TWENTY

74.8K 2.1K 1.1K
                                    

Sa pagmamadali ni Denver ay hindi ko na nagawang magbihis. Pinuwersa ko ang pag-iwan ng kaba sa bahay na siyang salin pa sa naudlot kong pag-amin kanina.

Oddly, relief has found me. Kanina lang ay atat akong isatinig ang totoo pero ngayong hindi ito natuloy, ewan ko kung bakit mas guminhawa ang aking pakiramdam. Para bang bibitayin ako sa oras na ibulgar ko ang totoo.

Aminin ko man kasi o hindi, wala rin namang magbabago. He's still going to stick around with Gwyneth. She'd still have the receiving end of Jaxon's affection.

Siguro itong hindi ko natuloy na pag-amin ang mas nararapat sa ngayon. This made me feel lighter. Isipin ko pa lang kasi na kung natuloy ang sanang sasabihin ko, mas marami ang mangyayari. The surge of feelings...it's like breaking the high thick walls and the all primed and feral battalion is charging with their horses, ready for a bloodbath.

Nasa loob na nang passenger's seat si Denver. Papasok na sana ako sa backseat nang binuksan ni Jaxon ang pinto sa side ni Denver.

"Si Davina diyan. Sa likod ka," pautos niyang sabi sa pinsan, tinango ang backseat.

Tahimik man, nagsusumigaw naman ang simangot ni Denver. Inikutan niya ng mata ang Jaxon at kamot-ulong lumabas. Ningitian niya ako habang binubuksan ang pinto at pumasok na sa likod.

Tinignan ko si Jaxon. Hindi ko mabasa ang pinta ng mukha niya pero may salin pa rin iyon ng ekspresyon niya kanina. Pinanatili niyang bukas ang pinto sa passenger's seat habang pinaikot-ikot sa isang daliri ang chain na pinagkabitan ng susi.

Ngumuso siya sa loob sabay tango rito.

Tahimik akong sumunod at pumasok. Pagkatapos isara ang pinto ko ay umikot na siya sa hood ng sasakyan. Nang makaupo ay binuhay niya ang makina at lumarga na kami.

That scene dragged into my thoughts. Kung narito si Gwyneth, ganon pa rin kaya ang gagawin ni Jaxon? Paupuin ako sa passenger's seat?

Come on! Sarili ko pa ba ang niloloko ko? Malamang hindi. Sa backseat ako panigurado! I'm the backseat girl. That's my only place when the owner is around. Nakihiram lang ako ng trono ngayon.

Our friendship remains, while feelings change making this much deeper. Kung gaano kalalim ito bumabaon, ganoon rin ang tutumbas nitong sakit. Ngayon pa nga lang ay sinimulan na ang pagba-barena sa damdamin ko.

Iiwas ba o manantili? Siyempre, pipiliin kong umiwas. That's more beneficial. What's at stake of avoiding is our friendship. It would surely be in ruins. Hindi naman siguro didibdibin iyon ni Jaxon. Ako lang.

Ngunit sa isang linggong hindi namin pagkikita, akala ko'y magtutuloy-tuloy na hanggang makalimutan ko ang nararamdaman ko. Then suddenly he's just going to knock on my door, suotan ako ng boots at isasama ako sa bahay ng kamag-anak niya! My distancing away from him crap just skyrocketed out of nowhere.

Now I even find it harder to stay away. It's like, sa dalawang pagpipilian mong escape route, out of order ang isa habang maling labasan naman ang pangalawa. So I'm left with no choice but to stay right at this ground.

Hanggang plano lang naman pala ako. I don't do well on execution. 

Pero mas mabuti talaga iyong wala akong utang sa kanya. Turns out, may panghahawakan pa siya sa akin sa halagang isang libo.

Napaigtad ako nang maramdaman ang kamay sa aking tuhod. I know it's Jaxon's hand, dahil sa ilang beses na akong nagkakaganito, siya ang gumigising sa akin. I am accustomed to his platonic touch.

For him it is platonic but for me, the effect of it is nowhere near platonic.

Agad din niyang binalik ang kamay sa steering wheel. Nag-iwan ng init ang parte ng binti kong hinawakan niya. Kinabahan ako bigla sa naisip. Kill the haze, Davina! May girlfriend siya!

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon