Chapter 36: The Past

5.1K 160 5
                                    

Frost POV

Nagising ako nang may marinig akong iyak ng isang babae. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at 'dun ko nakita si Laisha. Nakaupo ito sa ibaba ng kama, hawak ang kamay ko habang umiiyak.

Iginalaw ko ang isa kong kamay at tinapik siya sa kaliwang balikat.

"La--l-laisha,"

"Kuya? K--kuya gising ka na! Waah kuya!"

"Urgh,"
Napadaing ako sa sakit nang bigla niya akong niyapos ng yakap.

Takteng bata 'to, balak pa yata akong patayin.

"Fuck Laisha, bumitaw ka nga. Ang sakit ng katawan ko."

"Oh hehe, sorry kuya. Masaya lang ako dahil nagising ka na."
Saad nito na may malaking ngiti sa labi.

Ang drama talaga ng batang 'to. Parang natulog lang ako ng ilang oras eh.

"Laisha anong oras na?"

"Oras? Kuya, anong araw dapat ang itanong mo."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Araw? Bakit, eh sa pagkakatanda ko, natulog lang ako saglit.

"Kuya bakit? Hindi mo maalala? Sa pathway noong isang araw may nakalaban kayong Vimsters. Nawalan ka ng malay kaya dinala ka namin dito."

Oh right! Hinarang pala kami ng mga hayop na iyon.
Aalis sana kami 'nun para----teka si Iceah.

"Nasaan si Iceah? Nailigtas niyo ba siya? Anong araw na ngayon?"

"Ahh kasi kuya--"

"Ano?"
Ano bang nangyayari habang wala akong malay? May nangyari bang masama?

"K-kuya kasi--hindi pa namin nailigtas si Ate Ice. Hinintay ka pa kasi namin na magising tapos---"

"Tapos ano?"

"Oh Frost, gising ka na pala."

Napalingon ako sa likod. Nakita ko si Kyle at Ace na seryosong nakatingin sa akin.

"Kyle bakit--"

"Ayos na ba pakiramdam mo? Wala bang masakit? Grabe tol dalawang araw ka talagang natutulog dito--"

Napahinto ito sa pagsasalita nang ibinato ko ang isang baso sa sahig.

"Cut that shit Kyle. Nasaan si Ice? Diba sabi-"

"Yeah, alam kong sinabi mo sa akin na iligtas siya. Pero Frost paano? Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nakatirik ang bahay ng demonyong Blood na 'yon."

"Si Jericho?"

"He's missing"

Missing? Putangina naman oh. Saan ba nagpunta ang lalaking 'yon? Ano bang nangyayari dito? Bakit ang dami yatang problema.
"Anong balak mo ngayon Frost?"

"Pupunta tayo sa bahay ni Blood. Mamaya pa ang kaarawan ni Seraphim diba? May syansa pang buhay si Ice. At kung hindi ako nagkakamali baka nandoon din si Jericho."

Alam kong imposible na makarating kami doon bago ang hating-gabi. Pero kailangan kong subukan. Kailangan para mailigtas ko si Ice at isa pa umaasa akong tutupad si Death sa pangako niya.
Sana tutupad siya sa pinagkasunduan namin.

"Sige na maghanda na kayo. Aalis na tayo mamaya."






Iceah's POV

"Stop joking Ice. It's not funny."

"Sa tingin mo may gana pa akong magbiro sa sitwasyon natin ngayon?''
Patanong na saad ko kay Jericho.

Naramdaman kong lumapit siya sa kinaroroonan ko at umupo.

"Paano? Sinong pumatay sa kanya?''

Matagal bago ako sumagot. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang lahat. Baka kapag malaman niya ay kamumuhian niya ako.

Lahat ng tao na nakakaalam nito ay takot ng lumapit sa akin. Sinusumpa at pinagtaboyan nila ako palayo. Ayokong gawin nila sa akin 'yon. Ayoko ko ng maranasan ang pangyayaring 'yon.

Pero wala na akong pagpipilian. Malapit na akong mawala sa mundong 'ito kaya wala ng saysay kung itago ko pa.

Bumuntong-hininga ako atsaka nagsalita.

"W-when I was a child---i met him, I met Fire. Nakita ko siyang umiiyak mag-isa sa park. Tinanong ko siya kung bakit, sinabi niya sa akin na pinatay ang buo niyang pamilya--"

"Hindi 'yan totoo. Paano niya nasabing patay na ang lahat ng pamilya niya gayong buhay pa si Frost at Laisha?"

Napapikit ako sa sinabi niya. Ang lalaking 'to, hindi pa nga ako tapos sa pagsalita, nagreklamo 'agad.

"Gusto mo ba talagang malaman ang lahat? Patapusin mo muna ako pwede?"

Tumango naman ito at umayos ng upo.

"Naawa ako kaya pinatira ko siya sa amin. Pumayag naman ang magulang ko dahil wala rin naman akong ibang kaibigan sa dahilan na takot lahat ng tao sa amin.
Lumipas ang mga taon, mas naging close kami sa isat-isa. Laging nagtutulungan at nagdadamayan. Hanggang dumating ang isang araw na hindi ko kailanman makakalimutan. Papunta kami noon ng park nang may biglang dumukot sa amin at isinakay sa van.
Dinala nila kami sa isang white house. Iginapos nila si Fire habang ako naman dinala nila sa laboratory. May inilagay silang chemical sa katawan ko pagkatapos kumuha sila ng isang maliit na kambing. Inenject nila doon ang dugo ko pero walang nangyari. Hanggang sa napagdesisyonan nilang patayin ako.
Babarilin na sana ako noon nang biglang dumating si Fire. He wanted them to inject my blood to his body. Pumayag ako kasi akala ko--akala ko walang mangyayaring masama sa kanya. Pero nagkamali ako. Sa ha--hara--harap ko mismo. He died. Nagkadurog-durog ang katawan niya. Isa lang ang alam ko noon. Namatay siya dahil sa letseng dugo na nasa katawan ko."

Tumingin ako kay Jericho para makita ang reaksyon niya sa sinabi ko pero nanatili lang siyang nakaupo.
Hahawakan ko sana siya sa balikat nang biglang siyang magsalita.

"Sino ang dumukot sa inyo? Anong klaseng chemical ang ginamit nila."

"It was De--"
Naputol ang dapat kong sabihin nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong Vimster.

"Kunin niyo ang babae dalhin niyo siya sa pinto ng impyerno."

Napaatras ako ng lumapit sa akin ang dalawa. Pilit akong nagpumiglas ng hinawakan nila ako ng mahigpit sa braso. Tinadyakan ko ang mga paa nila pero hindi parin nila binitawan. Parang balewala lang sa kanila ang sakit.

"J--jericho---Jericho, mamaya wag kang lalapit sa akin."
Sigaw ko sa kanya na pilit lumapit sa akin.

"Hah? Teka Iceah! Teka sandali anong gagawin niyo sa kanya?''

"W--wag kang lalapit sa akin kahit anong mangyari."

Wag kang lalapit sa akin kung ayaw mong nagkalasog-lasog ang katawan mo.








A/N: malapit na ang ending! Ano kaya ang mangyayari sa kaarawan ni Seraphim? Sino ang matitira, sino ang mamamatay?
Excited na ako😂 excited na akong pumatay (lol jks lang)

Sorry for the late update. Kakabili ko lang po talaga ng bagong phone dahil pinatay ng virus ang phone at tab ko, pasensya po talaga.

Sana magustuhan niyo. Enjoy reading!

Votes and comments are highly appreciated;)

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Where stories live. Discover now