Chapter 29: Marry him?

6.3K 204 18
                                    

(Second picture of Top/Luis🔝🔝🔝🔝)

--------------------------

Iceah's POV

Ba---b--bakit?

Ano ang ginagawa niya dito?

"Hi Iceah,"

Anong nangyayari?
Bakit nag-iba ang tinig ng boses niya?
He's not the Luis that I've known.
Ang Luis na kilala ko ay isang duwag at palangiti.
Pero bakit ganito---bakit?
Ibang-iba ang ngiti niya ngayon. Ang ngiti niya ay ngiti ng isang demonyo.

I can see pain and angry in his eyes.
But why?
Is it because hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanya?
O may iba pang dahilan?

"Bakit?"
Nalilitong kong tanong dito.

Hindi ko talaga maintindihan.
Paano siya napunta dito?
Ang layo ng lugar na'to sa GU kaya paano siya nakarating sa mala-impyernong lugar na ito na nasa pinakagitna ng kagubatan?

May kinalaman ba siya sa lahat ng mga nangyayari?
Isa ba siya sa kanila?

"Isn't it obvious? I'm here because this is my home."

His home?
So he's one of them?
Pumasok siya sa GU para manmanan ang kilos ko?
Wow just wow, matatalino rin pala ang mga kagaya nila.

Bakit hindi ko nahalata?
Tsk how stupid I am.

"How come? You're weak."

"Hahaha, is that so? Well you're wrong Iceah. I am strong more than anyone else."

That impossible.
Bakit noong nakipaglaban kami sa mga unggoy na 'yon sa likod ng school ay hindi siya lumaban? Part din ba 'yon ng acting niya?

Fantastic!

Ganyan ba talaga nila ako kagustong patayin at kailangan pa niyang saktan ang sarili niya?
They're crazy. He's totally crazy.

"You're unbelievable Mr. Vivaldi,"

"I know,"
Nakangiting sagot nito at dahan-dahang lumapit sa akin.
Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na semento sa likod ko.
Ibinaling ko ang tingin ko sa gilid dahil ayokong tumingin sa mga mata niya.
Kapag tumingin kasi ako sa mga mata niya, may kakaiba akong mararamdaman. Hindi ko alam kung ano pero alam kong hindi ito tama.

"Iceah,"

Napapikit ako nang hawakan niya ang pisngi ko.
Ang lamig ng mga kamay niya. Parang inilagay sa freezer ng isang linggo.

"Iceah, I can help you. I can convince them to keep you alive."

Nagpapatawa ba siya?
Well it's not funny.

Bakit niya ako tutulungan?
Siya nga ang nagdala sa akin sa impyerno na 'to.
Kaya bakit ako magtitiwala.

"Stop joking Mr. Vivaldi,"

"I'm not, I'm serious."

"You're not? Then ano ang kapalit? I'm sure may dahilan kung bakit mo ako gustong tulungan diba?"

Kung gusto niya akong tulungan, imposibleng walang kapalit. Hindi niya gagawin ang bagay na 'yon nang wala siyang makukuha. I know he's hiding something.

"You never failed to impress me Iceah, you're still smart as ever."

What is he talking about?
How could he say that when he only saw me twice?
Nagkita na ba kami noon?

"Well you're right, I'll help you if-----"

"If what?"

Ano ba talaga ang gusto niya?
Bakit hindi niya na lang sabihin sa akin ng diritso?
May pa-suspense pa siyang nalalaman eh.

Para akong nakuryente nang haplusin niya ang mukha ko at dahan-dahang iniharap sa kanya.

Tiningnan ko ang mga mata niya na puno ng halo-halong emosyon.
Kung hindi mo ito titingnan ng maigi masasabi mong he's strong and fierce.
Pero kung titingnan mo siya ng maigi ng malapitan sa mga mata niya, makikita mo ang lungkot at pangungulila.
Pero bakit siya malungkot?
Ano ang dahilan? Ako ba? Pero bakit?
God, this man drives me crazy.
Ang dami niyang sekreto.

"Kung sasabihin ko sayo, papayag ka ba?"

"Papayag na ano? Pwede bang sabihin mo na lang? Hindi ako manghuhula!"

Geez ano ba talaga ang gusto niyang sabihin at hindi niya kayang sabihin ng diritso?

"Look Iceah, I dont want them to kill you, so if you'll say yes, you'll be safe."

Say yes?
Perhaps is he asking me to----

No, no.
I can't.
Mas mabuti pang mamatay na lang ako.
Kaysa magpakasal sa isang tulad niya.

"Please marry me Iceah and be my queen."

"Youre kidding right?"

"No I'm serious."

Puta naman, ano ba ang pumasok sa kukute ng taong 'to?
Bakit niya ako gustong pakasalan?
May saltek ba siya sa utak?

"Ayoko, hindi ko alam kung anong demonyo ang sumanib sayo at sinabi mo 'yan. Stop wasting my time Mr. Vivaldi."

Napansin kong naikuyom niya ang kamao niya.
Biglang nanginig ang paa ko nang biglang naging pula ang mga mata niya. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso.

"You can't? Haha, I know you'll say that. I know you'll refused my offer kasi mahal mo siya diba? Mahal mo ang bwesit na Frost na 'yon! "

Napayuko ako dahil sa sinabi niya.
Mahal? Mahal ko ba talaga siya?
Ewan ko.
Hindi ko alam, hindi naman ako marunong magmahal. Matagal ng sirado ang puso ko para sa mga ganyan.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Mr. Vivaldi. Umalis ka na lang.''

Napakunot ang noo ko ng bigla siyang ngumiti. Ngiti na magdudulot sayo ng takot.
Nawala ang lungkot sa mga mata niya at napalitan ito ng poot at galit.

Para akong kandila na unti-unting nauupos dahil sa mga tingin niya.

"Youll regret this Iceah. Pagsisisihan mong tinanggihan mo ang alok ko. Dahil sa oras na 'to sisiguraduhin kong mapapatay ko siya. Papatayin ko ang lahat ng taong malalapit sayo. "



A/N: hello! Here's the UD po.
Sorry kung ngayon lang. Busy lang po talaga ako.

Sana magustuhan niyo.

Bdw thank you sa cover UnknownMyst ^^
Nagustuhan ko talaga siya ng sobra.. thank you^_^

Enjoy reading po!
Votes and comments are highly appreciated^^

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now