PROLOGUE

202K 3.8K 1.5K
                                    

Pabagsak kong nilapag sa bar counter ang huling shot ko ng Whiskey na nilibre lang ng kaklase ko. Kasabay ng pag-alon ng aking paningin at kagaanan ng aking ulo, nabibingi na rin ako sa maingay na tugtugin dito sa bar. Kumakabog ang bawat beat ng dance music sa aking dibdib.

"O Vin, ayos ka lang? Isang shot pa!" tinapik ako ni Nolan sa balikat. Marami mang nainom ay walang panama ang alak sa kanya. Matibay ang loko.

Sumenyas ako. "Di na..." Tamad akong nagsalita at gusto ko nang humilata sa kung saan.

Tinulak ko ang sarili pababa sa high chair. Saglit napawi ang panghihina ko nang maramdaman ang aking pagbagsak. Mabilis akong nakakapit sa silya ni Nolan.

"O, hinay-hinay lang." Tumawa siya. "Saan ka ba pupunta? Sasayaw pa tayo ah?"

"Oo nga Vin, let's dance!" sabat ni Tori na tinaas ang mga kamay at humiyaw. Ningitian siya ni Nolan na long time boyfriend niya. Hinapit niya ito sa baywang at hinalikan sa leeg. Tori moaned and giggled. Lasing na rin ang isang 'to.

"Kayo nalang diyan, uwi na ako..." tinanggal ko ang makati kong hairclip sa ulo at inis na ginulo ang buhok kong hanggang batok.

Mahinang tumawa si Nolan, namumungay ang mata niyang galing sa paghalik sa girlfriend. "Uuwi ka na? susunduin ka ng bestfriend mo kuno?"

Hinampas ko siya sa braso. "Shut up."

Lumakas ang kanyang tawa sabay higpit ng akbay kay Tori. May ideya na ako sa patutunguhan ng kilos nilang 'yan. I'm used to it. That's like a Morse code to me.

"Sige sige, congrats sa 'tin." Tinungga ni Nolan ang bote ng beer.

"Geh!"

Nag-fist bump kami saka ko binaling ang kamao kay Tori na pumipikit-pikit na ang mga mata. Tantiya kong sa isang tungga pa niya ng shot, babagsak na 'yan.

"Davina...we'll dance pa..." lasing niyang pakiusap.

"Pauwiin mo na rin 'yang girlfriend mo." Bahagya kong tinulak si Nolan bago ako tumalikod at pasuray na nag-martsa paalis ng bar.

Hindi ito ang unang pagkakataon kong mag-lasing. Hell! It's like my way of life! An immortal habit. Walang buwan na hindi ako nakakatikim ng alak. I guess it's the closest thing to do to drown out every shit, to have as much as fun dahil sa dami ng problema sa mundo, bakit pa ako aambag? So I have to have my own dose of fun, right? Wala namang pumipigil sa 'kin. At kung meron man,  hindi rin naman ako nagpapapigil.

Agad sumiksik ang lamig sa aking balat nang makalabas na ako sa lipumpon ng mga tao rito sa Mango Avenue. Maitim pa ang kalangitan pero sigurado akong hindi na kaorasan ng gabi.

Lagitik ng aking boots ang unti-unting pumapalit sa ingay na sumasabay sa 'kin habang palayo ako nang palayo sa dagundong  ng bar at tawanan ng mga tao.  I'm still tipsy, but I'm still on my right mind. Hindi ko nga lang nakokontrol ang iba kong mga kilos lalo na kapag kalokohan. Minsan, nagda-drunk call pa ako sa mga kaklase ko sa gitna ng madaling araw.

I feel free, kasi nagagawa ko ang gusto ko kahit noon pa man. Kaya hindi na bago sa 'kin ang kalayaang natatamasa ko ngayong graduate na ako ng kolehiyo. Salamat sa misteryoso kong benefactor.

Unlike sa iba, karamihan ay nadadama nila ang thrill ng kanilang kalayaan, na pwede na nilang gawin kahit anong gusto dahil hindi nila ito naranasan noon. Hindi na sila magka-countdown sa itinakdang curfew ng kanilang mga magulang.

Kung sasabihin ng iba na masuwerte ako dahil mulat na ako sa kalayaang nais ng karamihan, they're wrong. Malaya ako sa maling paraan. Malaya ako dahil walang may pakialam sa mga ginagawa ko.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon