Chapter 45: Choices

21 4 0
                                    

"Choices"



Madison's POV




"Narinig niyo naman paliwanag niya diba? Bakit ba hanggang ngayon ay wala parin kayong tiwala sa kanya! Malinaw naman sa atin na ang grupo nila Krista ang puno't dulo ng problema dito!" Inis na sabi ko sa aking mga kasama.


Nandito kami ngayon sa Living room ng mansyon, gising narin sila Kuya Arthur at Ate Peyton pero ni isang salita ay wala parin silang binabanggit.



"Ate Uziah..." Tawag ko sa kanya pero umiwas lang ito ng tingin.



Mas lalo akong nanlumo doon.



"Hindi na ko papayag na basta-basta nalang maniwala sa pakay ng mga nakapaligid sa atin. Sarili nga nating kaibigan ay tinraydor tayo, siya pa kayang may kapangyarihan ng kadiliman? Sa bibig narin niya nanggaling mismo Mads, her hatred was the main reason she got that power." Mariin na paliwanag sa akin ni Kuya Keefe.



"Kasalanan niya bang lumaki siya sa ganoong paraan? Kasalanan rin ba niya na ang konseho ng kanyang magulang ang naging rason para paslangin ang kanyang ina dahil isa silang traydor sa palasyo? Sabihin mo sakin Keefe, kasalanan pa ba iyon ni Caileen?!" Nakita ko ang panlalaki ng kanilang mata sa sinabi ko.



I know...  This is the first time I've called him without labeling him as my 'Kuya'. But it doesn't matter anymore, ang mahalaga ay ang magkasundo kami para sa laban na ito.



"Magpalamig muna tayo. Lahat tayo ay magulo ang isip kaya hindi rin tayo makakapag-usap ng matino." Suhestiyon ni Kuya Jamil bago lumabas ng mansyon.


Agad rin naman nagsipag puntahan sa kani-kanilang mga kwarto ang mga kasama ko hanggang sa maiwan kami ni Ate Uziah dito. I looked at her with teary eyes as she aporoach me and tap my shoulder.



"Magulo pa ang lahat Madison, wag mo na munang dagdagan. Alam kong masakit pa sa ating lahat ang pagtatraydor nila Kevin..." As she mentioned his name tears started to fell from her eyes. She bit her lower lip hoping it will stop the tears from falling.


"Sa ngayon ay hayaan mo munang maunawaan ng iba ang mga nangyari. Alam ko na mabuting tao si Caileen, pero hindi pa kaya ng iba iproseso ang lahat ng ito sa isang araw." Huling sinabi nito sa akin bago umakyat sa kanyang kwarto.



Umupo ako sa sofa dahil sa panlulumong naramdaman na hindi ko makumbinsi ang aking mga kasama na maniwala sa sinabi ni Caileen. Lahat ng sinabi niya ay pinaniwalaan ko ng walang pagdududa kahit na sobra akong nabigla sa lahat na aming nalaman. Alam ko wala akong karapatan na makaramdam ng galit dahil lahat kami ay pinagtaksilan. Ang sa akin lang ay hindi ito ang tamang oras para mag-away pa.





Dahil hindi pa tapos ang labanan...




---


Jamil's POV




Pagkalabas ko ng mansyon ay una kong nakita si Henley at Cael na masinsinang nag-uusap. Sa tagal na oras kong nakatitig sa kanila ay naramdaman nila marahil ang aking presensya kaya tipid akong ngumiti at lumapit sa kanila.




"May problema ba?" Agad kong tanong nang makalapit.




Nagpalitan sila ng tingin saglit bago ako tinapik ni Cael sa balikat at naglakad paalis.




Okay...?





"Galit ba siya?" Tanong ko kay Henley, natawa naman siya sa akin.




AvalonWhere stories live. Discover now