Chapter 20: Vampire?

7.4K 354 21
                                    

A--ano to?

Bampira?

Anong ginagawa nila dito? I thought magsusulat ako ng poems? Fuck so niloloko lang ako ni Frost?
Bwesit papatayin ko talaga ang lalaking 'yon.

Bigla akong napalingon sa madilim na bahagi ng silid nang may isang babae ang lumabas mula dito.
Mahaba ang buhok nito na hanggang balikat at kulay pula.
Katamtaman lang ang tangkad nito. Nilalaro ng isang kamay nito ang isang balisong habang nakangising nakatingin sa akin.

"Oh hello Ms. Agami, are you afraid?" Tanong nito sa akin.
Hindi ako sumagot tiningnan ko lang ang mapupulang nitong mata.
Totoo ba talaga 'tong nakikita ko? I thought hindi totoo ang mga bampira.

So hindi nga talaga puro gangsters ang mga nag-aaral dito. Pero bakit parang walang alam ang iba na may bampira dito?
At ang headmaster ng skwelahan na 'to, posible ba na bampira din siya?

Kung ganun nga, ibig sabihin nito pumasok ako sa skwelahan ng mga gangsters and vampires?
Ibig sabihin rin ba nito bampira din si Jena, Fire and Frost? Pero hindi pula ang mga mata nila. Mga tao naman siguro sila diba?

Hayst kailangan kong makalabas ng buhay sa DR na 'to para malaman ko ang buong katotohanan.

Tiningnan ko ang buong paligid, mga lima silang lahat na nakapalibot sa akin. Mapupula ang mga mata nila na parang dugo. Tumutulo ang mga laway nito sa bibig habang nakatingin sa akin.

Nabaling ang paningin ko sa babae nang bigla itong magsalita.

"Ms. Agami alam mo na ang tungkol sa amin diba? Sa ginawa ni Trixia sayo noon imposibleng hindi mo pa alam.
At ngayon, humihingi ako ng tawad sa gagawin namin. Kailangan ka na naming patahimikin para hindi masira ang aming plano." Kalmang saad nito at tumingin ng diritso sa mga mata ko.

So wala ngang kaalam-alam ang mga tao dito. Pero how come na hindi nila alam? Ganun ba kagaling magtago ng sekreto ang mga 'to para hindi mahalata ng iba?

Napaatras ako nang dahan-dahan silang lumapit sa akin.
Putragis talaga hindi ba alam ng mga ito na may laban pa ako sa bloody battle mamayang gabi?
Tsk langhiya.

Nang makita ko ang isang lalaking papalapit sa akin na may dalang kutsilyo ay mabilis ko itong sinikmurahan at sinipa ng malakas sa tiyan.

Napaupo ito kaya lumapit ako dito at tinapakan ang kamay.
Kinuha ko dito ang kutsilyo.
Nang mapansin kong tatayo pa ito ay mabilis kong nilaslas ang kanyang leeg. Sumirit ang dugo nito papunta sa mukha ko.
Tsk ang baho ng dugo ng lalaking 'to.

Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang kamay at tumayo.
Humarap ako sa babae na nakangisi pa ring nakatingin sa akin.

Tumingin ito sa kanyang kasamahan at nagsalita.

"Kill her." Sabi nito habang nakatingin parin sa akin. Bakit laging nakangisi ang isang 'to? Tsk may saltik siguro 'to sa utak.

Umatras ako ng limang hakbang nang naglalakad papalapit sa akin ang tatlo nitong kasamahan.

Unang sumugod sa akin ang isang lalaking may pulang buhok at may hikaw sa ilong.
Nang susuntukin sana ako nito ay mabilis kong iniliyad ang katawan ko para hindi matamaan ang napakaganda kong mukha.
Humarap ako dito at ngumisi. Pinatid ko ang paa nito at sinaksak sa dibdib.
Tsk bampira ba talaga 'to? Bakit ang hina?

Yuyuko sana ako para kunin ang kutsilyo na nakabaon sa dibdib nito nang may naramdaman akong hapdi sa tagiliran ko.
Tiningnan ko ito at doon ko nakita ang isang kutsilyo na nakabaon sa tagiliran ko.

Tangina.
Bwesit.
Pisti.
Langhiyang pangit na bampira 'to bakit ang tagiliran ko pa ang sinaksak niya pwede naman ang paa ko o kamay.
Letche talaga.

Pumikit ako at huminga ng malalim.
Idinilat ko ang mata ko at dahan-dahang tumingin sa tagiliran ko.
Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ito.
Huhugutin ko na sana ang kutsilyo nang may biglang humawak sa leeg ko mula sa likod at mas idiniin pa ang pagkabaon ng kutsilyo.

F*ck ang sakit.
Bwesit.
Ginagalit talaga ako ng bampira na 'to.

Pumikit ako ng marahan at siniko ko ito ng malakas. Napabitaw ito sa pagkahawak sa sugat ko kaya mabilis kong hinugot ang kutsilyo.
Halos napasigaw ako sa hapdi na nararamdaman ko.
Para itong nilagyan ng sili sa sakit.
Puno ng pawis ang mukha ko habang ang kamay ko ay nanginginig.

May nakita akong scratch paper kaya kinuha ko ito inilagay sa sugat ko para mapigilan ang pag-agos ng dugo.

Napaupo ako habang ang kamay ko ay nakahawak sa sugat.
Walang tigil sa pag-agos ang pawis ko mula sa noo.
Pakiramdam ko para akong nasa impyerno dahil sa init. Habol ang hininga ko habang tumingin sa sugat ko na parang dagat sa dami ng dugo na umaagos.

Napapitlag ako nang biglang nagsalita ang babae.

"Oh well malakas ka Ms. Agami, sayang kung papatayin kita ngayon. Hahayaan muna kitang mabuhay. Pero sa susunod papupuntahin na kita sa impyerno."
Kalmadong saad nito at naglakad na paalis kasunod ang isa nitong kasama.

Sinundan ko lang ito ng tingin.
Nang mawala na ito sa paningin ko ay nagpakawala ako ng malalim na hininga.

Akala ko katapusan ko na.
Akala ko dito mismo sa lugar na 'to matatapos ang buhay ko.
Pero hindi pala.

Dapat ba akong magpasalamat dahil hindi niya ako pinatay? O dapat akong kabahan dahil magkikita pa kami ulit?

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now