Chapter 62: Fallen Comrades

23 4 0
                                    

"Fallen Comrades"

Keefe's POV

"The darker the night, the brighter the stars, The deeper the grief, the closer is God."

Sa paglitaw ng bilog na buwan na nagbigay liwanag sa buong paligid, naalala ko ang quotation na iyon na nabasa ko nung isang araw. I thought of it as a very inspirational line, pero bakit parang masakit ito ngayon ng maalala ko iyon.

Walang tigil sa pag-agos ang luha ko nung oras na makarating kami kung nasaan sila Madison, dahil sa sandaling ito ay hindi ko na maramdaman ang pag-hinga nila Uziah at Kevin na magkatabi ng nakahiga sa lupa.

Nilapitan ni Kyries si Madison na walang tigil sa pag-iyak, at nung sandaling magyakap sila ay agad narin pumatak ang pilit nitong pinipigilan na mga luha dahil sa sinapit ng dalawa naming kaibigan.

Mabilis na dumalo naman ai Jace sa kapatid at pilit itong ginigising...

"Huli na nung makarating ako dito..." Panimula ni Bella nung makalapit ito sa amin. "He was holding Uziah in his arms, full of regrets after killing her with his own hands. Kinausap ko siya at pilit niyang idinidiin na yun ang kailangan niyang gawin para putulin ang kung ano man ugnayang ang mayroon sila. Pero alam ko na sa loob-loob niya ay nilalabanan niya rin ang lumalason sa kanyang isip. At sa huli... Sa huli alam ko nagtagumpay siya, alam kong naalala narin niya ang lahat dahil narinig ko ang binigkas niyang damdamin para kay Uziah... Sinabi niya kung gaano niya ito kamahal." Paliwanag nito sa gitna ng pag-iyak.

Hinawakan ko ito sa balikat bilang pasasalamat sa ginawa. Kahit gusto ko isatinig ang mga salita na yun, ay hindi ko magawa dahil sa barang namumuo sa lalamunan ko. Lumapit ako kay Jace at ganun rin ang ginawa ng iba pa.

"Jace..." Tawag ko dito at hinawakan sa braso pero hinawi niya iyon.

"Wake up Uziah! Come on! Open your fucking eyes! Hindi na nakakatuwa yang biro mo!" Sabi nito at pilit niyuyugyog ang kapatid. "Ano ba! Bakit ba ayaw mo parin gumising!" Galit na hiyaw pa niya.

Rinig ko ang malakas na hagulgol nila Eli dahil sa ginawa nito at hindi ko narin mapigilan ang tuloy na pag-agos ng luha ko.

"Tama na Jace... She's not going to wake up." Pagpapaintindi ko dito.

"Bakit?! Bakit ganyan kayo? Buhay pa ang kapatid ko! Hindi siya mawawala ng ganun lang. Porket nakita niyong nakahiga siya diyan at hindi gumagalaw patay na agad? Niloloko lang tayo niyan ni Uziah. H-Hindi totoong wala na siya. T-Tingnan mo sasapakin pa ko niyan pag mulat niyan." Umiiyak na sabi nito at niyugyog pa ulit ang kapatid.

Uziah please! Please wake up. You're stronger than this! Please wake up Uziah... Nangako ka sakin diba? Nangako ka na hindi na tayo maghihiwalay simula nung mamatay sila ama at ina. Nangako tayo na aalagaan natin ang isa't-isa kaya gumising ka na diyan! Gumising ka na please... Hindi ko na kaya pang mawalan ng pamilya." Lumapit si Eli sa kanya at mahigpit na niyakap ito mula sa likod na lalong nagpaiyak kay Jace.

Sobrang sakit makita na ganito ang nangyari habang wala kaming kamalay-malay sa lahat.

Binalingan ko ng tingin si Redmond na nasa tabi na ni Kevin, lumapit ako dito para sana pagmasdan ang kaibigan.

"K-Kuya Keefe..." Tawag sa akin ni Madison. "I'm sorry... I'm sorry... Kung hindi ako nagpadala sa galit ko. B-Baka hindi humantong sa punto na pati si Kuya Kevin--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito at agad ko siyang niyakap.

"Wala kang kasalanan. Walang may gusto sa nangyari. Wag mo sisisihin ang sarili mo." Bulong ko dito dahilan ng paghigpit ng yakap niya sa akin.

AvalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon