FORTY

60.1K 2K 1.2K
                                    

Padapa akong nakahiga habang pinaparke ang paningin sa picture frame na nasa katabing mesa ng kama. It was during our last acquaintance party with Tori being Harley Quinn. Iyan ang binigay niya sa aking regalo noong birthday ko. I saw the same picture in her pink wallet.

Ramdam ko kung gaano kaikli ang buhay ngayong nawalan ako ng kaibigan. Losing Tori, I didn't just lose a best friend, I lost a sister.

Humalili sa kawalan ang paninisi ko sa sarili. What could have been happened had I not force her to go with me? Hindi pa man kami nagkakausap ni Nolan at ng mga Sanchez, alam kong ako ang isa sa mga sinisisi nila.

Tanggap ko. Inaako ko ang naging partisipasyon ko sa pagkawala niya.

Kung hindi lang responsable si Nolan na iuwi kaming ligtas, marahil siya ay ininom na rin iyon. Ngunit kahit anong gawin naming pag-iingat, we can never defy death. It comes when it's time. We can never do a bargain.

May ilegal na kemikal sa ininom ni Tori nang gabing iyon. Hinahamog man ang alalaa ko dahil nga sa alak, I'm sure I gave her something that aggravated her condition. She wasn't a lone victim.

Ayaw ko pang magsalita noong una dahil sa panghihina at pagluluksa ngunit hindi rin naman mabibigyan ng hustiysa ang pagkawala niya kung hindi ako magpapahayag. Pagkatapos noon, dinistansiya ko ang sarili sa pamilya niya. I don't think they'd like to see me.

Binaon ko ang mukha sa unan at napakuyumos sa kumot nang maalala ang sinabi ni Nolan sa labas ng morge.

"Alam mo ba ang sinabi ng doktor?" nanghahapos na hiningang wika niya.

Ayaw ko siyang tignan. Ayaw kong tignan ang mukha ng mga taong labis na naapektuhan sa ginawa ko. Tono pa lang ni Nolan ay parang binibiyak na ang puso ko, ano pa kaya't makikita ko ang pighati sa mukha niya?

"Ano...?" Isang salita at hirap akong ilabas ito sa naninikip kong dibdib.

Ilang segundong katahimikan ang pinadaan niya at hindi ko pinaghandaan ang sunod niyang sinabi. Ikinahinto ito ng mundo ko.

"She's pregnant." Nabasag ang boses niya.

Matalim na singhap ang ginawa ko. Bumagsak ang luha kasabay ang pagguho sa akin ng pagsisisi. I'm a big part of the blame.

"Two lives, Vin..." Tinago niya ang mukha sa pagitan ng mga tuhod at sabay ang pagpapakawala ng hikbi. Lumakas iyon at naging hagulhol at hindi ko kinayang masabayan siya. Nasasaktan ako para sa kanilang dalawa.

The cost of my selfishness is the death of two lives. God, send me to hell now. Or the forever guilt would be my own version of hell.

"Blame me...kung hindi ko kayo pinilit—"

"Stop," agap niya. "She's dead. Blaming someone can't bring her back to life again. So stop, Vin," iyak niya sa mariing tinig.

Tumango ako at nagpinid ng bibig. Walang mabulaklak na salita ang makakapagpagaan sa pagluluksa namin. Sumiksik ako sa sariling espasyo at niyakap na lang ulit ang hinagpis na agaran akong sinuklian.

"Vin, Kumain ka na..."

Hindi ako nag-angat sa tawag ni Jaxon. Nagbabara man ang ilong ay naamoy ko ang niluto niyang sopas ngunit wala akong gana.

Tatlong araw mula sa ospital ay nagkukulong ako sa bahay, hindi na pumapasok sa tattoo parlor at ni hindi ko kayang pumunta sa lamay ng kaibigan. I don't even want to acknowledge her passing.

Pakiramdam ko wala akong karapatang magsaya. Parang kahapon lang ay doon kami nabubuhay sa kasiyahang iyon, tapos bigla na lang babawiin. Hindi yata ako paborito ng Panginoon upang patagalin ang pananatili ng kaligayahan.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon