Chapter 65: Unexpected Ally

36 3 0
                                    

"Unexpected Ally"


Caileen's POV


"Ito ba ang kaharian ng Saturnine?" Tanong ko kay Henley habang sabay kaming naglalakad sa pasilyo ng luma at madilim na kaharian.

Tumango lang siya sa akin bilang sagot. Kapansin-pansin ang pagpayat ng kanyang katawan at malamlam na mga mata.

"I know, I look terrible..." She said and chuckled, pero nanatili ang mata ko sa kanya ng may pag-aalala.

Pumasok kami sa isang malaking kwarto na may mahabang lamesa at nakahandang pagkain, mukhang dito dapat siya papunta kanina noong dumating ako.

"Pasensya ka na kung ito lang ang pagkain na mayroon ako, wala na kasi akong oras para makapag handa pa ng maayos na hapunan." Sabi niya at inabot sa akin ang tinapay pati na ang ilang mga prutas at tubig.

Tahimik ko yun kinuha at nilagay sa aking pinggan, gustuhin ko man na sabayan siya kumain pero nananaig sakin ang pangamba ko sa kanya dahil sa malungkot niyang mukha.

"Henley, nasaan sila Cael?" Basag ko sa katahimikan na bumabalot sa amin.

Mukhang hindi niya inaasahan ang tinanong ko na iyon dahil sa pagdilim bigla ng kanyang ekspresyon. Inangat niya ang kanyang ulo at nung dumapo ang kanyang tingin sa akin ay laking gulat ko nang sabay-sabay nagbagsakan ang kanyang mga luha.

"Hen--"

"Nasaan ka noong nakaraan na dalawang buwan Caileen? Bakit hindi ka dumating nung oras na pinaka kailangan ka namin?" Takot ang bumalot sa buong katawan ko dahil sa kanyang sinabi na hindi ko rin agad nakuha kung ano ang ibig niyang sabihin.

"A-Anong pinagsasabi mo Henley? Anong dalawang buwan, samantalang ilang oras lang ako na-"

"Matagal kang nawala Caileen, dalawang buwan. Hindi lang ilang oras, kundi dalawang buwan." Singhal niya sa akin.

"Paanong..."

"Hindi ko alam kung saan ka nagpunta o nagtago matapos atakihin ang mansyon natin sa mundo ng mga tao, pero ganun ka katagal nawala. Ganun narin katagal na hawak ng palasyo ang mga kaibigan natin, at isang buwan na nakakalipas matapos nila paslangin si Maeva, ang naging gabay-diwa ni Eileen."

"Ano? Bakit nila ginawa iyon?" Gulat na tanong ko.

"Marahil ay nalaman nila na nakikipag tulungan siya sa akin. Kaya't nung huling beses na bumalik siya sa palasyo, hindi ko na siya nakita pa muli. Sinubukan ko pumunta sa kaharian ng Thrae at doon ko lang nalaman na pinaslang na siya ni Eileen dahil sa pagiging traydor niya rito." Malungkot na saad niya at muling lumuha.

Ikinuwento rin niya sakin ang naging usapan nila ni Maeva bago ang naging pag atake sa mansyon, pati narin ang pag ligtas niya kay Henley upang hindi ito madakip ng mga kaaway nung oras na iyon.

Ilang beses narin niya sinubukan na tulungan ang mga kaibigan namin na ikinulong sa palasyo pero sadyang hindi niya kaya gawin yun ng mag-isa dahil sa taglay na lakas ng kaharian ngayon.

"Saan ka ba nanggaling Caileen? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Malungkot na tanong niya muli.

Ngunit imbis na sumagot ay tinitigan ko lang siya bago ko hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay. I pour some of my powers into her body that made her cheeks become rosy again as she looks lively once more.

"Why did you do that?" She exclaimed. "Dapat ay hindi mo na yun ginawa lalo na at—"

"Humihina na ang aking kapangyarihan?" Dugtong ko sa kanyang sinasabi.

AvalonWhere stories live. Discover now