Chapter 18: Enemy

45 6 0
                                    

"Enemy"


Uziah's POV


"Naiintindihan ba?" Tanong ko sa mga kasama ko.


"Ha?" Nagpintig naman ang tenga ko kaya binatukan ko siya.


"Aray Uziah! Nagbibiro lang naman eh kailangan talaga mambatok?" Sabi ni Jace habang hinihimas ang ulo.


"Makinig ka kasi!" Tumuwid naman siya sa pagkakaupo at humarap na sakin. Nandito kasi kami sa rooftop ng school ngayon at nag-uusap usap para sa planong pagkuha kay Caileen sa ospital mamaya. Kami ang inatasan ni Keefe sa bagay na 'to at sila naman ang bahala kumausap kay Henley.


"So ayun nga. After class dederetso tayo sa ospital na yun. Sa likod tayo dadaan, sa mapunong parte ng ospital. Eli, gumamit ka ng spell sa sarili mo para magmukha kang isa sa mga doctor doon, since hindi natin kasama si Madison, sayo nakasalalay yung pag-alam natin sa kwarto ni Caileen dahil hindi sa atin nasabi nila Jamil." Binalingan ko naman ng tingin si Eli.


"Medyo magiging crucial din ito para sayo dahil kailngan mo rin i-maintain ang invisibility spell mo sa amin nang hanggang 5 mins kaya kailangan natin magmadali." Tumango siya sakin kaya binalingan ko na yung iba.


"Peyton, magsummon ka ng beast na pwede natin gamitin para mabilis tayo makaalis kapag nakuha na si Caileen, maghihintay ka parin sa likod ng ospital hanggang sa makarating kami. Arthur will stop the time to the whole place na tatagal ng 3 minutes dahil masyadong malaki ang kailangan sakupin ng kanyang ability kaya malilimitahan ang tagal nito, and within those minutes kailangan nasa loob na tayo ng ospital looking for her room. Si Kyries na ang bahala sa paglalagyan ni Caileen."


"Teka, pano mo gagawin yun?" Tanong ni Peyton kay Kyries.


"May ibinigay sa akin si Jamil na isang seed na pwede maging barrier once na gamitan ito ng kapangyarihan. It can react to my healing power where I will put Caileen for her to be safe while inside the barrier. The moment the seed feels it, it will turn into a bud barrier at po-protektahan nito ang taong ilalagay niya sa loob." Napatango naman kami lahat sa kanya, ganun pala yun.


"So ano silbi ko?!" Sigaw ni Jace. Inirapan ko naman ito dahil sa pagsigaw niya.


"Ikaw ang isa sa magdidistract sa mga nurse sa loob, at ikaw rin ang magtatapon ng lahat ng information ni Caileen sa ospital. Kapag nakuha na natin siya at nakalabas na tayo ng ospital, Eli will use a spell to alternate the memory of everyone who knows about Caileen staying in there. Malinaw na ba?"


Nagsitanguan naman sila at mukhang handa na. Narinig namin ang bell, ibig sabihin magsisimula na ang klase pero bago kami maghiwa-hiwalay pinaalalahanan ko muna sila.


"Hindi tayo pwede magkamali sa gagawin natin na'to. We will do this quick and easy without being spotted."


----


-DISMISSAL-

AvalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon