FIFTY TWO

79K 2.1K 804
                                    

It's been three days since that night and it left a bruising souvenir. Hindi lang pagbahing ang gumising sa akin kung 'di pati na ang paggitgit ng sakit sa tagiliran. Habang iniipit ng tissue ang ilong ay aking inangat ang dulo ng tank top at sinilip ang pasa. The purple bruise greeted me.

"Miss mo na ako, noh?" kausap ko pa rito. Matagal na rin akong hindi nagkakapasa nang ganito kabrutal tignan. Remembering those times is like missing having a bruise, too.

Ang langitngit ng pinto sa baba at mga yapak sa hagdan ang nagpalisan sa akin sa kama. Tinapon ko ang tissue sa trashcan na tinabi ko lang din sa higaan dahil gabi-gabi akong naggigising sa barado kong ilong. Ininom ko ang tubig na palagi ko ring handa sa bedside.

"Ma'am Vin!" Si Raven at saka siya kumatok.

Tumakbo muna ako sa cr upang maghilamos at mumog bago pinagbuksan si Raven dala ang gamot. Nagkagatla ang noo ko ng wala sa oras pagkakitang nakalagay pa ito sa tray kasama ng baso ng tubig at mug na may kape.

"Gamot lang pinakuha ko," pagod kong sabi sabay singhot. Napangiwi ako sa kakaiba kong boses. I sound like a robot.

Raven grinned at mas nilapit ang tray. Kinuha ko na lang ang gamot, ininom ang tubig, nagpasalamat saka kinuha ang kape. Wala pang alas otso kaya tahimik pa sa baba maliban sa mga boses ng staff at padulas na yapak ng mga sapatos nila.

"May mga stock ba kayo ng coloring pens sa baba?" untag ko at sumimsim ng kape sa mug. I hate that I couldn't even smell it because of my clogged nose.

Tumalbog ang maikling buhok ni Raven nang tumango. "Opo ma'am.Nasa storage katabi lang ng office. Bagong tambak po iyon from last week. Para hindi na kayo mapagod sa pagakyat-baba ay sa office na lang po kayo magtrabaho."

Tumango ako at kinonsidera ang sinabi niya. Mainam nga naman kung ganon. It's not that I don't have the things I need here. Mas accessible lang kung sa baba ako. Mapapalapit pa ako sa espresso machine.

Nakayuko si Raven at pinagmamasdan ang ballerina shoes niyang binabakas ang linya ng baldosa. Ewan ko kung ano ang hinihintay niya at hindi pa siya umaalis. Ginawa kong oportunidad iyon upang mang-usisa.

"Ilang taon ka na Raven?" tanong ko sa likod ng mug.

Nag-angat siya at namilog ang mga mata. "Twenty eight po."

"Ay! Mas matanda ka pa pala sa 'kin. Mukha ka kasing highschool. Huwag mo na akong i-ma'am at i-po."

Humagikhik siya. "Thank you."

Nagtaas ako ng kilay. "Nasiyahan ka naman?"

"Po?"inosente niyang untag.

"Nasiyahan ka namang malaman na mukha kang highschool?"

Mukha siyang napahiya noong una ngunit naglaho rin at nauwi sa hiyang ngiti at kibit balikat. "Slight."

Pabiro ko siyang inirapan at umiling. Napangiti nang kaunti. Binalik ko ang mug sa tray. "Sa baba ko na uubusin iyan. Mainit pa, e."

"Okay po," aniya saka tumalikod.

Hinatid ko pa siya ng tanaw pababa sa hagdan. Sa paraan ng paglalakad niyang sa wari ay tumatalon, ikinabahala kong gugulong siya sa hagdanan. Nang nasa dulo na siya ay saka ko pa sinara ang pinto.

Pagkatapos maligo at magbihis ay dinala ko na ang aking mga kagamitan kabilang na si Woodrow sa baba. Nagsimula nang umingay sa shop karamiha'y mga teenagers.

Pangalawang araw ko pa lang ito sa paggawa ng disenyo sa photo book ni Jaxon. Inuna ko pa ang para sa book jacket. Naisip kong magliwaliw upang makalikom ng mga ideya. I could hardly find inspiration in this colorful and pastel place.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon