Chapter 35: He's dead

5.2K 167 13
                                    

Iceah's POV

Nanatili pa rin akong nakatingin sa kawalan. Hindi ako makapaniwalang nagawa ni Luis ang bagay na 'yon.
Paano niya nasikmurang patayin ang lahat ng estudyanteng natitira sa GU? And worst ay tinangka pa niyang patayin si Frost.

That man, he's really a monster. Bagay lang sa kanya ang ginawa ni Laisha. Kung ako 'yon baka tinadtad ko na ang katawan niya. Pasalamat siya at nakakulong ako sa impyernong 'to.

"Nga pala Ice, alam mo ba kung ano ang nangyari kay Fire?"
Napatingin ako kay Jericho dahil sa tanong niya.

Fire? Teka alam na ba niya? Kung ganun, ginawa na nga ng dalawang hayop na 'yon ang plano nila.
Akala ko bukas pa nila isagawa 'yon. Tsk masyado silang atat.

"Ano Ice, alam mo ba?"

"Everything,"
Makahulugang sagot ko dito at sumandal sa pader.

Pagpasok ko palang sa GU, alam ko na lahat. Lahat ng posibleng mangyari. Pero hindi ko inakalang ganito sila kalakas, kakapangyarihan. I only thought that they're just an ordinary Organization, but I was wrong. They're more than a demon. Akala ko hindi totoo ang sinabi ng lolo ko noon, pero nagkamali ako. Tama nga ang sinabi niya sa akin. Sana nakinig ako, hindi sana ito mangyayari.

Pero tapos na, nangyari na ang lahat. Hindi na maibabalik ang dati. Kahit sisihin ko ng sisihin ang sarili ko, wala ng magbabago pa.

Ang dapat ko lang gawin ngayon ay itama ang lahat. Pero paano ko gagawin 'yon kung nakakakulong ako dito?
Hindi naman ako makakalabas dahil sa dami ng bantay.

Pero wait----I think may isa pang paraan. Sana lang kakagat sila kundi wala na talagang pag-asa.

"Hey Jericho, gusto mo bang malaman ang nangyari kay Fire?"
Tanong ko dito na seryosong nakaupo sa kabilang gilid.

"Oo, lahat ng tungkol sa kanya."

"Sasabihin ko sayo pero sa isang kondisyon."

"Ano?"

Alam kong hindi siya papayag sa plano ko pero ito lang ang tanging paraan.
Humugot ako ng malalim na hininga tsaka nagsalita.

"Try to kill me."

"W--w-hat? Alam mo ba 'yang sinasabi mo? Sa tingin mo kaya kitang patayin?"

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. As expected hindi siya pumayag. Pero it's the only way. Papayag man siya o hindi, itutuloy ko 'to.

"Hindi ko sinabing patayin mo ako, I said try to kill me. Pero kung ayaw mo ako na lang ang papatay sa sarili ko. I'll just bite my tongue and died. Easy right?"

Rinig kong napabuntong-hininga siya sa sinabi ko. I know papayag na 'yan, ayaw niya naman sigurong mamamatay ako dito na parang aso.
Pero kung hindi, I'll just kill myself then. After all, this is my fault.
Nangyari ang lahat ng 'to dahil sa akin kaya dapat lang na patayin ko ang sarili ko. Kapag nagawa ko 'yon matatapos na ang lahat.

Akmang kakagatin ko na sana ang dila ang ko nang bigla siyang magsalita.

"Fine! Just----just don't kill yourself."

Napangiti ako ng palihim sa sinabi niya.
Papayag rin pala ang gago, pinaghintay pa ako.

"Good, ang gawin mo lang ngayon ay bugbugin mo ako tapos iuntog mo ang ulo ko sa pader."

"What? Baliw ka na ba talaga?"

Ano na naman bang ikinaputok ng butsi ng lalaking 'to?
Anong gusto niya, ulo niya ang iuntog ko sa pader? Tsk bobo talaga. Hindi marunong mag-isip.

"Gawin mo na lang kung ayaw mong may paglamayang aso dito."

"Hayst ano pa nga ba ang magagawa ko, wala."

Buti alam niya. Subukan niya lang suwayin ang sinasabi ko, papatayin ko talaga siya.

Kahit madilim ay lumapit ako sa likod niya at umupo.
Hinawakan ko ang kamay niya na may gapos habang nakatalikod. Hindi naman kasi ako pwedeng humarap dahil nasa likod ko din ang kamay ko nakagapos.

"Anong ginagawa mo?"

"Tinatanggal ang tali, paano mo ako mabubugbog kung nakagapos ang mga kamay mo?"

Tumango lang ito at hindi nagsalita. Ilang segundo pa ang lumipas ay walang nagsasalita isa sa amin.
Dahil ayaw ko ng ganitong katahimikan ay nagsalita na ako.

"Ano ang gusto mong malaman tungkol kay Fire?"

"Lahat, lahat ng tungkol sa kanya."

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Iniangat ko ang ulo ko habang ang kamay ko ay patuloy parin sa pagtanggal ng tali. Tumikhim muna ako tsaka nagsalita. 

"Ang Fire na nakikita mo ay hindi si Fire. Ang taong 'yon ay isang halimaw. Unang araw ko palang sa GU, alam ko ng hindi siya 'yon dahil sa mga mata niya.
Malalaman mo naman kaagad 'yon dahil sa mata niyang walang kabuhay-buhay."

"Kung makapagsalita ka parang kilala mo talaga siya. Bakit, nagkita na ba kayo ni Fire?"

Napangiti ako ng mapakla sa tanong niya.
Kilala? Sobra. Kilalang-kilala ko si Fire, dahil siya ang lagi kong kasama noon bukod kay Jericho.

"Sobra pa sa inakala mo. Ang Fire na 'yon na sinasabi mo? Isa 'yong ghouls same with Trixia. You know, ghouls can transform into human. Kayang-kaya nilang gayahin ang itsura at porma ng isang tao."

"Kung ganun a--a--ano ang nangyari sa totoong Fire? N-na--nasaan ang pi--pinsan ko?"

Natameme ako sa tanong niya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang lahat. Lahat ng nangyari noon. Baka magalit siya, baka magalit sila sa akin.
Pero kung hindi ko sasabihin, malalaman at malalaman rin naman nila ang totoo.
Mas mabuti pang sabihin ko na lang, wala rin naman silbi kung itatago ko pa.















"Jericho, Fire is---------------Fire is already dead."









A/N: Here's the UD^^ sorry kung pinatay ko si Fire, naiinis na ako sa kagwapuhan niya eh😂😁😂

Sana magustuhan niyo.
If ever nalilito kayo o may tanong, please don't hesitate to ask me. Im not a snob:)

Enjoy reading.

Votes and comments are highly appreciated.

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now