Chapter 8: The curious Frost

10K 483 23
                                    

Someone's POV

"Confirm po Master sya nga ang babaeng 'yon." sabi ng isa sa mga tauhan ko.

"Ok bantayan niyo lang ang bawat kilos nya at kung may mapapansin kayong kakaiba, sabihin nyo kaagad sa akin."
Sabi ko dito habang nakatingin sa litrato ng isang babae.

"Masusunod po Master."
Sagot nito at naglakad na palabas.

Magkikita na rin tayo Akashi maghintay ka lang at susunod ka rin sa mga magulang mo sa hukay, sisiguraduhin kong hindi ka na makakaligtas pa sa pagkakataong ito.

Iceah POV

Napatingin ako sa may gilid nang may narinig akong kaluskos.
Pero wala akong nakita.
Nandito nga pala ako sa may rooftop as usual nagcutting na naman sa klase.
Kapagod kasing makinig sa mga lectures ng guro na paulit-ulit na lang, nakakasawa.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang wala akong makitang tao sa paligid.
Pusa lang siguro.

"What are you doing here?"

Binabawi ko na hindi pala pusa kundi unggoy.
Unggoy na ubod ng tanga.

"Baka nagswi-swimming ano sa palagay mo?"

Matalino ba talaga ang lalaking 'to? Obvious na ngang nakaupo nagtanong pa talaga.

"Tinatanong kita ng maayos."
Inis na sambit nito.

"Bakit ano bang mali sa sagot ko?"
Inosente kong tanong dito.

"Urgh, namumuro na talaga ako sayong babae ka."

"Wala akong pakialam."
Bahala sya diyan.
Wala ako sa mood ngayon para makipagtalo.

"This place is forbidden, walang sinuman ang pwedeng pumunta dito."
Hindi ba 'to napapagod sa kasisigaw? Ayos ha. At kailan pa naging forbidden ang pagtambay sa rooftop? Mga pauso talaga ng taong 'to.

"Ahh talaga okey."
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad.
Hahanap na lang ako ng tahimik na lugar kung saan walang epal na unggoy.

"Where do you think you're going?"

"Aalis na bawal dito hindi ba?"
Sagot ko habang nakatalikod.

"Wait I just wanna ask you something."
Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Kung tungkol 'yan sa nangyari kagabi wala akong maisasagot sayo."
Bored kung sagot dito.
Wala akong balak sabihin sa kanya ang lahat.
Dahil baka mas lalong mapadali ang buhay ko.
Alam kong may nagmamatyag sa bawat galaw ko kaya hangga't maari dapat walang makakaalam.

"Sino ka ba talaga? At ano ang kailangan nila sayo?"
Mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa balikat ko.

"Ako si Iceah Black Agami at hindi mo kailanman magugustuhan ang mga bagay na malalaman mo tungkol sa akin." tanging sagot ko dito. Inalis ko ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa balikat ko at nagsimula ng maglakad paalis.

Alam kong hindi nya magugustuhan ang tungkol sa nakaraan ko kapag nalaman nya.
At alam kong ang pagpasok ko sa paaralang ito ay isang pagkakamali dahil sigurado akong nasa loob lang ng lugar na ito ang mga taong 'yon.

Napahinto ako sa paglalakad nang may naramdaman akong may sumusunod sa akin.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid pero wala akong nakita.

Magaling nga talagang magtago ang mga tauhan nya. Tsk

Ang tao nga pa lang gustong pumatay sa akin ay hindi ko kilala ang tanging alam ko lang ay master ang tawag sa kanya sa loob ng organisasyon.
At siya ang kaisa-isang taong pumatay sa mga magulang at kapatid ko.

Kaya nga naman kailangan kong magdoble ingat. Lalo na't sumama pa si Trixia sa problema ko.
Alam kong nandiyan lang siya sa paligid dahil halos gabi-gabi may bumubulong sa tenga ko at alam kong boses niya 'yon.
Kailangan kong maging alerto dahil baka sa isang iglap lang nakahandusay na ako sa sahig.

Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula ng maglakad patungo sa dorm para magpahinga.

______________

A/N
Sorry kung lame yung update wala na talagang laman yung utak ko huhuhu pasensya na po talaga..

Sana suportahan nyo parin ang story na to

Salamat at pasensya na po ulit^.^v

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon