FORTY SEVEN

67.8K 1.9K 314
                                    

"Hindi na ako tumuloy diyan sa New York. I almost forgot that I have to attend this grand ball with the other executives. At ngayon pa lang ako makakadalo kaya pinagbigyan ko na."

Kunot noo akong nakaharap sa PC screen kung saan ka-Skype ko si papa. Madilim ang background so baka kakarating lang niya galing sa ball. He's still untying his necktie.

"You seem tired, Pa. I'll just talk to you tomorrow so you can rest."

"No, it's okay." Sumenyas siya at umiling. Kinusot niya ang mga mata. Nilihim ko ang ngiti nang pinigilan niya ang paghihikab. "Hindi pa naman ako inaantok. So what made you video call me?'

Hindi agad ako nakasagot dahil ang atensyon ko'y nasa boots kong hirap akong ipasok sa aking paa. Papa noticed my annoyed face kaya nagtaka na siya.

"Okay ka lang, Davina?"

"Yes, wait..." My voice strained sa pagpilit kong isiksik ang aking paa sa ankle boots. Bakit ba hindi na 'to magkasya? Tumutubo yata 'tong paa ko kada taon.

Binagsak ko na ang boots at inis na tumayo. Binuksan ko ang shoe closet at hinanap ang isa ko pang knee-high boots nang inagaw ng kung ano ang gilid ng aking paningin.

A sinking feeling surfaced in my chest. Umakyat ang pangungulila at tuluyan nang binaon ang inis sa limot.

Umingit ang closet nang binitawan ko ang handle. Bumulong ang paa ko sa puting sheepskin rug sa mabagal kong paghakbang. May pag-aalinlangan kong kinuha ang bagay na iyon. The Doc Martens boots. His birthday present for me. Ito ang isa sa mga bagay na dinala ko rito. Hindi ko ito maiwan-iwan. This is the only physical holdover I have from him.

Bumalik ako sa cube chair at saglit pang sinuri ang boots bago ito sinuot. They still perfectly fit in my feet like a puzzle.

Saglit nag-angat ng mukha si papa mula sa binabasa sa cellphone. He told me to wait dahil tutugunin pa niya ang katext. Inayos niya ang kanyang crescent-shape eyeglasses bago nagtipa.

"Pa..." may pag-aatubili sa aking tono.

"Hm?"

"Babalik ako ng Pilipinas."

Natilihan siya at gulat akong nilinga. I could have laughed at his expression kung hindi lang kami seryoso ngayon. Unti-unti siyang nagpakawala ng tawa at tuluyan nang nabalewala ang pagtitipa sa cellphone.

Nilapit niya ang screen sa kanya kaya inokupahan tuloy ng buong mukha niya ang screen ko.

"Finally natauhan ka na rin! Ni sumilip man lang sa Pilipinas ay hindi mo nagawa. What possessed you to come back here?" This is great news for him.

Ngumuso ako't napaikot sa aking mga mata. "It's Lionel's fault. He and his blogger friends were invited in a blogger-related event in the Philippines. He bought a one way ticket for me. Ako yata ang pagbabayarin niya ng ticket pabalik dito!"

Humalakhak si papa. "I gotta like that kid. Siguro naisip niya that you have to stay here for good."

"For good!" bulalas ko. "Pa, no—"

Nagitla ako sa biglang pagtalon ni Woodrow paakyat sa kandungan ko. My angel white Persian cat then curled himself in my lap to hibernate against the cold weather.

"Davina, you have to go home. Para na rin kung nais kitang bisitahin ay malapit na lang ang liliparin ko."

Pinagisipan ko rin ang sinabi niya habang hinahaplos ang pusa ko. I only find the chance of thinking about this now dahil noong tinatanong ako ni papa kung kailan ako babalik, it always resulted to No with a head shake without even thinking about it. Para bang naka-autopilot ako sa mga sandaling iyon.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon