Chapter 2. Black Blood Gang

15.1K 643 100
                                    

Iceah POV

Naglalakad na ako ngayon papuntang classroom.
Geez late na talaga ako.

Kasalanan ito ng pisting alarm na 'yon ehh, hindi man lang nilakasan ang boses para magising ako tch.
Yan tuloy past 8:00am na akong nagising, wala talagang kwenta.

Ilang sandali pa ay nandito na ako sa harap ng room, hindi na ako nag-abala pang kumatok at basta na lang pumasok katamad ehh.

"You're late Miss, what took you so long? It's your first day for Pete's sake!"

Fuck, ang lakas ng boses ng impaktang 'to. Teacher ba talaga 'to o tindera sa palengke?

"I lost and can you shut your fucking mouth up? You're too loud." cold kong sambit dito. Nanlaki ang mata nito na nakatingin sa akin.

Tsk buti tumahimik din.
Oa naman kasi
syempre malelate ako, transferee nga ehh. Hindi ko pa nga alam ang mga pasikot-sikot dito.

"O-ok so--rry introduce yourself."
Pumunta na ako sa harapan para magpakilala alangan namang kumanta tss.

"Iceah Black Agami"

Pagkatapos kung magsalita ay nakita ko silang nakanganga. Tsk bakit ngayon lang ba sila nakarinig ng walang buhay na boses?

"A-a-ahh is that all?"

Tumango lang ako.

"Ok take your seat."

Umupo na ako malapit sa bintana. Mula rito kita ko ang ibang stupidents na nagbugbugan pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang apat na lalaki na walang awang binubugbog at pinagsasaksak ang tatlong lalaki. I think sila 'yong apat na lalaki na nakita ko kahapon.
So ganyan pala sila, nambubugbog.

Tsk boring naman, chinopchop na lang sana nila 'yan para may thrill.

Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang bell.

Hayy sa wakas lunch break na rin. Ang boring magturo ng teacher dito.

Maganda sana kung tungkol sa patayan.
Makikinig talaga ako kapag 'yon ang ituturo niya.

Nang tapos na akong magligpit ng gamit ay pumunta na ako sa cafeteria para kumain.

At kung minamalas ka nga naman nalaglag pa ang bag ko dahil sa tangang bumangga sa akin.

Great just great.

"Pulutin mo." cold kung sambit sa lalaking tanga na bumangga sa akin.

Tiningnan ko ito sa mukha, pero nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang lalaking nasa harapan.

Ang lalaking nakatayo sa harapan ko ay walang iba kundi ang lalaking matiim na nakatingin sa akin noong isang araw.
I can see the coldness in his eyes.
Nakaramdam ako ng kaba sa mga titig niya pero hindi ko pinahalata.

Muntik na akong mapalundag nang bigla itong nagsalita.

"Why would I? No one dares to command me freak."

"Well I dare, now pulutin mo."
May halong kaba na sagot ko dito pero hindi masyadong halata dahil sa walang buhay kong boses.

"Ok,"

Pinulot nya ang bag pero nang kunin ko na sana ay binitawan nya bigla.

Tangina ginagalit talaga ako ng lalaking 'to.

"Oops nadulas sa kamay ko."Sambit nito at ngumiti ng nakakaloko.

Peste! Nadulas nya mukha nya ehh obvious namang sinadya.

"Ginagalit mo ba talaga ako ha?"

"Well ganun na nga, ganti ko na rin iyon dahil tinakasan mo ako kahapon, so fair na tayo ngayon freak."sagot nito at ngumisi ng nakakaloko.

Tinakasan? So siya rin 'yong lalaki kahapon?
Kaya naman pala.

"Really?*sabay kuha sa bag* well now * suntok sa mukha* we're fair!"
Sabi ko at mabilis na umalis, rinig na rinig ko pa nga ang sigaw nya.

"Come back here freak!"
Hindi ako lumingon, bahala siya diyan. Pumunta na lang kaagad ako sa counter para bumili ng makakain.

Grabe kung nakakamatay lang ang tingin kanina na siguro ako nakabulagta dito. Kung makatitig parang kakainin ako ng buhay eh.

Hindi ko na lang sila pinansin at nilantakan ko na lang ang pagkain ko.
Isusubo ko na sana ang isang slice ng cake nang may biglang nagsalita.

"Hey Iceah can I sit beside you?"
Tumingala ako at nakita ko si Jena na nakatayo habang nakatingin sa akin.
Tiningnan ko lang sya at kumain uli.

"Silence means yes."

Sabi nito agad umupo sa tabi.

"Ice alam mo ba kung bakit silang lahat nakatingin sayo?"

Umiling lang ako bilang sagot.

"Yun ay dahil nakita nila kung paano mo sinapak si Frost, kaya girl you need to be careful, hindi mo pa alam kung ano ang kaya nilang gawin sayo. Tahimik nga silang nakatingin sayo ngayon pero mamaya niyan bigla ka na lang aatakihin."

"Yeah and who's Frost?"

"Siya ang leader ng kinatatakutan na gang dito sa GU, which is the BBG or Black Blood Gang."

"Ahh,"

Kaya naman pala ang yabang ng lalaking 'yon.

"Ahh Ice may alam ka ba sa pakikipaglaban?"

"Why?"

"This coming saturday is the bloody day, kaya kailangan mong maghanda, you're the newbie kaya I'm sure ikaw ang pag-iinitan nila."

Napangisi ako sa sinabi nito. Bloody day? Sounds fun.

"Hey, why are you smiling? Hindi ka ba natatakot?"

"Why would I?"

"You must be! Bloody day 'yon Ice, malaya silang patayin ka."

"Ahh,"

"Ewan ko sayo hirap mong kausap ang taas-taas ng sinabi
ko pero puro ahh lang sagot mo, nasaan ang hustisya?"

"Nasa korte."

"Ehh Ice naman ehh, try mo namang magsalita ng mahaba." Sabi nito habang nagpout.

Tsk disgusting.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad.

"Saan ka pupunta Ice?"

"Room,"

"Ahhhhhhh patay late na pala ako."

Napailing na lang ako.
Tsk childish.

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now