Chapter 59: School Festival (Part 4)

20 4 0
                                    

"School Festival (Part 4)"


Arthur's POV


"Sure ka bang kaya mo na dito?" Tumango ako kay Keefe ng hindi parin inaalis ang tingin sa report na ginagawa ko.

"Ala singko na, matatapos mo ba yan ngayon?"

"Yup, hanggang ala sais pa naman daw yung prof dito. I'm sure maaabutan ko pa naman siya dun. Saglit nalang naman 'to, I can't waste anymore time." Sabi ko habang sinasabayan naman niya ang huling salitang sinabi ko.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya na ikinatawa niya sa ginawa niyang iyon.

"Damn, you never change." Isinukbit niya ang strap ng bag niya sa balikat bago lumabas sa room. "I'll leave it all to you then, tutulong lang ako sa pagliligpit sa booth nila Caileen."


Naningkit ang mata ko sa sinabi niya at binalingan ito ng tingin pero tuluyan na siyang nakaalis.


Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakakita, pero kapansin-pansin ang patuloy na paglapit ni Keefe kay Caileen. At hindi ko maiwasan na ipagkumpara ang inaasal niya noong si Eileen pa ang nakakasama namin.


Sinubukan kong iwaglit nalang ang patungkol doon at pinilit na tapusin ang report na ginagawa ko para sa booth namin.

Everyday kasi kailangan namin magpasa ng report patungkol sa booth na pinapatakbo namin at ang sales nun para sa araw na yun. Lahat kami ay kailangan gawin yun, kahit rin sila Caileen.

5:30 ng matapos ako sa ginagawa ko kaya agad kong sininop ang gamit at laptop ko para ipasa ang report na ginawa. Kita ako ang kulay kahel na kalangitan, at ang kakaunting mga tao sa eskwelahan hudyat na tapos na ang ikatlong araw para sa festival.


"Siguro nakauwi na silang lahat..." Sabi ko sa aking isip, tukoy ko sa aking mga kaibigan habang naglalakad.


May nadaanan pa akong isang classroom na mukhang may mga tao pa sa loob dahil may narinig akong mga nag-uusap. Pero bago ako lumagpas doon ay may nakaagaw ng atensyon ko sa mga nagsasalita.


"Hindi ko talaga alam kung paanong nabalik sa dati yung mga gamit dun, pero siniguro namin na wala ng ni isa pang pwedeng mapakinabangan doon. Rinig na rinig ko pa nga na sila ang pinagalitan dahil sa mga nasirang gamit eh." Rinig kong sambit ng boses lalaki.

"Balita ko pa na isa sila sa may pinaka-mataas na sales sa buong college department. Hindi ko alam kung paano nila nagagawa yun, eh tatatlo lang naman sila!" Eto naman ay boses babae.

"At ang nakakapikon pa dun, hindi tayo kasama doon dahil nakahiwalay sila Caileen sa atin." Nang marinig ko ang pangalan na yun ay tuluyan na nilang naagaw ang buong atensyon ko.

Kaya imbis na umalis ay sumandal ako sa pader malapit doon kung saan hindi nila ko makikita.


"Sigurado ako Dennis, nandadaya yang mga yan!" Dennis? Alam ko siya ang Class President nila Caileen.


"Puntahan ulit natin yung classroom nila. Tingnan natin kung anong pandaraya ang ginawa nila." Rinig ko ulit na sabi nung babae kanina.


"Naglagay na sila ng lock doon, paano pa natin papasukin yon?"


"Edi ipautos ulit natin kila Jaime at Lou." Narinig ko pa ang pag sang-ayon ng iba, mukhang marami pala sila dito sa loob.


"Hindi na natin maaasahan ang dalawang bakla na 'yon, pinagbantaan pa nga ako nun na kapag inulit ko pa daw yun ay isusumbong na nila ko sa Dean. Tss! As if matatakot ako sa kanila."

AvalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon