Chapter 27: The traitor

6.7K 222 32
                                    

(Half pics of DEATH 🔝🔝🔝)

Frost's POV

Fuck!

Fuck this shit!

Bakit ko sila hinayaang kunin si Black?
Urgh ang tanga-tanga ko!
Bakit hindi ko siya nagawang iligtas?
Bakit hindi ko nagawang iligtas ang babaeng mahal ko?
Right mahal ko siya, mahal ko si Black.
She's one of a kind. Wala siyang kinatatakutan at inuurungan.
Kaya hindi ko napigilan ang puso ko na mahulog sa kanya.

Alam kong wala siyang gusto sa akin pero wala akong pakialam.
Basta't alam ko lang na ligtas siya, okey na 'yon.

Pero ngayon nasa piligro ang buhay niya at dahil 'yon sa akin.
Kung tinulungan ko lang sana siya at hindi nagpakaduwag, siguro nandito pa siya ngayon.
Siguro hindi siya nakuha ni Azazel.
Bakit ba kasi ang duwag ko?
Dahil sa kaduwagan ko lahat ng tao na malalapit sa akin ay nalagay sa piligro.

"Frost tutunganga ka lang ba diyan? Hindi mo ba siya ililigtas?"

Napatingin ako kay Rick dahil sa sinabi niya.
Ililigtas?
Paano ko siya ililigtas kung hindi ko alam ang kuta ng mga putang Vimsters na 'yon?

"Paano?"

Napakunot ang noo ko nang ngumiti sa akin si Rick.

Ano ba ang nginingiti ng gunggong na 'to?

"You know Death?

Death?
Kamatayan?
Ano naman ang alam ng Death na 'yan?
Makatutulong ba 'yan kung saan namin makikita si Black?

"She can help us."

"How?"
Tanong ko dito na may pagtataka sa mukha.

"You'll know soon, for now let's go to see her."

"Ok let's go, siguraduhin mo lang na matulungan niya tayo."

Wait for me Black.
Please stay alive.
Hintayin mo ako, ililigtas kita.

Death/ First Someone's POV

"Master may bisita po kayo, papapasukin ko ba sila?"

Bisita?
Sino naman ang naglakas-loob na bumisita sa teritoryo ko?

Binitawan ko ang katana na hawak ko at tumingin kay Gino, ang isa sa pinakamalakas sa mga tauhan ko.

"Sino?"

"Jericho daw po, Jericho Lavanthiez. "

Lavanthiez?
May natitira pa pala sa mga Lavanthiez Clan.
Akala ko naubos na sila ni Blood.

"Papasukin mo,"

"Opo Master,"

Hmm ano kaya ang kailangan ng isang Lavanthiez sa isang tulad ko.
Alam kong hindi siya pupunta dito kung wala siyang kailangan.

Ilang sandali pa ay may naririnig akong yapak papunta dito sa silid.
Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalawang lalaki.

I can say that they're both handsome. They have a the same eyes, cold and emotionless. I bet they're relatives.

"Ano ang kailangan niyo?"
Tanong ko na may malaking ngiti sa labi.

Nakita kong alinlangan lumapit sa akin ang isang lalaki na may tattoo na agila sa balikat.

Teka Agila?
Kaano-ano niya si Hera?
Posible ba na siya ang batang si Zane?
Ang isa sa anak na lalaki ng mga Haji/Park Clan?
Nah impossible, pinatay ko na silang lahat.

"Ikaw ba si Death?"

"Anong kailangan niyo?"

Lumingon muna ito sa likod kung saan naroon ang isa pang lalaki.
Mukhang may sinabi ito sa kasama dahil nakita ko itong tumango.

Pagkatapos ay lumingon ito sa akin at nagsalita.

"Pwede mo ba kaming tulungan para mailigtas siya?"

"Anong pangalan niya?"

"Iceah, Iceah Black Agami ang pangalan niya."

Napangisi ako nang marinig ko ang pangalan.

Iceah,
My dear Iceah, nakuha ka na pala niya.
Naunahan na pala ako ng bruhang 'yon.

Hmm tutulungan ko ang mga kaibigan mo na iligtas ka.
Kapag nakuha na kita sa mga kamay nila Blood at Azazel, sisiguraduhin kong sa akin ka mapupunta.

Malaki ang kasalanan ng pamilya mo sa akin. Kaya ikaw dapat ang kabayaran.

"Walang problema, pero bago 'yon pwede ko bang malaman ang pangalan niyo?"

"Pasensya pero pumunta lang kami dito para humingi ng tulong at hindi para magpakilala."

Automatikong napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
Masyadong makapal ang mukha ng lalaking 'to.
Pero sige palalampasin ko muna 'to, mapapatay ko rin naman siya kapag napunta na sa mga kamay ko ang babaeng 'yon.

"Hindi ko gusto ang pananalita mo pero sige hindi na kita tatanungin sa lintek mong pangalan. Makaalis na kayo, huwag kayong mag-alala tutulungan ko kayo na mailigtas ang babaeng 'yon.
Sa pagsapit ng mabilog na buwan, dun ako dadating."

Tumango lang ito at walang-paalam na lumabas ng pinto.

Napakawalang-modo ng pisting nilalang na 'yon.
Kung hindi ko lang siya kailangan, matagal ko 'yung tinaga sa puso.

Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok ang isang babae.

"What brought you here?"

Tumingin lang ito sa akin at umupo sa may sofa.

"Succeed ba ang plano ko?"

Plano?
'Yan lang ba ipinunta niya rito?
Ang babaeng ito talaga masyadong seryoso sa mga bagay-bagay.

"Oo naman, sigurado akong hindi na tayo mabibigo ngayon Jena, my dearest






Sister."

A/N: here's the UD po^^
Dahil mahal ko kayo sunod-sunod po 'yung UD😂

Sana magustuhan niyo.
Enjoy reading!

Votes and comments are highly appreciated :)

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now