Chapter 16: Assassin?

8.7K 404 15
                                    

(Si Luis po yung nasa multimedia:))

Nanatili pa rin akong nakaupo at nakatingin sa kabaong nang bumukas ang pinto at pumasok si Jena.

Bakas sa mukha nito ang pagtataka habang papalapit sa direksyon ko.

"Ice kaninong kabaong 'yan?"
Tanong into.

"Para sayo,"

"Hah bakit patay na ba ako?"
Tsk tanga nga naman. Ang daling maniwala.

"Tsk tulungan mo na lang akong itapon 'yan kung ayaw mong ipasok kita diyan." Bored kong sabi dito.

Nanlaki naman bigla ang mata nito sa sinabi ko.

"Ah--haha wag naman Ice ayaw ko pang mamatay, halika ka na nga itapon na natin 'to."

Tss duwag.

Lumapit ako sa gilid ng kabaong at si Jena naman sa kabila.
Puta bakit ang bigat nito. Mababali yata ang buto ko nito.
May sugat pa nga pala ako sa paa.
Tsk sagabal.
Hinarap ko si Jena at mukhang nabibigatan din siya.

"Jena ako sa unahan at ikaw sa likuran mahirap na tanga ka pa naman baka may makakita pa sa atin."

Tumingin ito sa gawi ko habang nakapout. Tsk gross.
"Grabe ka naman Ice hindi naman ako tanga nuh, may pagkatanga lang pero hindi masyado."

"Tch pareho pa rin 'yan."
Sagot ko dito at naglakad palabas para tingnan kung may tao ba o wala.
Nang masisigurado ko na wala ay pumasok ulit ako sa dorm.

"Let's go."
Tumango naman ito at nagsimula ng magbuhat. Kita ko sa mukha nito ang paghihirap nang makalabas na kami ng kwarto.

Sa hagdanan kami dumaan para sigurado na walang makakita sa amin.
Nasa first floor na kami nang biglang bumitaw si Jena kaya naman muntik na akong matumba.

"Ice hindi ko na kaya, sakit na ng kamay ko."
Sabi nito at pinunasan ang pawis sa mukha gamit ang kaliwang kamay.

"Okey umalis ka na."

"Hah bakit kaya mo bang buhatin 'yan."

"Tch ayaw mo na hindi ba? Kaya umalis ka na."

Napayuko naman ito sa sinabi ko at napabuntong hininga.
Tch ano na naman ba ang problema ng babae na 'to.

Nakita kong umangat ang kabilang sulok ng labi nito, parang ngumiti pero agad ding nawala nang iniangat nito ang ulo at tumingin sa akin. Psh guni-guni ko lang siguro 'yon.

"Sigurado ka Ice? Hmm geh ingat."
Saad nito at tumalikod. Nakatanaw lang ako dito hanggang mawala na ito sa paningin ko.

Nakakapanibago talaga si Jena ngayong araw na 'to.
I thought kukulitin nya ako kasi ganun naman siya palagi hilig mangulit pero hindi. Siguro pagod lang talaga 'yon.

Napailing na lang ako at sinimulang buhatin ang kabaong.
Nakailang hakbang pa lang ako nang maramdaman ko na parang gumaan ang binuhat ko.

"Ang bigat nito ah nakaya mo talaga 'tong buhatin hanggang dito."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Luis na nakangiting nakatingin sa akin habang nakahawak sa kabilang bahagi ng kabaong. Tss kaya naman pala biglang gumaan.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Mr. Vivaldi?"
Tanong ko dito.

"Hah ah tinutulungan ka."

Tiningnan ko siya habang nakakunot ang noo. Paano niya ako nakita eh wala naman tao dito kanina. Ang lugar na 'to ay nasa kasulok-sulokan ng university kaya alam kong walang estudyante na dadaan dito.
Kaya nagtataka talaga ako kung papaano napunta ang lalaki na 'to dito. Sinusundan niya ba ako?

"Sinusundan mo ba ako?"

"Hah? Ah eh wala, bakit naman kita susundan? Nakita lang talaga kita dito."

Psh.

"Umalis ka na."
Saad ko dito. Pero mukhang matigas talaga ang ulo ng lalaki na 'to dahil imbis na umalis ay binuhat nito ang kabaong at naunang maglakad.

"Mr. Vivaldi hindi mo ba ako narinig?"

Lumingon ito sa akin at ngumiti.
"Iceah masyado kang pormal tawagin mo na lang akong Luis at siyanga pala saan mo dadalhin 'to?"

Fuck hindi ba nito narinig ang sinasabi ko?

"Mr. Vivaldi ang sabi k--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla itong nagsalita. Tsk walang modo.

"Please Iceah I just want to help you at isa pa may sugat ka sa paa."

Well tama siya doon. Pero mapagkakatiwalaan ko ba ang taong 'to? Baka mamaya isa siya sa kanila.

"Can I trust you?"
Tanong ko at tiningnan ito ng diritso sa mata.

"Oo naman, you can trust me Iceah."

Mukhang sincere naman siya sa sinasabi niya kaya tumango ako dito bilang pagsang-ayon. Subukan niya lang akong lokohin pupugutan ko talaga siya ng ulo.

Naglakad na ako habang nasa likuran ko si Luis.

Ilang sandali pa ay nandito na kami sa likod ng university.

"Ilagay mo na lang 'yan diyan."

Tumango naman ito at ngumiti. Inirapan ko lang ito at kumuha ng mga lumang sako at itinabon iyon sa kabaong.

"Saan nga pala galing ang kabaong na 'yan Iceah?"
Tch ang tsismoso pala ng lalaki na 'to.

Tiningnan ko lang ito at nilibot ang paningin sa paligid. Parang may nagmamasid. May nararamdaman akong kakaibang aura. Tiningnan ko si Luis pero nanatili lang itong nakatayo. Wala ba itong napansin?

Lihim akong napamura sa isip nang may dalawampung lalaki na may takip sa mukha ang nagsilabasan mula sa madilim na bahagi ng universidad. Ano 'to assassin? Pero bakit ang pupula ng mga mata nila? Kasamahan ba nila si Trixia?

Fuck ganyan ba sila ka atat na mapatay ako?

Napatingin ako kay Luis ng unti-unti itong naglalakad palapit sa akin. Tsk duwag.
Hindi ba 'to marunong makigpaglaban?
Napahinto ako sa pag-iisip nang bigla akong itinulak ni Luis. Sisigawan ko sana siya ng makita ko ang isang dagger na nakabaon sa isang kahoy kung saan ako nakatayo kanina. Kung hindi niya pala ako naitulak siguradong sa dibdib ko tumusok ang dagger na 'yan.

Bigla akong napailag ulit nang may dagger na naman ang papalapit sa akin. Fuck bakit laging dagger ang inihagis nila wala ba silang shuriken? Ang poor naman.

Napalingon ako kay Luis nang marinig ko siyang dumaing. Kumulo ang dugo ko nang may sugat siya sa kamay at kaliwang paa. Tangina ito ba ang ibig niyang sabihin sa sulat na 'yon? Pero bakit pati ang taong 'to dinamay niya? Ni hindi ko nga 'to kaibigan ehh. Puta na taong 'yon.

Napaatras ako bigla nang may sampung lalaki ang papalapit sa akin. Parang nangyari na 'to dati.
Hindi ko lang maalala kung saan.

"Iceah mag-iingat ka,"
Napailing na lang ako. Tsk siya nga ang dapat mag-ingat kasi may sugat na siya sa kamay at paa. Walang utak.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga lalaking nakapalibot sa akin ngayon.

Ilang saglit pa ay sabay-sabay silang sumugod sa akin.
Iniyuko ko ang ulo ko nang may katana na papalapit sa akin. Akmang susugud ito ulit pero tinadyakan ko ang paa nito kaya napaupo ito at nabitawan ang dalang katana. Kinuha ko ito at pinutol ang kanyang ulo.
Tsk weak.

At last nakawak na rin uli ako ng katana. Matagal na rin mula ng nakahawak ako nito.

Ngumisi ako at humarap sa siyam na lalaking nasa harap ko na ngayon ay nanlaki ang mga mata.

"Who's next?"

--------

A/N

Ok stop muna haha sakit na ng kamay ko eh. Pabitin muna ako ng konti:D

Sana nagustuhan niyo ang chap. Na to.

Dedicated nga pala ang chapter na to kay missVIO14 :)
Sana magustuhan mo ang chap. nato.

Enjoy reading guys
Please vote and comments:)

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now