SIXTY

194K 3.9K 1.8K
                                    

Pinangahalatian ko ang bubble bath sa tub at winisik ang tubig para bumula. Hiniga ko ang aking ulo sa rim saka pumikit, buong lugod na hinayaang lisanin ako ng pagod galing sa paglilinis ng buong condo.

Nang papauwi pa lang kanina ay hindi agad ako mapakali kaya iyon ang ginawa ko. Kahit iyong mga nakatupi nang mga damit ni Jax sa dresser ay pinakialaman ko at tinupi ulit. Naglaba pa ako, pinakintab ang mga sapatos at plinantsa ang kanyang mga suits.

I couldn't blame it on anything but on sole overwhelmedness. Pinangangambahan ko pa kung ito na ba iyong tamang panahon. This leads me into musing about our inopportune time years ago. Anim na taon...pero pakiramdam ko buong buhay ko nang hinahangad si Jaxon. Not just within the years I'd spent without him while knowing him. Siya ang matagal ko nang hinintay, na nawala, at nang magbalik ay ayaw ko nang bitawan.

God. I sound possessive. But fuck it, I am!

Kumiliti ang alon ng tubig sa aking leeg nang gumalaw ako. Sumilip ang nakatupi kong tuhod sa mga bula. Sana pala bumili ako ng roses at sinaboy ang mga petals para mas magandang tignan.

It's almost ten in the evening, pauwi na iyon si Jaxon. Binuhay ko ang phone at pinindot ang play sa music. Transatlanticism is lulling me to sleep.

"So come on...come on..."

Kumunot ang noo ko saka dumilat nang marinig ang baritonong boses. Agad akong bumaling sa hamba.

Jaxon's leaning against the door frame, holding a bottle of wine and a merlot. Is it possible to sweat even I'm under the tub water due to him being topless?Bukas ang butones ng jeans niya samantalang nakasara ang zipper nito.

At bakit ba siya nakatayo diyan? Mukhang aliw na aliw siyang pinapanood akong natutulog.

"Kanina ka pa?" Tumikhim ako at inayos ang pagkakahilig sa tub.

Hinila niya ang sarili at relax na naglakad palapit dito. Desperado na ang jeans niyang kumapit sa kanyang baywang ngunit ang nagawa nito'y pinapasilip ang brand at garter ng kanyang boxers.

Umupo siya sa rim ng tub at sinalinan ng wine ang merlot. Like an expert, kalahating inikot niya muna ang bote ng wine bago nilayo sa bibig ng baso. He did it perfectly like the gesture is an innate habit stuck in his DNA.

"Nakatatlong ulit yata ng kanta. That's the duration," kalmado niyang sabi at binigay ang sa akin ang glass. Nilapag niya ang bote sa malawak na epasyo ng rim.

Ugong ng katahimikan ng condo at mahinang tunog ng tubig ang naghari na ingay nang pinatay niya ang music na kanina pa pala nagpaulit-ulit. I didn't shuffle the playlist and had the song on repeat instead.

"Nag-usap kami ng mommy mo," pahayag ko.

Inubos ko ang wine at pinatabi ang merlot sa bottle. Tiningala ko siya upang tunghayan ang reaksyon nito. I lied to him a while ago, kaya inaasahan kong hindi siya magiging kasing kalmado tulad ngayon.

Kinuha ko ang kanyang kamay at pagsisiklupin na sana iyon ngunit naudlot nang dinala niya ito sa kanyang pisngi at hinigaan ang aking palad.

"Anong pinag-usapan niyo?" kalmado pa rin ang tono niya. Sa namumungay niyang mga mata, hindi ko alam kung dahil ba sa pagod siya o inaakit ako na walang paghihirap.

He's just probably tired. His hair is styled in an unruly manner, palatandaan na na-stress siya sa trabaho but it didn't do any faint damage to his beauty. Nakipagbuno ba siya sa ibang reporters sa Camp Crame kaya ganyan siya kapagod?

Sa hindi ko agad pagsagot, he took my silence the wrong way. He tensed. His eyes widened and panic never dared to hide.

"Please tell me you're not..." Taranta siyang umiling. "Not again, Davina," nanginig ang kanyang boses .

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon