Chapter 31: Save her

5.6K 182 31
                                    

(Picture of Kyle🔝🔝🔝)

------------
Frost's POV

Fuck!

Who's this man?
Is he one of them?

"Noir,"

Noir? Kilala ni Jericho ang lalaking 'to?
Lumingon ako sa gawi ni Rick para magtanong sana kaya lang tinakpan ni Kyle ang bibig ko.

"Itikom mo muna 'yang bibig mo Frost, mamaya ka na magtanong."

Ano ba ang problema ng Kyle na 'to? May galit yata sa bibig ko eh.

"Tss,"

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harapan at tiningnan ng maigi ang lalaki.
Parang may kamukha siya, hindi ko lang masabi kung sino.
His face seems so familiar.

"Noir anong ibig-sabihin nito?"

Ano ba ang sinasabi ng Rick na 'to?
Kilala ba talaga nila ang isa't-isa?

"Pasensya na Jericho, sumusunod lang ako sa utos ng nakakataas.''

Nakakataas? So ibig-sabihin ba nito inutusan siya ni Azazel/Blood para patayin kami? Pero bakit parang ang dami yatang alam ni Jericho?
Utusan din ba siya? Kasamahan din ba niya ang lalaking 'to?
Fuck, ano ba ang nangyayari?

"Teka Jericho magkakilala kayo?"
Rinig kong tanong ni Ace.

Hindi kami nakarinig ng sagot mula sa kanya, bagkos ay tumingin ito sa lalaki.

"You can't do this Noir, paano----"

"I can Jericho, I can."

Nakita kong naikuyom ni Rick ang dalawang kamay niya.
Matalim itong tumingin sa lalaki na ngayon ay nakangisi.

"Pasensya na kaibigan pero kailangan na namin kayong patahimikin."

Teka anong----

"Kill them,"

Parang umurong ang dila ko nang nagsilabasan ang pangil at naging pula ang mga mata ng tatlong Vimsters.

Kahit natatakot ay hinanda ko ang dala kong katana.
Lumingon ako sa gawi nila Ace, napailing ako nang makita kong nagtatago si Ace sa likod ni Kyle.
Napakaduwag talaga ng lalaking 'to kahit kailan.

"Kyle ipagtanggol mo ako mula sa mga halimaw na 'yan ha? Huhu Kyle ayaw ko pang mamatay."

"Shut up Ace, kung ayaw mong ikaw ang una kong patayin."

"Ehh kuya Kyle,"

Ang isip bata talaga, buti nakatagal sa kanya si Kyle.

"Tsk,"
Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa tatlong Vimsters na nasa harapan.

Ilang sandali pa ay mabilis na lumundag sa direksyon ko ang isa.

Dahil sa bilis ay napahiga ako sa semento. Akmang hahawakan ako nito pero mabilis kong pinutol ang kanang kamay niya. May tumalsik na dugo sa mukha ko. Pinunasan ko ito at tumayo.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa harapan. Kita ko ang galit sa mga mata nito. Halos manlaki ang mata ko nang tumataas lalo ang kuko ng mga kamay nito.

Hinawakan nito ang isang bakal at inihampas sa akin. Mabilis kong inilag ang ulo ko para hindi matamaan. Nang may nakita akong pagkakataon ay itinapon ko ang flashlight na hawak ko kaya napunta doon ang atensyon niya. Mabilis akong tumakbo papunta dito para sana putulin ang ulo niya nang bigla itong lumingon sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa leeg. Nabitawan ko ang dala kong katana nang dahan-dahan niya akong iniangat sa ere.

"Ackhhh fuck y--,"

Pakiramdam ko parang mababali na ang leeg ko sa higpit.
Nagpumiglas ako pero hindi man lang ito natinag.
Pilit kong inalis ang pagkakawak niya sa leeg ko pero hindi ko kaya dahil sa lakas niya.
Unti-unti na akong nawalan ng pag-asa nang hindi na ako makahinga. Lahat ng dugo ko ay parang napunta lahat sa ulo ko. Sobrang bigat ng pakiramdam.

"Fuck Frost! Kyle tulungan mo siya!"
Rinig kong sigaw ni Jericho.

"J--j--jer---"

Ang hina na ng katawan ko. May gusto akong sabihin pero hindi ko kayang magsalita. Para na akong mamatay. Hindi na masyadong malinaw ang paningin ko.

At ang puso ko, ang puso ko parang isang maling galaw ko lang ay mawawala na sa katawan ko. Parang may humuhugot nito mula sa ilalim.
Ang sakit, sa sobrang sakit ay parang gusto ko ng mamatay. Hindi ko na kaya. Gusto ko ng magpahinga.

"Frost! Wag kang pipikit."

Pilit kong iminulat ang mata ko nang may narinig akong boses. Kahit nahihirapan ay lumingon ako sa likuran.
Nakita si Kyle na pilit lumapit sa kinaroroonan ko.
Napangiti ako nang mapakla nang makita ko siya kung paano makipaglaban sa isang Vimster.

Kahit nahihirapan, kahit ang sakit na ng leeg ko ay pilit kong ibinuka ang bibig ko para magsalita. Kung dito man matatapos ang buhay ko, buong-puso ko 'yung tatanggapin basta't may magliligtas sa kanya.

"K--kyle, i-i-iligtas niyo siya, i-i-iligtas n-n-niyo si Black."

Iligtas niyo ang babaeng mahal ko, pakiusap.













A/N: ano kaya ang mangyayari? Mamatay ba si Frost? Mailigtas pa kaya si Iceah?
Ano sa tingin niyo?

------

I'm sorry if ang short ng update na'to babawi na Lang ako sa susunod^^

Enjoy reading!

Votes and comments are highly appreciated.

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now