Chapter 9: Bloody Battle?

10.6K 469 27
                                    

( si Fire po yung nasa multimedia)

"Hey Ice wake up! Hey!"

Fuck ang ingay!
Idinilat ko ang mata ko at inis na tiningnan si Jena.

"What?"
Putek ganda ng tulog ko ehh ginulo pa ng isip bata na 'to.

"Ahh hehe galit ka Ice?"
Isa na lang mapapatay ko na talaga ang babaeng 'to.

"Fuck Jena ano ba talaga ang kailangan mo?"

Nakapikit kong sabi, inaantok pa talaga ako.

"Ano Ice ahmm kailangan mo ng bumangon kasi Interhigh na next week din pipili ka pa kung ano ang sasalihan mo."
Sabi nito habang nanginginig ang kamay.

Nakakatakot ba talaga ako? Hindi naman ah. Ang oa talaga ng babaeng 'to, sinigawan lang nanginginig kaagad.

"Hey Ice nakikinig ka ba?"

"Yeah bukas na lang."
Bukas na lang inaantok pa talaga ako gusto ko pang matulog.

"What? No, last na lang ngayon Ice kaya bumangon ka na."

Marahas akong bumangon at tiningnan si Jena.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Aba malay ko ba na hindi mo pala alam."

Napailing na lang ako at tumayo.

"Maliligo na ako maghintay ka na lang sa labas."
Sabi ko at pumasok na sa banyo.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako at lumabas.

Nakita ko si Jena na may kausap na lalaki kaya lumapit ako papunta sa kanila.

"Hi Miss ganda."
Bati ni Fire nang makalapit na ako.

Close ba ang dalawang 'to? Hmm.

"Hey Jena where is Registrar's Office?"
Tanong ko dito at hindi pinansin si Fire na kanina pa nakatitig sa akin.

"Sasamahan na lang kita Ice mahirap na baka maligaw ka."

"Okey tara na."
Sabi ko at nauna ng maglakad.

__________

"Ahh Miss ano po ang sasalihan nyo?"
Tanong ng babae na may mahaba na buhok at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

Tsk sarap dukutin ng mata.

"Archery,"

"Sorry Miss but Archery is already close."

Close! close! Close! Bakit hindi ba 'yan pwedeng iopen?
Putek!

"Saan na lang ba pwede Miss?"
Rinig kong tanong ni Jena.

"Sa Bloody Battle na lang po."

Bloody battle? May laro bang ganun?

"Hala paano na 'yan? Sa basketball ka na lang sana Ice pero close na rin."
Malungkot na sabi ni Jena.

"Sa Fencing ka na lang Ice."
Sabi naman ni fire.

Fencing? Nah boring.

"Sige Miss sa Bloody Battle na lang."
Sabi ko sa babae at agad naman nya itong isinulat.

"Ice sigurado ka ba dyan?"

Ang oa hah.
Para namang makakamatay ang laro na 'yan. Well siguro nakakamatay nga dahil hindi naman 'yan tatawaging bloody battle kung hindi.

"Yeah,"
Bored kong sagot dito.

"Pero Miss Ganda delikado 'yan."
Isa pa 'tong Fire na 'to sarap sunugin.

"Alam ko,"

"Alam mo naman pala pero bakit 'yan ang pinili mo Ice?"
Sigaw ni Jena.

"Are you deaf or something? Hindi nyo ba narinig ang sinabi nya? Ito na lang ang pwede, so pwede ba itikom niyo na lang 'yang mabaho niyong bibig."
Sigaw ko dahil ang sakit na talaga ng tainga ko sa reklamo nila.

"Ok chill sorry, nag-alala lang naman kami sayo Ice."
Nakayukong sabi ni Jena.

"Kaya ko ang sarili ko."
Pagkasabi ko noon ay naglakad na ako paalis.

I know I'm rude pero nakakainis na kasi talaga.
At isa pa hindi ko naman talaga sila kailangan. Pabigat lang sila sa buhay ko.

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now