Chapter 12: Luis Noir Vivaldi

9.4K 435 15
                                    

"Shit! Fuck you Black!"
Sigaw nito habang hawak-hawak ang ilong nito na dumudugo.

Tsk 'yan ang bagay sa isang kiss stealer. Nang matauhan kasi ako sa pagkatulala kanina ay bigla ko siyang sinuntok.
Anong akala niya sa akin basta na lang magpapahalik?
Tsk pero infairness ang lambot ng labi niya parang marshmallow ang sarap h-- teka nga ano ba 'tong sinasabi ko? Tss kasalanan ito ng lalaki na 'to eh.

"Hoy Mr. Park tumayo ka na, para kang baklang umiiyak diyan."
Sambit ko dito. Paano ba naman kasi nanatili itong nakaupo.
Ngayon lang ba 'to nasuntok sa mukha?

"Shut up! How dare you to punched my handsome face? And you really got a nerve to call me a gay?"
Muntik na akong matawa sa itsura niya.
Para itong batang nagsusumbong, ang cute!
Teka sinabi ko bang cute? Hindi, wala akong sinabi. Wala kayong narinig esti wala kayong nabasa. Wala talaga.

"Black naririnig mo ba ang sinasabi ko?

"Ahhh fuck!"

The heck ang sakit ng puwet ko. Bakit ba kasi ang lapit ng mukha niya?
Dahil sa katarantahan ko, napaatras ako nang wala sa oras.  At kung minamalas ka nga naman nasagi pa ng isang katana ang paa ko kaya ito, natumba na nga may malaki pang hiwa ang kaliwang kong paa.

What a nice training.

"Shit! Black ok ka lang? I'm so--Im so sorry."

"Ano bang klaseng tanong 'yan? Tsk tanga talaga, kung ihatid mo na lang kaya ako sa clinic, hindi 'yung tutunganga ka lang diyan."
Inis na sambit ko dito habang itinali ko ang panyo ko sa sugat.

Napatingin ako dito nang bigla itong umupo sa harapan pero nakatalikod.

"Sakay na."

What? Ano bang sinasabi nito eh wala ngang sasakyan dito. Nag-improve yata katangahan nito naging baliw na.

"Sasakay ka ba Black o tutunganga ka lang diyan?"

"Saan ako sasakay? Eh walang sasakyan dito."
Nalilitong saad ko dito.

Kumunot ang noo ko nang lumapit siya sa akin at bigla akong binuhat, 'yung parang sako na binubuhat ng isang kargador.

Fuck ano ba ang ginagawa ng lalaking 'to.

"Shit Mr. Park ibaba mo ako!"
Sigaw ko dito pero ang tanga hindi man lang ako pinansin.

"I warn you Mr. Park, kapag hindi mo ako ibababa papatayin talaga kita."
Banta ko.

"Ang ingay mo tumahimik ka na lang pwede?"

"Ibaba mo nga ako, tanga ka ba o hindi mo talaga ako naintindihan?"
Bwesit talaga nakakahiya, ang dami ng nakatingin.

"Yan ba talaga ang gusto mo?"
Tanong nito.

"Oo kaya pwede ba ibaba mo na ako."

"O ayan, pumunta ka na lang sa clinic mag-isa. Ang ingay mo."
Sabi nito at bigla akong ibinagsak sa sahig. Nagsmirk pa ito sa akin bago umalis.

Bwisit! Hindi ba niya ako pwedeng ibaba ng marahan at kailangan pa talagang ibagsak? Tangina talaga ang sugat ko dumudugo na naman.
Ugh isa na lang talaga Frost papatayin na talaga kita.

Dahan-dahan akong tumayo pero hindi ko talaga kaya. Tiningnan ko ang sugat ko na ngayon ay namamaga na. Mukhang may lason yata ang katana na 'yon.

Napalingon ako sa harap nang may biglang nagsalita.

"Hi Miss, you need some help?"
Tanong ng isang lalaki na nakangiti. He's handsome, ang kinis ng mukha niya.

"No thanks,"
Tanggi ko dito. Hindi sa nag-iinarte ako kundi wala akong tiwala sa mukha niya.
Nanatili parin itong nakatayo sa harap ko at manghang nakatingin sa akin.
Magsasalita pa sana ako nang biglang kumirot ang paa ko.

"Araaay,"

"Shit! Miss ok ka lang?" Natarantang tanong nito.

"Mukha ba akong okey?"
Bulyaw ko dito. Bakit ba kasi ang daming tanga ngayon? Dumadaing na nga sa sakit, tinatanong pa talaga.

"Okey sorry, dadalhin na lang kita sa clinic." nakayukong sambit nito at inalayan akong tumayo.

Pagkarating namin sa clinic ay kaagad na ginamot ng nurse ang sugat ko.

"Ano bang klasing katana ang nakasugat nito Miss. Agami?"

"Hindi ko alam."
Bored kong sagot dito.

"Base sa sugat mo parang may lason ang katanang 'yon."

"What do you mean?"

"Ang ibig kong sabihin may lason ang katanang 'yon kaya namamaga ng ganito ang paa mo."
Paliwanag nito habang nakatingin sa lalaking katabi ko. Tsk malandi nga naman.

"So nagkaroon ng lason ang sugat niya?" Tanong ng lalaking katabi ko.

"Oo isa itong lason ng pinaghalong makamandag na ahas.  Kaya kailangan mo munang magpahinga ng dalawang araw, bibigyan na lang kita ng gamot mamaya. Sige maiwan ko muna kayo."
Sabi nito at naglakad na palabas.

Liningon ko ang lalaking nasa tabi ko dahil mukhang wala yatang balak umalis.

"Mr. pwede ka ng umalis.''
Sambit ko dito.

"Ahh yeah, pero pwede ko ba munang malaman pangalan mo?"
Sabi nito habang nakangiti.
Hindi ba 'to napapagod sa kakangiti?

"Iceah,"

"Ha anong Iceah?"

"Pangalan ko,"
Bored kong sagot.

"Ahh ako nga pala si Luis, Luis Noir Vivaldi. Tawagin mo na lang ako kapag kailangan mo ng tulong." sambit nito. Tumango lang ako at tiningnan ito na naglalakad paalis. Nang mawala na ito sa paningin ko ay ipinikit ko na ang mata ko para matulog.

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now