THIRTY

66.9K 2.1K 1K
                                    

Nakatulugan ko ang pag-iyak. Mahapdi pa rin ang namamaga kong mga mata na binabalot ng itim na eyeshadow at eyeliner. Sa aga kong nagising ay ako ang nakapagbukas ng parlor alas siyete pa lang nang umaga.

In retrospect, I know I came across as immature the way I acted last night. But do I have to witness more of their professed love to each other? Not all negative reactions are bad; Anger, denial, defense mechanisms...sometimes we all have to take in all of these to take a breather. I just had mine.

Malalim ang atensyon ko sa binabakas na guhit sa kayumangging balat. Ang timpla ng ugong ng tattoo gun at kantang pinapatugtog ni Angelov galing sa kanyang workroom ay nilulubog ang mga alaala ko kagabi.

This is good. This is where I belong. Ngunit sa komportableng hatid sa akin kung nasaan ako ngayon ay pinapaalalahanan naman ako sa makapal na tensyong bumalot sa marangyang bahay nila Jaxon.

Siguro kinukumpara lang ng sarili ko ang pagkakaiba, at the same time, nilulugar ako nito kung saan ako karapatdapat.

There's this odd invisible string that hauls you to where you feel more comfortable. Maybe it's instinct? Or baka iyon lang ang nakasanayan mo.

I was a stranger there. I was no one. Here is my place.This is where I should only be.

"Face down in the dirt she said, 'This doesn't hurt!' she said, 'I finally had enough!' " Nakikipagkompetensya sa stereo ang boses ni Charlie mula sa counter.

Ramdam ko ang pag-inat ng tuyo kong labi sa ginawang pagngiti. Tiningala ko ang binatilyo na kalma lamang natutulog, sanay na sa karayom base sa rami na ring mga tatak sa kabila niyang braso.

Hindi man lang siya kumislot niisang beses kahit sinadya kong idiin ang karayom. Matibay. Wait ko lang kapag ma-brokenhearted ka, kuya.

Ilang shadings saka ako natapos. Pinakawalan ko ang pigil na hininga saka pinunasan ang nag-excess na ink sa balat. Nang makuntento ay tumayo na ako.

"Okay na, kuya." Tinanggal ko ang plug sa power supply at nirolyo ang wire.

Gumising na si boy tulog at tinignan ang gawa ko sa malaking salamin na inookupahan ang buong isang pader.

"Ayos..." aniya.

I should just be contented with this. Iyong nasa-satisfy ang mga customers sa gawa ko, dapat kuntento na rin ako. It's a fulfillment to have done your part very well lalo na kapag nag-iiwan sila ng tip.

Kung ano mang kahulugan nila sa pagbibigay nun, para sa akin ay nagustuhan nila ang ginawa ko. That's an indirect compliment. I've done the job way beyond their expectations.

Hindi man kalakihang trabaho ang pagta-tattoo, sa simpleng bagay na nangyayari ay may magiging impact naman sa buhay mo. You hear their stories. You learn lessons. It's not solely on how monumental or modest the job is, it's on the experience, the environment and on how it would influence you.

Lumabas na ang customer at narinig ko ang pagbabayad niya kay Charlie.

Ngayong wala akong ginagawa at hindi masyadong okupado, mas napagtutuunan ko ang aking panghihina. Mukhang galing ako sa sakit dahil sa panlalambot ng aking mga buto. Crying is exhausting.

Sa fading in effect bilang pagtatapos ng kanta sa stereo, pumalit ang lagapak ng pinto ng kotse. Sumilip ako sa bintana, inaasahan ang bagong dating na customer. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang paglabas ni Jaxon sa Tesla sabay tanggal sa kanyang clubmasters.

Sa isang iglap ay iniwan ko ang aking ginagawa at walang pagdadalawang isip na lumabas ng workroom.

"Charlie! Sabihin mo wala ako!" taranta kong sigaw.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon