Chapter 1: Grave University

30.2K 870 116
                                    


Iceah POV

Nakasakay ako ngayon sa kotse patungong GU or Grave University. Base sa narinig ko puro gangsters daw ang mga nag-aaral dun.
Tsk gangsters my face puro pasikat lang naman ang mga 'yan.
Mga taong trying hard na nagsusuot ng mga luwag na damit.
Naglalagay ng hikaw sa iba't-ibang parte ng katawan o tattoo para magmukhang astig.

Pero kapag nakahanap na ng kaaway parang mga runners sa Olympics dahil sa bilis tumakbo.
Mas malakas pa nga ang daga kaysa sa mga 'yan dahil at least ang daga marunong lumaban. Eh sila hanggang takbo lang ang kaya.

Kung hindi lang naman kasi talaga dahil sa impokrita na babaeng 'yon ay hindi sana ako magtratransfer sa basurang GU na 'yan.

Masyado kasing insecure ang babae na 'yon kaya pinalayas talaga ako sa sarili kong bahay.

Ang kapal talaga ng mukha,
natalbugan yata nun ang Webster dictionary sa kapal eh.

"Miss Ice nandito na po tayo pumasok na po kayo." sabi ni Mang Gary. Isa siya sa taong pinagkatiwalaan ko bukod sa parents ko.

Ngumiti ako ng tipid dito at lumabas na ng kotse.

"Ingat po kayo Miss Ice."
Tumango lang ako dito at tiningnan ang kabuuan ng university.

Para itong hindi paaralan dahil sa nakakatakot nitong disenyo.
Ang gate nito ay may naka-ukit na bungo ng tao at buto.
Sa gilid naman ay may sign board or should I say lapida na may nakasulat na Welcome to Hell.
Napakunot ang noo ko sa nabasa. Bakit welcome to hell eh Grave University ang pangalan ng paaralan na 'to.

Tsk mga pauso talaga, masyadong oa.
Napa-iling na lang ako at naglakad papasok.

Habang naglalakad papuntang Dean's Office ay marami ang nagtitinginan at nagbubulungan.

"Looks like may bago na namang dating." Prostitute 1
Naghirap ba sa tela ang babaeng ito? Ang ikli ng skirt at ang t-shirt naman ay butas-butas, tsk nagbikini na lang sana ito ganun lang rin naman ang kalabasan.

"Yeah may bago na naman tayong laruan." P2

"She's fucking hot!" Unggoy 1

"Im sure tol magaling 'yan sa kama haha." Unggoy 2

Tch annoying. Sarap pugutan ng ulo.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Pagkarating ko sa Deans Office/ Headmaster ay nakita ko kaagad ang isang babaeng nakaupo at may hawak na ballpen.
Violet ang buhok niya na hanggang balikat ang haba at isang tingin mo lang sa kanya mararamdaman mo talaga ang kakaibang aura.

"Ehem,"

"Ohh Miss Agami have a sit.''

"Here's your schedule and your dorm number. And Miss I want you to know that once nakapasok ka na sa paaralang ito ay hindi ka na makakalabas pa unless kung patay ka na, so Miss Agami I hope hindi ka magsisi. Enjoy and welcome to Grave University."Saad nito habang may malademonyong ngiti sa labi.

Hindi na ako nagulat sa sinabi nya. Alam kong hindi na ako makakalabas ng buhay dito.

GU is not an ordinary school pangalan pa lang nakakatakot na.

Pero hindi ako nagsisisi na pumasok dito, choice ko 'to at isa pa wala na namang silbi ang buhay ko.

Tumango lang ako dito at naglakad na palabas.

Habang naglalakad ako patungong dorm ay kitang kita ko ang mga estudyanteng nagbugbugan at nagpatayan.

No wonder ang school na ito ay parang binagyo sa dumi at kalat.
Ang daming mga basag na glass window at mga basura sa paligid.
Isama mo pa ang mga pader at pasilyo na puno ng dugo.
This school is really interesting.

Napadako ang tingin ko sa apat na lalaking dumaan. Sa isang tingin mo pa lang sa kanila mararamdaman mo talaga ang kakaibang kilabot.
They have the looks that makes you shivered.
Ang angas ng dating nila, may hikaw sa dalawang tenga at may tattoo na agila sa kanang braso.

Hindi na nakapagtataka kung ang mga nagbugbugan kanina ay nagsihinto at dali-daling pumasok sa kanilang dorm.

Sa tingin ko sila ang tinitingalang mga hari dito.

I wonder kung meron din bang mga reyna.
Reynang mukha puro harina.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Pero bago iyon ay nakita ko pa ang isang lalaking nakatingin sa akin.
Sa tingin ko siya ang pinuno ng apat na lalaki, siya kasi ang may mas kakaibang aura.
Ewan ko pero may napapansin akong kakaiba sa tingin niya hindi ko lang masabi kung ano.

Nagkibit-balikat na lang ako at naglakad na paalis.

Pagkarating ko sa dorm ay nag-ayos kaagad ako ng gamit.
Bukas na lang ako papasok, geez kapagod.
Simula bukas I'm sure hindi na maging normal ang buhay ko.
Simula palang kasi sa simula hindi na normal ang buhay ko.
Maraming gustong pumatay sa akin sa hindi malaman na dahilan. At ngayon sa loob ng eskwelahan na ito sigurado akong maraming gulo ang dadating.
Alam ko 'yan kasi kahit saan ako magpunta hindi ako tatantanan ni kamatayan.

Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang kumalam ang sikmura ko. Binilisan ko ang pag-aayos ng gamit at pumunta na ng cafeteria para kumain.

Malapit na ako sa cafeteria nang may biglang bumangga sa balikat ko.

The fuck!

"Shit watch your step bitch." Jerk

The hell ako pa ngayon ang may kasalanan eh siya lang naman itong tangang hindi tumitingin sa daan.

What a jerk!

Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Rinig ko pa nga ang sigaw nya ehh.

"Ugh hindi pa tayo tapos!"

Tsk talagang hindi pa tayo tapos wala pa nga tayong nasimulan tss.

Pagkarating ko ay bumili kaagad ako ng Carbonara at Guava juice.

Habang kumakain ay may biglang lumapit sa akin na isang babaeng nakasalamin.

I can say that she's cute pero I dont like her. I dont like her to be my friend. She's too weak.

"Hi I'm Jena you're the transferee right?"
Alam naman pala nagtanong pa tsk.
"Err what's your name pala?"

"Iceah,"

"Nice name so ahm can you be my friend? Ahh no, let me reconstruct it be my friend."

"No,"

I don't need a friend, kaya ko na ang sarili ko.

"I don't take no as an answer."

"I don't care, excuse me."

Sabi ko at tumayo na, nakailang hakbang palang ako nang sumigaw sya.

"Hey Iceah whether you like it or not you're now my friend."

Tss desperate.

Hindi ko na lang sya nilingon at naglakad na paalis.

Kailangan ko na palang magpahinga, may pasok pa ako bukas.

What a life!

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now