KitKat - 2

159 12 0
                                    


Sa pagdaan ng mga araw ay nawalan ng panahon sa akin ang aking kaibigang si Eloy. Nakaramdam ako ng lungkot pero ok lang masaya ako na masaya siya.

Sa malayo ay pinagmamasdan ko na lang silang dalawa. Masayang naglalaro at palaging namamasyal. Maging si nanay at tatay mga magulang ni eloy ay masaya sa pagdating ni mikmik.

Minsan kapag may pagkakataon na magisa si mikmik at nasa iskul si popoy ay lumalapit ako sa kanya. Gusto ko rin siyang maging kaibigan pero agad niya akong hinahabol kaya ako ay tumatakbo agad sa dahilang takot ako na makagat niya.

Nakita ko sa pagdaan ng mga araw kung gaano kamahal ni eloy si mikmik. Maging sa pagtulog ay isinasama niya ito sa kuwarto niya. Dati naman natutulog din ako sa kuwarto ni eloy pero simula ng dumating si mikmik ay hindi na.

Pero hindi ako nagtanim ng galit sa kanila....oo nagseselos ako. Alam ko na darating ang araw papansinin ulit ako ni eloy.

Kaya nakakilala na din ako ng mga bagong kaibigan na kasa kasama ko sa pamamasyal kapag akoy niyaya nila.

Isang araw ay nagpunta ng bayan sina eloy. Sumakay sila sa trysikel na pagaari ng pamilya.

Masayang sumakay si eloy at syempre kasama si mikmik. Ginawa ko na lang ay umakyat ako sa tree house at doon ay naglarong magisa at namalagi.

Hapon na ay nagtataka ako....bakit wala pa sina eloy.

Dapithapon ng may mga pulis na dumating at kumatok sa trangkahan nina eloy. Ang kamaganak nilang mga kapitbahay ang humarap. Nagulat ako nf magiyakan ang mga ito at magsigawan. Ang iba ay sumama sa mga pulis ang iba ay tumuloy sa bakuran nina eloy at binuksan ang kanilang bahay.

Gabi na at madilim ngunit ang buong bahay nina eloy ay pinaliwanag lahat, may mga nagayos ng mga gamit, ay mga naglalagay ng mga ilaw na maliliwanag. Lahat ay abala pero ang ibang mga tao ay umiiyak.

Nagtataka ako wala pa rin sina eloy, gabing gabi na.

Hanggang sa nakita ko si MikMik na paika ikang naglalakad sa gilid ng kalsada. Duguan ang kanyang katawan at ulo. May pilay ang mga paa. Awang awa ako sa kanyang kalagayan. Bakit magisa lang siya nasaan sina eloy, nanay at tatay.

Nanatili ako sa isang lugar na tinatanaw si mikmik. Hindi siya pinapapasok sa loob ng bakuran kaya sa lapag sa gilid ng kalsada siya namalagi at nahiga. Kitang kita ko ang hapo, at sakit na kanyang nararamdaman. May luha sa kanyang mga mata.

Lalapitan ko na sana siya para damayan at tanungin kung ano ang nangyari ngunit biglang dumating ang tatlong sasakyan. Isa isang inilabas ang tatlong puting kahon.

Naunang ipinasok ang pinakamaliit at nagsigawan na umiiyak ang mga tao habang isinisigaw ang pangalan ni eloy.

Takang taka ako. Nakita ko na gustong pumasok ni mikmik at nakapuslit nga siya sa loob ng bakuran na palihim. Ako naman ay tumuloy na rin sa loob ng sala. Doon ay narinig ko na wala na pala si eloy, wala na ang kaibigan ko patay na siya sa isang aksidente kasama si nanay at tatay.

Gustong kong sumigaw umiyak ng malakas.

" ELOYYYYYY!"

Ngunit di niya ako marinig. Iyak ako ng iyak na inaalala ang masasayang araw namin ni eloy.

Sa aking paglingon ay nakita ko si mikmik na nakakaawa ang itsura na nakasilip sa may pinto. Ngunit bigla siyang sinipa ng isang kamaganak ni eloy kaya tumalsik siya sa bakuran na umiiyak din.

Agad akong tumakbo palabas para daluhan siya ngunit nakatakbo na siya palabas ng bakuran at doon sa gilid ng gate nanatili.

Pinagmasdan ko siyang mabuti sa kaawa awa niyang kalagayan. Doon ay alam ko na tila bibigay na ang katawan niya.

Nagulat na lang akong bigla ng may isang binatilyo ang nagbuhos ng mainit na tubig sa katawan ni mikmik. Napasigaw siya at maging ako sa nakita. Umusok ang katawan ni mikmik at napatakbong sumisigaw sa gitna ng kalsada.

Doon ay hindi niya namalayan ang pagdating ng isang sasakyan at siyay nabundol. Tumilapon ang duguan niyang katawan na tila wala ng buhay.

Sumisigaw ako na lumapit sa kanya dahil ni isa ay walang lumalapit.

" MIKMIKKK!"

Kitang kita ko ang pagkurap ng mata ni mikmik na dahan dahan. Hanggang sa tuluyan na itong pumikit.

Tanging nasabi ng mga tao ay kawawa naman.

Isang mama ang naglagay ng walang buhay na katawan ni mikmik sa isang sako at inilibing ito sa isang hukay sa gilid ng kalsada.

" Babayyyy mikmik....sorry hindi man lang kita natulungan...maraming salamat sa pagbibigay mo ng kasiyahan kay eloy at sa buong pamilya. Alam ko na magkakasama na kayo sa heaven mikmik. Mamimiss din kita maski hindi tayo nagkaroon ng pagkakataong maging magkaibigan."
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

xristianbryan25 SHORT STORIESDonde viven las historias. Descúbrelo ahora