Chapter 53: Tranquility (Part 3)

20 4 0
                                    

"Tranquility (Part 3)"



Henley's POV



"Talaga? Sinabi niya yun?" Natatawang tanong ko kay Jamil.



"Oo! Lintik nga ang kantyawan namin sa kanya dun at kilig na kilig naman siya. Hindi ko nga alam na may gusto pala siya kay Caileen. Pwede ba yun sa Familiar at sa pinagsisilbihan niya kung sakali?" 



"Hmmm... Ang totoo ay hindi ko alam. Wala rin naman akong alam sa mga nagdaang hinirang kung may ganoong pagkakataon na nahulog ang loob ng Gabay-bantay sa kanyang hinirang." 



Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa room namin ni Caileen. Ngayong miyerkules kasi namin nalaman na simula na pala ng preparasyon para sa School Festival, at next week naman magsisimula ang pagtatayo ng mga booths at events. Kaya kung tutuusin ay lagpas isang linggo kami halos na walang pasok.



"Ano nga pala ang gagawin ng grupo ninyo nila Caileen?"



"Coffee shop. Pinayagan rin kami na isa sa mga tertiary rooms ang gagamitin namin para doon. Tutal ay mahilig naman kami magluto at mag-bake pareho ni Caileen kaya hindi na kami mahihirapan dun." Nakangiting sagot ko sa kanya.



Nang makarating naman kami sa room ay wala ng tao halos dun kundi ang grupo namin. Si Caileen, Cael, Jaime, at Lou. Ako ang pang-lima.



"Wait... Puro lalaki ang kagrupo niyo?" Kunot-noo na tanong ni Jamil. Natawa naman ako.



"They're nice. Come, let me introduce you." Hinila ko siya papasok at nagpa-ubaya naman ito.



"Hi! Thanks for waiting." Agad naman ako nilingon ni Caileen. "Nakuha ko na yung approval form para sa room na gagamitin natin. Siguraduhin nalang daw na yung mga upuan at silya na nadun ay hindi masisira, no paintings on the walls rin daw. Designs lang ang papayagan." Tumango naman siya at ibinalik ang tingin sa ginagawa sa laptop.



Nakita ko naman na nagbatian sila Jamil at Cael, tapos ay agad na binalik ni Cael ang tingin kay Caileen na hindi maistorbo at pasimple naman ito umakbay doon na hindi naman binigyan pansin pa ng dalaga.



"Oh, by the way... Lou, Jaime, this is Jamil." Pakilala ko inabot naman ni Jamil ang kamay for a hand shake.





"Ohh! Hi! Ang pogi mo naman! Hihihi!" Kinikilig na sambit ni Jaime.



"Gaga! Wag mo takutin. Wala na nga tayong chance dun sa isa, baka pati dito sumablay pa." Saway ni Lou sa kaibigan.



Halatang gulat na gulat si Jamil na binalingan ako ng tingin kaya napabungisngis ako dito. Yup! They are gay. A fabulous one!



Bumalik naman sa kwentuhan yung dalawa tungkol sa gagawin na disenyo sa classroom dahil sila ang nakatoka doon. Si Cael naman ang bahala sa pagba-budget, si Caileen sa menu. Ako naman ay tapos na dahil binigay ko na ang mga ingredients na kakailanganin namin para sa isang linggo, tinatapos ko nalang ang ang draft para sa uniform namin.



"Kakayanin niyo bang lima 'to? Hindi sa nagdududa ako, pero hindi kaya mapagod kayo masyado dahil kokonti lang kayo?" Bulong ni Jamil sa tabi ko.



Napabuntong hininga naman ako sa tanong niya na yun, dahil ang totoo ay yun din ang nasa isip ko ilang araw na.



"Ayaw kasi makisama sa amin nung iba naming kaklase, lalo na ang class president dahil hindi sila sang-ayon sa plano na binigay namin. Kaya imbes na isang klase kami kumilos, nahati pa iyon. Sila Lou at Jaime lang ang sang-ayon sa amin dahil naging kaibigan narin namin sila sa ilang araw na nakasama namin." Pasimple kong sinulyapan si Caileen na ngayon ay kinukulit na ni Cael, kung minsan pa ay nakikita ko ang pamumula ng pisngi nito at hindi malaman kung dahil ba sa kilig o sa inis.



AvalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon