Chapter 6: Forbidden Magic

60 5 0
                                    

"Forbidden Magic"


Kyries POV


Kasama ko sila Jamil, Eli, tsaka Jace sa likod ng school. Wala lang tambay lang kami dito, sila Keefe kasi naglilibot sa campus para hanapin ang Prinsesa.


Don't get me wrong, naghanap narin kami pero wala talaga. Dapat magpapahinga lang kami dito pero itong mga kasama ko ayaw pa umalis kaya ayun.


"Di ko inexpect na kahit sa Mortal World may tahimik parin palang lugar. Akala ko puro maiingay na tao ang nandito." Sabi ni Jamil.


"Kung tutuusin naman talaga mas tahimik dito kumpara sa Thrae, mas maganda pa nga dito eh. Ewan ko ba kung bakit parang hindi makuntento ang mga tao sa kung anong meron sila. Pati kalikasan dinadamay." Si Jace naman yan.


Nakinig lang ako sa mga 'opinyon' daw nila dito sa mundo ng mga tao. Pati si Eli na nakaupo sa puno nakisali narin.


"Siguro dapat gumamit ako ng kapangyarihan dito para matakot naman sila sa kalikasan noh. Haha" napakawalang kwentang suggestion ni Jamil.


"Guys look! Sila Uziah ba yun?" Biglang singit ni Eli.


"Wow El kita nga namin sinasabi mo! Hello! Nandito kaya kami sa baba. Utak naman." Jace.


"Tss. Can't you just wait? They're coming this way anyway. Stupid!"


"Lalapit naman pala pasigaw sigaw ka pa."


"Whatever!" Tapos nagsalpak na si Eli ng earphone.


Nakalapit na nga sa amin sila Uziah at Madison, dala nila si Kevin na walang malay kaya agad narin lumapit yung iba.


"Anong nangyari kay Kevin." Tanong ko sakanila.


"Hindi rin namin alam basta may nakita lang kaming malakas na ilaw galing sa rooftop kanina, tapos pag akyat namin nila Ara dun nakita namin siyang walang malay at may kasama
ng babae." Sabi ni Uziah.


"Baka naman sinapak mo kasi nakita mong may kasamang babae?" Jamil.


"Shut up Jamil! Kyries baka pwede mo naman siyang gamutin para malaman natin kung ano yung nangyari sakanya?"


"O-oo sige susubukan ko. Wala naman kasi siyang sugat at mukhang natutulog lang pero titingnan ko narin. Eli, gumawa ka ng illusion para walang makakita sa gagawin kong pag gamit ng kapangyarihan."


"Okay got it." Pumikit siya tapos maya-maya parang nagkaron ng barrier sa paligid namin. "Okay na, wala ng makakakita dito sa atin sa loob, ang makikita lang nila ay isang garden."


Nagsimula na ko sa pag gamot ko kay Kevin, though wala naman akong nakikitang mali sakanya or kahit sugat kaya nagtaka ako. Pero may napansin ako sa buhok niya na parang kumikinang na buhangin pero kulay itim ito, kinuha ko iyon at tiningnan ng mabuti. Parang pamilyar siya.

AvalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon