin habang kami ay pauwi isang hapon.

Nabangga ng isang mabilis na trak ang sinasakyan namin at akoy tumalsik palabas ng trysikel at akoy nawalan ng malay dahil sa lakas ng tama ng aking katawan lalo na ng aking ulo sa kalsada ngunit kita ko pa kung paano bumaliktad ng paulit ulit ang sinasakyan namin na naroon pa ang pamilyang kumupkop sa akin lalo na ang aking mahal na kaibigan si Eloy.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay at pag gising ko ay nasa gilid ako ng kalsada may dugo sa aking paa at ulo. Sinubukan kong tumayo kahit masakit.....gusto kong makita ang kaibigan ko, si nanay at si tatay. Ngunit madilim na sa parteng iyon ng kalsada....wala na ang trak ngunit naroon ang yuping trysikel nina eloy. Naiyak ako ng makita kong wala sila doon kundi mga dugo na lamang.

Naglakad ako ng naglakad kahit masakit ang aking katawan. Nalulungkot ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay magisa ulit ako at wala man lang tumutulong sa akin.

Nakarating ako sa harap ng trangkahan ng aking naging tahanan ngunit ipinagtabuyan ako ng isang kamaganak nina eloy. Nanatili ako doon ng ilang oras, hinahanap sila ng aking matang hilam sa luha ngunit hindi ko sila makita.

Dinadaanan, nilalampasan lang ako ng mga taong pumapasok sa bakuran....nagtataka ako bakit maraming tao at maliwanag sa buong kabahayan nina eloy.

Masakit na talaga ang aking katawan at akoy nagugutom na. Kaya inihiga ko ang aking patang patang katawan sa gilid ng trangkahan. Matagal akong nakatulog sa gilid at di ko namalayan na hatinggabi na pala ngunit marami pa ring tao sa bahay nina Eloy.

Hanggang sa tatlong sasakyan ang huminto sa tapat ng bahay nina eloy. Narinig ko na nagsigawan at nagiiyakan ang ilang tao sa loob at labas.

Isa isang may inilabas na tila kahon na puti na ibat ibang sukat bitbit ito ng ilang mama. Nakita ko na ang pinakamaliit na kahon ang naunang ipinasok sa bakuran. Nagiyakan ang mga tao at tanging sinasabi nila ay....

" ELOYYYYYYYYYY!!!!"

Naguguluhan ako bakit ganun, nasa loob ba nun si Eloy.

Sumunod na ipinasok ang isang kahon na mas malaki sa nauna at ang huli ay ang pinakamalaki.

Nakapasok ako na hindi namamalayan ng mga tao. Nakita ko na nasa loob na ng bahay ang tatlong kahon na puti. Sinisilip ko ang loob ng bahay bakasakaling makita ko suna eloy ngunit isang sipa ang nagpatalsik sa akin sa bakuran at agad akong tumakbo sa labas ng bakuran na umiiyak sa sakit na aking natamo.

Hindi pa man nagtatagal ay binuhusan ako ng mainit na tubig ng isang binatilyo kaya napaigtad ako kaya kalahati ng aking katawan ang napaltos.

Sumisigaw ako na tumakbo sa gitna ng kalsada at diko namalayan ang isang paparating na sasakyan.

Naramdaman ko na lang ang pagtama nito sa aking tila manhid na sa sakit na katawan. Tumalsik ako ng ilang metro at narinig ko pa ang sigaw ng ilang tao na nakakita sa akin. Tanging nabanggit nila na huli kong narinig ay.....

" Kawawa naman...."
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

xristianbryan25 SHORT STORIESWhere stories live. Discover now